Umuwi ako na parang lutang matapos kong mapagtanto lahat ng sinabi ni Jasper. Ganoon na lang ‘yon? Siya ang nangako, e. Siya ang nangako na lalaban kami, pero siya rin pala ang unang susuko? “Jessy?” Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay nakita ko si Kuya Dexter kasama si Kuya Miko. Nakatingin sila sa akin. Lumapit sa akin si Kuya Dex at hinawakan ako sa dalawang braso pero lumayo ako. “Huwag mo akong hawakan!” Kita ko na nagulat sila sa inasta ko. Nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo. Tumingin ako nang masama kay Kuya. “Masaya ka na? Masaya ka na kasi nagawa n’yo na yung gusto n’yo? Masaya ka na kasi iniwan na ako ni Jasper? Ha?” Nag-iwas siya ng tingin sa akin kaya lalo akong naiyak, at pumiyok na rin ang boses ko. “Kuya, bakit hindi na lang kayo maging ma

