CHAPTER 1
"Sam, bilisan mo nasa hapag na ang Mommy at Daddy mo" Katok sa kwarto ni Sam, ng kanilang kasambahay na si Mamang Sally niya.
"Ito na po pababa na Mamang" Sabi Sam na nagmamadaling magsuklay ng buhok at inayos ang buhok at nagmamadalng bumaba.
Siya Si Samantha Kim Alvarez, twenty tree years old at nag iisang anak ni Samuel Alvarez at Katarina Alvarez nagmamay ari sila ng isang kilalang restaurant sa Metro Manila ang parent niya ang nagmamanage nito pero ng nakagraduate na siya ay tumulong na siya sa mga magulang niya.
"Hi mom, dad good morning po" Lapit nito at humalik sa ama't ina niya.
"What took you so long honey?" Tanong ng Dad niya, at tumingin sa kanya, habang naghahalo ng kape.
"Sorry dad, napasarap sa tulog ang maganda mong anak" sagoti niya sa ama.
“Asus kumain ka na, kung ano ano ang sinasabi mo, gutom ka lang” biro nito sa kanya, at inabutan siya ng nakahandang pagkain.
“Mommy o, si daddy di matanggap na maganda yung anak niya, palibhasa magkamukha tayong dalawa, wala akong nakuhang kahit ano sa kanya” baling niya sa ina niya na naaliw lang sa usapan nilang mag ama. Ang totoo ay ang daddy niya ang kamukhang kamukha niya, para silang pinagbiyak na bunga.
“Hay naku, kumain na kayong dalawa, para makaalis na tayo” natatawang saway niya sa kanilang mag ama.
Nasa sasakyan silang pamilya, ang daddy niya ang nagda-drive, katabi ang mommy niya, at siya ang nasa back seat, papunta sila sa orphanage na sinusuportahan ng kanyang mga mga magulang, bata pa lang siya ay tumutulong na ang mga ito, at dahil wala siyang kapatid ay napamahal na siya sa mga bata sa ampunan. Tumunog ang cellphone niya at nag makita niya ang nakarehistrong pangalan at umiikot ang mga mata niya.
"Hello" sagot niya dito, ang makulit na admirer lang naman ang tumatawag sa kanya, kahit ata ilang bese na niyang sabihin na magkaibigan lang sila ay di ito tumitigil, minsan ay naiinis na siya.
"Hi honey, my love so sweet" bungad nito, she just rolled her eyes "What do you want” tanong niya sa makulit na binata.
"Aga kaya sungit mo" Baluktot pa din ito magtagalog halos five years na ito sa Pilipinas, isa kasi itong pure chinese.
"Ranty, I am ang busy woman, you know” mapagpasensiya niyang sagot sa binata, mas hinahabaan niya ang pasensiya dahil mabuting kaibigan naman ito sa kanya.
"I just missed you" Malungkot na sagot nito sa kanya medyo nakonsensiya siya kasi kahit papaano alam naman niya na mabait ang binata
"Look, Ranty I'm sorry kung nasungitan kita may gagawin kasi ako, see you soon" mahinahong sagot ng dalaga sa kausap niya, para lang din tumigil na ito.
"It's okey malakas ikaw sa akin eh" Sabi nito at rinig ang masayang boses ng binata, "See you soon Sam" dagdag pa nito, then ended the call.
"Sagutin mo na kasi" pabirong sabi ng Daddy niya sa kanya at natawa lang ang Mommy niya, dahil nagsisimula na naman ang daddy niya.
"Hay naku daddy, please lang" nakasimangot niyang sagot sa ama kaya nagtawanan ang lang ang mga magulang niya, dahil sa reaksyon niya.
Pagdating nila sa ampunan "Hi, Good Morning po Sister Terry" Bati nila sa madre na namamahala ng ampunan, nasa edad singkentahin na ang madre.
"Good morning Alvarez family kompleto talaga kayo everytime na pupunta kayo dito" nakangiting sabi nito sa kanila.
"Of course Sister Terry" Masigla sagot ni Sam at nagmano sa madre.
"Pupuntahan ko lang po ang mga bata sa labas" Nakangiting paalam niya sa mga magulang at madre, tumango lang ang mga ito, dahil mukhang may pag-uusapan.
"Go ahead sweetheart, magpatulong ka na lang kay Badong para maibaba ang gamit na dala natin" sabi ng ama, tumango lang ito at tuluyan umalis ng kwarto.
"Kuya Badong ito pa po” turo niya sa isang plastic na dala niya, si Badong ay dating batang sa ampunan din at dito lumaki at ngayon ay tumulong sa pagpapalaki ng mga bata sa ampunan.
"Naku, Sam napakarami naman nito" Sabi ni Badong sa kanya, habang binababa ang mga dala nila para sa mga bata.
"Di naman po para naman po ito sa mga bata eh, para lahat ay makatanggap, ayokong may di mabigyan kuya" sabi niya at ngumiti, may inabot siya kay Badong.
"Ito po oh para sa inyo ni Ate Nelda at kay Benjie" abot ng dalaga ng isang paper bag na may laman mga damit at laruan, para sa anak nitong si Benjie.
"Naku, salamat Sam ha, napakabait mo talagang bata matutuwa ang aking mag ina dahil dito" Masayang sabi nito sa kanya.
"Wala po yun, malakas kayo sakin eh" Nakangiti naman tugon niya sa dito.
"Hello kids" bati niya sa mga batang naglalaro, nang makita siya ay nagmamadaling tumayo at sumalubong sa kanya ang mga bata.
"Ate ganda" Masayang bati sa kanya ng mga bata at yumakap pa iba sa kanya.
"Namiss ko kayo!" Masayang sabi niya sa mga ito at ginulo pa ang mga buhok ng mga ito.
"Kami din po, bakit ngayon lang kayo?" Tanong ng batang si Elmo sa kanya, habang masayang nakatingin sa kanya. Masaya ang mga bata pag may bumibisita sa kanila.
"Sorry ha, medyo busy si Ate Sam eh pero nandito na ako at may dala akong pasalubong" masayang sabi niya sa mga ito, kaya nagtatalon sa saya ang iba at yung iba ay pumapalakpak pa.
"Kuya Badong" Isa-isa pinasok ni Badong ang mga laruan at damit para sa mga bata nakaayos na ito baway bata para sa di magkagulo.
"Meron pa, pasok" Yung namang pasok ng mga crew galing jollibee na may dalang pagkain yun sanang pagkain sa restaurant nila, pero naisip niya na mas mag i-enjoy ito kung galing Jollibee, dahil mahilig sa Jollibee ang mga bata.
Natutuwa siya dahil nag i-enjoy ang mga ito sa pagkain at masaya sa dala niyang regalo. Maswerte siya dahil may pamilya siya at may maayos na buhay niya kaya habang kaya niya mag-share magsha-share siya sa mga batang napalapit na sa puso at buhay niya.
"Bye kids, bye sister" Paalam niya sa mga bata at sa mga madre.
"Magpapakabait kayo ha, babalik kami soon, tapos maglalaro tayo ulit, okey” malambing niyang sabi sa mga bata, dahil nakita niya na nalungkot ang mga ito dahil aalis na sila.
"Bye Sam salamat ha, naging masaya ang mga bata sa regalo mo" Sabi ni madre sa kanya. Medyo emotional ang madre dahil iilan lang ang gustong tumulong sa kanya, kaya malaki ang pasasalamat ng mga ito sa kanilang maganak.
"Naku, wala po yun alam niyong mahal ko ang mga tao dito part kayo ng family ko" Sabi niya at yumakap pa sa madre.
Nagpaalam din ang parents niya at tuluyan ng umalis, masaya din sila na dahil kahit simple at maliit na bagay ang naibibigay nila ay walang sawang pasasalamat ang binibigay ng mga ito sa kanila tatlo.
Vhan