"Honey, pwede bang ikaw muna ang pumunta ng orphanage kasi may lalakarin kami ng Dad mo today, imemeet natin yun gusto din mag sponsor sa ampunan kaso di kami pwede ikaw muna?" Tanong ng ina ni Sam.
"Sure Mom no problem" Nakangiting sagot niya
That's good nakakatuwa na may mga taong gusto din magbigay ng tulong sa orphanage.
**
Papunta na siya ng ampunan para makausap ang bagong sponsor ng orphanage gusto kasi nila Sister Terry na magkakakilala sila.
"Hi Sister Terry Goodmorning po" Bati at lapit nito sa madre.
"Hi Sam" Buti nakarating ka.
"Of course naman po basta kayo malakas kayo sakin eh" Nakangiti nito sabi sa matandang madre.
"Ah hija by the way sila ang bagong sponsor ng orphanage, pagpapakilala sa mga ito.
"Samantha Kim Alvarez po" Pakilala ng dalaga.
"Hi I'm Michael Esguerra and my wife Kamilla Esguerra" Pakilala ng mag asawa sa dalaga.
"Naku nakakatuwa po itong orphanage na ito ang balak niyong tulungan, thank you po ha!" Sabi ng dalaga.
"Oo, actually my daughter Kyla told us about this orphanage kaya ito ang pinili namin baka sa Sunday pumunta sila dito ng kapatid niya" sabi ng ginang kay Sam.
"Ay, sige po dadaan ulit ako sa Sunday para mameet ko po yung anak ninyo" sabi nito.
Nagkwentuhan pa sila Sam at ang mag asawang Esguerra at balak ng mag asawa sa orphanage kaya may mga napagkasunduan sila.
"Bye po" Magiliw na paalam ng dalaga sa mag asawa at madre.
"Bye Sam nice to meet you hija" Nakangiting sabi ng ginoo sa kanya.
"Oo nga see you soon i'm sure makakasundo mo ang dalaga ko" Sabi naman ng ginang.
"Oo nga po e, pag free na po sila Dad makikipag meet din po sila sa inyo" Sagot nito sa mag asawa at matapos ang pag uusap nila, at tuluyan ng umalis ang dalaga at dumeretso sa restaurant niya.
**
Dumating ang araw ng linggo bumalik siya sa orphanage para i-meet ang dalawang anak ng mga Esguerra habang hinihintay niya ang mga ito nakipag laro muna siya sa mga bata.
Lumapit sa kanya ni Amiel "Ate ganda si Kaycee po umiiyak na naman" Nag aalala na sabi ng bata sa kanya. Kaya dali dali niyang nilapitan ang tatlong taon gulang ng si Kaycee.
"Kaycee bakit may masakit ba sayo?" Tanong niya sa bata na tahimik na lumuluha di ito nagsasalita pinacheck nila ang bata sabi ng Doctor wala naman deperesiya ang bata, di ito bingi at pipi pero di talaga nila magawang pag salatain ang bata.
Pinakita nito ang manika na niregalo niya dito nasira "Ay, patingin ako aayusin ni Ate Sam yan para kay Kaycee alam mo naman ayaw kitang nakikitang umiiyak diba?" Nakangiting sabi nito sa bata, na hinaplos pa ang buhok ng bata.
Sinimulang ayusin ni Sam ang laruan at ng maayos na niya ito binigay niya sa bata kaya tumigil ito sa pag iyak, kinandong niya ito naawa siya dito kasi masyadong malungkutin itong batang, di ito masyadong nakikipaglaro sa ibang bata loner kumbaga.
Dahil di din ito nagsasalita mas gusto nitong mag isa lang siya. Iniwan daw ito sa labas ng ampunan ng isang taong gulang pa lang ito.
Simula ng bata ito di na talaga siya nagsalita, nakatingin siya sa bata na tahimik na nilalaro ang laruan manika makikita mo sa bata na habang lumalaki ay cute na cute medyo chubby ito kaya ang sarap sarap pisilin ang mga pisngi.
"Ate ganda hanap na po kayo ni Sister Terry" Tawag sa kanya ni Amira na sampung taong gulang.
"Sige, thanks" Sabi nito, "Kaycee pupunta lang si Ate Sam kay Sister ha babalik ako wag ka na iiyak ha" sabi nito sa bata kaya ngumiti at tumango lang ito ginulo niya ang buhok nito at tuluyan pumunta sa Office ng mga madre.
Pagpasok niya nakita niya agad ang isang babae na nakaupo sa wheelchair at medyo payat na may scarf ito sa ulo para takpan ito.
Pagharap nito ay ngumiti ito sa kanya kaya sinuklian niya ito ng ngiti.
"Hi!" Bati niya at agad siyang lumapit dito.
"Hi you’re Samatha Kim Alvarez right?" Tanong sa kanya nito.
"Yes, you are the daughter of Mr. and Mrs. Esguerra?" Tanong niya kaya agad itong tumango. "
I'm Kyla Mikaela Esguerra" Sabi nito kaya nakipag shake hands ito sa kanya.
"Nice to meet you!" Sabi nito sa kausap niya.
"Nice to meet you too!" Sabi nito sa kanya at ngumiti nakipag kwentuhan pa to sa kanya.
"Gusto mo bang mameet ang mga bata dito?" Tanong ni Sam sa dalaga.
"Pwede ba?" Balik na tanong nito sa kanya.
"Oo naman, halika ipapakilala kita sa kanila, tiyak na matututuwa sila dahil mag bisita sila" Sabi ni Sam at ngumiti.
Siya mismo ang nagtulak ng wheelchair nito ng nakapunta sila sa garden nandun ang mga bata kaya nagsilapitan ito sa kanila.
"Kids, listen, meet Ate Kyla" Sabi nito sa mga bata at kanya, kanyang lapit mga ito dito, at masayang ipinakilala ang mga sarili sa bagong bisita.
"Nakakatuwa ang mga bata dito" Sabi nito naguusap ang dalawa sa isang parte ng garden.
"Tama kaya minsan pag sobrang stress na ako nag pupunta ako dito para mawala" Ngiting sabi nito.
"Ahm pwede ba akong magtanong?" Nag aalangan tanong ni Sam sa kausap niya.
"I think alam ko na, yes. I am sick one year na ng nadiagnose na may leukemia ako and I'm dying" malungkot na sagot nito sa kanya.
Kahit alam niya na parang may sakit ang dalaga nagulat pa din siya ang bata pa nya para mawala, at sa tingin niya mabuting itong tao.
"Kaya nga hanggat kaya ko pa ginagawa ko ang mga bagay na gusto ko, like this helping other people tsaka this kids deserve to help" Nakatingin ito sa mga bata.
Humanga ito sa kausap kasi kahit sa sakit niya iniisip niya pa ding tumulong, yung iba magmumukmok at hihintayin ang oras nila, Kyla, indeed is strong woman.
"Ahm, Ate Can I call you Ate Kyla?" Tanong nito sa kausap.
"Of course, dear you can call me Ate, gusto ko ding magkababaeng kapatid" Sabi nito ng nakangiti ang genuine ng smile niya, niyakap niya ito hinahangaan niya ito sa katapangan.
Lumapit si Kaycee sa kanila, nakatingin lang ito kay Kyla.
"Ay Ate, si Kaycee" Pagpapakilala nito sa kausap.
"Say hi to Ate Kyla" Sabi niya sa bata nahiya ito kaya nagtago sa likod ni Sam.
"Hi Kaycee, I'm Ate Kyla" Sabi nito, tumingin saglit ito sa dalaga at pinakita ang hawak na stuffed toy.
"You want this?" Tanong ni Kyla sa bata nahihiya itong tumango.
"Oh ito for you Kaycee" Nakangiting sagot ni Kyla sa bata bigla lumabas ito sa likod ni Sam at dahan dahang lumapit kay Kyla.
Napangiti si Sam, alam niyang mukha magaan ang loob ng bata sa dalaga dahil iilang tao lang ang nilalapitan ng bata, dahil isa ito sa pinakamahiyaing bata at tahimik.
Tumakbo si Kaycee kila Amira para ipakita ang laruan, medyo nagulat ito sa reaksyon ng bata ang lagi lang nitong ginagawa ay umupo sa tabi niya o sa isang gilid at maglalaro mag isa.
"Di talaga siya nagsasalita?" Tanong ni Kyla na nakatingin sa bata, umiling lang si Sam dito.
"Wala naman daw deperensiya si Kaycee pinatingin na namin sa Doctor, pero di talaga siya nagsasalita, di din namin alam kung bakit pero alam mo ate iilang tao lang malapit si Kaycee, mukhang gusto ka niya kasi di pa kayo nagkakilala ng matagal ay nagawa mo na siyang kausapin" sabi ni Sam kay Kyla.
Napangiti lang ito sa narinig at tumingin ulit sa bata na tahimik na nilalaro ang stuffed toy na binigay niya.
Napalingon sila pareho sa lalaking tumawag kay Kyla, "Ate" Sabi nito.
Tinignan naman ito ni Sam, nakaitim na T-shirt, pants naka converse shoes na itim, black jacket, at may itim at maliit na hikaw sa kanang tenga ano meron itim na itim siya, in all fairness kahit ganun siya ang gwapo nito ha.
"Kai, nandiyan ka na pala come here" tawag ni Kyla sa kapatid kaya lumapit ito sa kapatid at tumingin kay Sam pero saglit lang pero at humarap sa kapatid at namulsa pa.
"Sam, si Kai brother ko" pakilala ni Kyla sa dalawa.
"Kai, si Sam" tumingin lang si Kai kay Sam na parang wala ganang sumulyap ito sa dalaga at si Sam naman tumingin lang at inilahad ang kamay sa binata pero tinignan lang niya ito.
"Kai" Sabi ni Kyla kaya inabot niya ito.
Nainis si Sam impakto tong taong to ang layo ng ugali sa magulang at kapatid inirapan niya to ng mapatingin sa kanya ang binata, supaldo.
"Sam una na kami pupuntahan pa kami"
sabi ni Kyla kay Sam. “May appointment ako sa doctor today” dagdag pa nito.
Sige ate no worries, mag ingat kayo” sabi niya sa mag kapatid at hinatid ng tanaw ang dalawa
---
vhan