CHAPTER 2

1148 Words
"Bro" Bati ng isa sa kabarkada ni Kai sa kanya tanging tango lang ang binigay niya, dahil sa kanyanh cold personality. Siya si Kai Matthew Esguerra twenty six years old, alak, bar, away at gulo yan ang gawain niya kasama ang barkada niya gabi gabi siyang nasa bar, para mag lasing, yun ang kanyang laging ginawa. "Hi handsome" lapit ng isang babaeng kinapos ata sa tela ang suot na damit dahil sa sobrang ikli nito kumandong ito at agad na humalik sa kanya, at syempre  hindi ito nagpatalo at humalik pabalik sa babae. “Hiyawan mula sa grupo nila ang maririnig sa parte ng bar, yun ang gabi-gabing ginagawa niya, isang magulong mundo. Pagdating niya sa bahay ay lasing na lasing siya sa sobrang kalasingan niya gegewang gewang siya ng lakad, pag pasok niya ng bahay nila ang sigaw ng ama niya ang narinig niya "Kai, ano ba hindi ka ba talaga magbabago, ganyan ka na lang ba lagi, hanggang kelan” Hiyaw ng kayang ama, galit na galit ito, at halos mapatid ang ugat sa leeg sa sobrang lakas ng boses nito. Tinignan lang niya ng masama ang ama “ I don’t f*****g care, leave me alone” mahina lang ang boses niya pero ramdam dito ang galit. "Anak naman, please nakikiusap ako sayo, ayaw naming nakikita ka na nagkakaganyan, di ka ba napapagod, hanggang kelan mo balak gawin ito sa buhay mo” umiiyak na tanong ng kanyang isa sa kanya. “f**k, just leave me alone” sigaw niya, at sa sobrang kalasingan at natumba siya, lumapit ang kanyang mga magulang pero hinawi niya ang mga ito. Lumabas ang ate niya sa kwarto at umiiyak na din, "Kai, papa, mama,  tama na yan sige na Kai pumasok ka na sa kwarto mo" Utos ng ate niya, ang ate niya ay naka wheel chair naaksidente ito dati, kaya naparalisa ang mga paa niya kaya di na ito nakalakad. "Pa, tama na po ako na ang kakausap sa kapatid ko, relax" pagpapakalma niya sa ama galit na galit, “Ma, don’t worry ako na bahala, stop crying” pang aalo naman sa ina niya. "Umupo ang mga ito, “Di ko na alam paano magbabago ang kapatid mo Kyla" malungkot na sabi nito sa kanya ng ama, habang ang ina niya ay umiiyak pa din, kahit siya di niya alam kung paano mababago ang kapatid niya. "Papa, mama, di ko susukuan ang kapatid ko babalik sa atin ang dati nating Kai" sabi nito at yumakap sa mga magulang. Kumatok sa kwarto ni Kai ang Ate nitong si Kyla, "Kai, Ate Kyla mo ito open the door please" sabi nito after ilang katok binuksan nito ang kwarto nakatingin lang ito sa kapatid. "Di mo ba ako papasukin?" Tanong nito sa kanya kaya niluwagan niya ang bukas ng pinto at agad pumasok ito sa kwarto niya na may dalang pagkain. "Oh kumain ka na muna" Abot nito sa kanya ng isa tray ng pagkain. Sa Ate niya lang siya nakikinig, may pagkakataon pa din na sinisisi niya ang sarili dahil sa pagkapilay ng kapatid niya magkasama kasi sila nun at dahil gusto siyang protektahan nito, ay ang kapatid niya ang napuruhan at ang mga paa nito ang natamaan. "Kain ka na, ako nagluto niyan para sayo" Sabi nito at nakatingin lang sa kapatid, ngumiti ito kay Kai. "Ate, uminom ka na ba ng gamot mo?" Malambing na tanong niya sa kapatid. "Opo" Nakangiting sagot ng ate niya kasi bukod sa napilay ang ate niya na diagnose din na may Leukemia ito her sister is dying, at pakiramdam niya ay pati siya ay mamatay na din, mahal na mahal niya ang ate niya. "Kai, samahan mo ako sa linggo may pupuntahan akong ampunan gusto ko kasi bumisita dun pwede ba?" nakangiting tanong niya, mas nilambingan pa nito ang tingin sa kapatid, alam niyang di siya tatangihan ni Kai. "Sige ate" sagot nito, wala naman siyang magagawa mahal niya ang kapatid, kaya kahit anong hilingin ay ibibigay niya. "Thanks Kai" sagot nito at yumakap sa kapatid niya. "Gwapo talaga ng kapatid ko" dagdag pa nito at hinalika ang pisngi ng kapatid, tipid na ngiti lang ang sukli ng binata. "Kumain ka na Kai, tsaka wag mo na masyadong abusuhin katawan mo baka mapaano ka, ayoko may mangyaring masama sayo" sabi nito, at humawak sa kamay ng kapatid. "Ate Please wag mo na kong pagalitan masakit ang ulo ko" Sabi nito at humiga, tinakip niya ang braso sa mata, dahil masakit na talaga ang ulo niya. "Hay naku panong di sasakit yan eh lasing na lasing ka, look at you nawala yung kagwapuhan mo" Iilng ilang na sabi nito sa kapatid, mas mahabang pasensiya ang meron si Kyla para sa kapatid. Di na siya nagsalita para di na humaba ang usapan nila, alam naman ni Kai na hindi siya mananalo sa kapatid. "Oh sige na nga iiwan na kita pero bago ka matulog kumain at maligo ka muna, papaakyatan na din kita ng kape para mawala ang hangover mo" Sabi nito at lumabas na. Nang nakaalis ang Ate niya tumayo siya para kainin ang pagkain papagalitan siya nito pag di niya ito kinai, ng naubos niya ito nagshower na para makatulog na din. "Anak, nasan na ang kapatid mo?" Tanong ng ina niya kay Kyla. "Ma, nasa taas na po baka natutulog na pinagdala ko na din ng makakain" sabi ni Kyla sa ina. "Salamat Kyla sa di mo pagsuko sa kapatid ha, wag ka magsasawa anak" sabi ng ina niya, hinawakan lang ni Kyla ang kamay ng ina. "Ma, wag kang mag aalala di ko susukuan ang kapatid ko di ko siya iiwan ng ganyan" naiyak na naman ang kanyang ina. "Anak wag ka magsasalita ng ganyan" sabi nito, garalgal ang boses nito, pati na din ang kayang ama ay naiyak na din. "Ma, Pa, don't cry" Alo niya sa mga magulang niya. "Di ko kayang mawawala ka anak" umiiyak ng sabi ng kanyang ina. "Ma, stop it" Yakap nito sa ina para patahanin, hinimas niya ang likod nito. Ayaw niyang dumating ang oras na iiwanan niya ang pamilya niya na di pa maayos, mas matatahimik ito kung aalis siya na masaya ang maiiwan niya. Gusto niyw bago pa siya kunin ng Diyos ay nasa maayos na ang mga magulang at kapatid niya. Gabi na ng nagising si Kai nag ayos siya para lumabas ulit. Paglabas niya tulog na ang mga kasama niya sa bahay. Dumeretso ito sa bar, di pa nakakalimang minuto nakaupo may sumugod sa kanya, "Tan**na ka hayop ka pati syota ko pinapatos mo" sigaw ng lalaki na hawak sa kwelyo niya. "G*go nagtaka ka pa talaga humarap ka sa salamin para maintindihan mo" sagot niya, at sabay ngisi kaya nagalit lalo ang lalaki susuntukin siya pero napigil niya at nakabawi sinapak niya ito na kinatumba nito sinipa niya ito sa tiyan kaya napaigtag ito sa sakit. May mga kasama ito napag tulungan siya pero nagsidatingan ang tropa niya kaya nagkaroon ng gulo sa bar, pero bandang huli bugbog sarado ang mga lalaki sa kanila ng mga katropa niya. Pero ang hantungan nila sa kulungan, magkakasama silang dinampot ng pulis at dinala sa presinto dahil sa gulo na ginawa nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD