Pagkarating ko sa school ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako sa klase o hindi dahil natatakot akong makita si Jasper. Parang hindi pa ako handa. Natatakot ako na makita siya at malaman na ang lahat ng nangyari sa aming dalawa ay totoo at hindi panaginip. Sana hindi. . . Sana panaginip na lang. Nasa pintuan ako ng classroom namin at natanaw ko kaagad si Jasper na nakatingin sa kawalan, na parang ang lalim ng iniisip. Ilang saglit pa ay tumingin siya sa gawi ko at nagtama ang paningin namin. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin at dumukmo na parang hindi niya kilala ‘yung taong nakita niya. Pinigilan ko ang mga luha ko na tumulo. Hindi niya pwedeng makita na mahina ako. Hindi niya pwedeng malaman na sobrang nasasaktan ako sa lahat ng ginagawa niya. Pumasok na ako sa loob ng cl

