Chapter 3

1042 Words
"Hi Dad, bakit gising ka pa?" Tanong niya sa Dad niya busy kasi ito sa laptop niya may ginagawa. "Oh hi honey, may inaayos pa kasi ako, can you help me kasi di ko maalis ito" kaya agad lumapit ang dalaga sa kanya ama at tinulungan. Natatawa ito "Di talaga ako sanay sa mga gadgets" Nakangiting sabi nito. "It's okey dad nandito naman ako I’ll help you" Nakangiti nitong tugon. "By the way where's Mom?" Tanong niya. "Pinaakyat ko na sumakit kasi ang ulo" Sabi lang nito. "Ah, puntahan na natin dad, tomorrow na lang yan" Aya niya sa ama kaya sumangayon ito. Sabay silang pumunta sa kwarto para i-check ang ina, "Hi mommy masakit pa din ulo mo?" tanong nito sa ama, yumakap pa ito sa ina. "Oh hi honey okey na ako" sagot ng ina at balik na yumakap sa anak na dalaga. "Medyo napagod lang ako" dagdag ng ina niya. "Gusto mo ba mag pacheck up, para malaman natin kung bakit sumasakit ang ulo mo?” nagaalalang tanong nito sa ina. “Anak okey lang ako, baka nagmemenopause ba ako” pagbibiro ng ina niya sa kanya, natatawang sagot ng ina ni Sam sa dalaga. “Okey sabi mo e” pagsuko ni Sam, ayaw ng mga magulang niya ang pumunta ng hospital, mas nagkakasakit daw sila pag nandun. "Anyway honey next month birthday mo na ano balak mo?" tanong ng Dad niya sa dalaga. "Parang I want to celebrate with the kids in the orphanage, what do you think?" Tanong niya sa mga magulang. “If that's what you want, mas madami, mas masaya, tsaka kahit ano pa yan, basta magpapasaya sa aking prinsesa okey na okey si daddy” malambing na sagot ng ama niy sa kanya.  "Thank dad and mom, you guys are best parents ever" nakangiting sagot nito at yumakap sa mga magulang. “Sus, syempre wala kang choice kami lang naman ang mommy at daddy mo” biro ng ama niya. Oo nga dad, kaya the best nga kayo e” sakay niya sa biro ng ama, nagkatawanan na lang sila sa mga biruan nilang tatlo. "I'll go ahead" Paalam sa mga magulang niya,  at nagmamadaling nag ayos ng gamit.  "Oh ba't nagmamadali ka?" tanong ng mamang niya na tagapag-alaga niya simula ng bata pa ito. "May event po kasi kami ngayon" sagot niya,humalik at yumakap sa mga ito. "Sige mag-iingat ka" Sabi ng daddy niya. "I will" kumaway at nag-flying kiss pa ito bago umalis. Nasa event siya today, sila ang cater sa isang malaking event kaya busy siya sa kaka assist sa mga tao niya ikot dito ikot doon, kausap dito kausap doon. Gabi na bago natapos ang event, "Okey pwede na tayong umuwi, mag-iingat kayo ha" sabi niya sa mga staff niya. "Kayo din po Ma'm Sam" sagot ng mga ito sa kanya, at nagkanya kanyang uwi na ang mga ito. Habang nakastop ang traffic light may isang grupo ng mga lalaki ang nagtatakbuhan kasunod ang isa pang grupo parang riot, dahil nagkakagulo ang mga ito. "Oh my God!" Yun na lang ang nasabi niya sa biglang may lalaking nasubsob sa harap ng kotse niya, nataranta siya dahil baka madamay siya sa mga ito. Agad naman may isa pang lalaki ang sumaklolo sa lalaki na nakasubsob sa kotse niya. Nasuntok ng lalaki ang mukha ng isa, at napatingin ito sa dereksyon niya, di niya maaninag masyado ang mukha nito dahil madilim, pero kita ang kagwapuhan nito. Pero naagaw ng mga pulis ang atensyon nila, napalingon din si Sam, kaya nagtakbuhan ang mga ito, lumapit ang pulis sa kanya. “Ma’am ayos lang po kayo?” tanong ng pulis sa kanya. Tumango lang ito sa mga pulis. “Okey lang po ako, habulin niyo na po yung mga nanggugulo” sabi niya sa mga ito, tumango lang ang mga ito at umalis na.  Napailing na lang siya grabe ang mga taong to, di na lang manahimik sa isang lugar para di na nandadamay ng ibang tao. Sakit ng katawan ang hanap nila Pagkauwi ni Sam at dumeretso na siya sa kwarto, pagod na pagos siya sa araw na yun, kaya pagkahiga niya ay agad itong nakatulog. Nasa isang garden siya at may isang lalaki na nakatalikod sa kanya, agad naman lumapit si Sam sa lalaki “Um sino ka?” tanong niya dito pero hindi sumasagot, kinalabit pa niya ito para makuha ang atensyon, “Sino ka ulit nito?” dahan dahan naman lumingon ito “ Ikaw” sigaw niya. Agad na bumangon si Sam, “Panaginip” bulong niya sa sarili, inisip niya ang mukha ng lalaki pero di niya na matandaan ang mukha nito. “Sino kaya yun?’ tanong na lang nito sa sarili. Nasa presinto na naman si Kai, at sugat sugat ang mukha, napatrouble na naman ang mga ito kasama ang mga barkada niya, “Anak” lapit agad ng ina niya sa kanya mangiyak-ngiyak dahil dumudugo ang gilid ng labi nito. Napabuntong hininga naman ang papa niya, dahil sa itsura ng anak. Nakayuko naman si Martin at Sebastian, mga kaibigan matalik ito ni Kai, at alam nila na pinapakiusapan na umiwas sila sa gulo. “Sorry tito, tita” paumanhin nila sa mga magulang ni Kai, “Lasing na din kasi kami kaya di na namin naawat at nakisali sa gulo” sabi ni Sebastian sa mga ito. Napailing na lang ang ama ni Kai, agad itong lumapit sa mga pulis para makausap ang mga ito, “Kai naman tignan mo ang itsura mong bata ka” di na alam ng ina niya kung paano pa pakikiusapan ang anak. Di din makatingin si Kai sa ina, dahil ayaw niya din nakikitang umiiyak ito, “Pwede na daw tayong umuwi, napakiusapan ko yung may-ari na wag na magsampa ng kaso, at babayaran na lang ang mga nasira, pero banned na kayo sa bar na yun” sabi ni papa ni Kai. Napakamot ng ulo si Martin at Sebastian, dahil nahihiya sila sa mga ito, pumunta muna sila sa hospital para maipagamot ang mga sugat ng tatlong binata. Habang nasa byahe sila pauwi, naihatid na nila si Sebastian at Martin, di nagsasalita ang ama niya, naninibago tuloy si Kai dahil tahimik ito, maski ang kanyang ina ay tinatansya ang kanyang asawa dahil sobrang tahimik. Pagkadating nila ng bahay agad naman sinalubong ni Kyla ang mga ito, humalik sa kanya ang ama at ina, ganun din si Kai. Bago pa umakyat ang ama hinarap nito si Kai, “Baka sa susunod na mangyari ito, sa purinanya na kami pupunta at di na sa presinto, kung di ka magbabago” at tumalikod ito at iniwan ang mag-iina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD