Nagising si Sam sa tunog ng cellphone niya, kinapa niya lang ito di siya dumadilat dahil inaantok pa siya. "Hello" walang kabuhay buhay niyang sagot sa cellphone niya ni hindi niya tinignan kung sino. "Hi Sam, Good Morning" Masayang bati ni Kai sa kanya, nagising siya biglang at napaupo. "Sorry nagising ba kita?" Tanong nito "Ah.....hindi....hindi naman pag gising na din ako, napatawag ka?" Nakangiti niyang tanong what a good morning nga naman sa isip isip niya. "Ahm ngayon kasi dating nila Mommy, sabi ni Mama sana makapunta kayo nila tito at tita para ma-meet naman nila sila Mom" sabi nito. "Sure, punta kami" Sabi niya, at ngiting ngiti. "Sige see you later" Sabi nito at pinutol na ang pag uusap nila. Nakangiti siya, habang nag aayos para bumaba "Hi Mom, Hi Dad" Bati niya at hum

