Chapter 5

1016 Words
Papunta sila Kai at Kyla sa Doctor para magpacheck up si Kyla ayaw sana niya pero napilit siya ni Kai kaya ito sila ngayon. "Good morning" Masiglang bati ni Doctor Steve Gabe Cabrerra sa magkapatid. "Buti bumalik ka na Kyla" Lapit nito sa dalaga, at ngumiti dito. "Iwan ko muna siya sayo doc, babalik na lang ako" Sabi ni Kai sa doctor, tumango lang ito sa kanya. Naiwan silang dalawa, at isang mahabang katahimikan ang namutawi. "How's your feeling?" tanong ni Steve sa dalaga, para basagin ang katahimikan. "Good" tipid na sagot niya doctor, di siya makatingin sa ng deretso sa doctor, dahil sa din sa nakokonsensiya siya. "Kyla, Kailangan mong pumunta regular sakin para sa check up mo" Sabi ng Doctor, sa dalaga. “Doc Steve, pero” ayaw na kasi niyang magpacheck up, ang nasa isip ni Kyla, mas gusto niyang gugulin ang natitirang oras niya sa pamilya niya at sa ibang makabuluhang bagay, bago pa man siya kunin ng Diyos. "Kyla, nag aalala ang pamilya mo sa iyo" Sabi nito sa kanya. “Isipin mo ang mga magulang mo, ang kapatid mo” dagdag pa nito. "They don't need to worry alam naman natin ang kakalabasan diba, I want to spend my life para gawin ang mga gusto ko ilang araw na lang ako diba" Paliwanag niya sa Doctor. Bumuntong hininga lang si Kyla, ayaw na niyang maging komplikado ang sitwasyon, ayaw na niyang mahirapan ang mga tao sa paligid niya. Chineck ni Doc Steve mga pasa nito sa katawan dumadami ang mga ito ng dumating si Kai. "Can we talk?" Tanong ng Doctor sa binata kaya lumabas ito kasunod ang Doctor. "Ito yung mga bagong gamot kailangan niya yan, kailangan mainom niya yan Kai" Sabi ng Doctor, tumango lang si Kai. ***** "Hi" masiglang bati ng dalaga sa mga magulang nila, ayaw niyang malungkot ang mga ito dahil sa sitwasyon niya. "Oh kamusta lakad niyo?" Nakangiting tanong ng ina nila sa kanila. "Good ma, nameet ko na si Sam, she's nice and beautiful, right Kai?" Tanong ni Kyla sa kapatid niya nagkibit balikat lang ito at tumingin sa malayo. "Ito yung mga bagong gamot mo ate inumin mo ng on time yan" Abot sa kapatid ng gamot. "Iinumin ko yan kung ikaw magpapainom sakin" Lambing ni Kyla sa kapatid niya bumuntong hininga lang ito "Fine" Sabi niya, ang ate niya lang ang di niya. matangihan. Nagkatinginan lang ang mag asawa sa usapan ng mga anak nila, oo matigas ang ulo ni Kai pero di matigas ang puso nito lalo na sa Ate niya. *** "Oh bro anong balita?" Tapik ng isang barkada ni Kai na si Sebastian tumango lang siya, dumating din si Martin ito dalawa ang pinakamalapit na kaibigan ng binata sa lahat ng barkada niya, yung iba sa inuman at away lang niya kasama itong dalawa ito ay kaibigan niya sa hirap at ginhawa. "Kamusta na si Ate Kyla?" Tanong ni Martin na nag salin ng alak sa baso niya. "Same, may mga binigay na bagong gamot pero ang gusto niya ako ang magpapainom sa kanya" Sagot ni Kai sabay inom ng alak. "Aba, wag ka masyado mag iinom baka malasing ka makalimutan mo ang pag inom ng gamot ng Ate mo" Nag aalalang sagot ni Martin sa kaibigan. "Oo nga" Pag sang ayon ni Sebastian, kahit mukhang bad boy sila marunong silang mag alala. High school pa lang magkakaibigan na silang tatlo. Matapos ang ilang oras, nagpaalam siya sa mga kaibigan niya "Uwi na muna ako" Paalam niya sa mga kaibigan alam ng mga ito ang sitwasyon ng kapatid pati na din ang relasyon nito sa mga magulang. Ang kapatid lang ni Kai ang feeling niya na kakampi niya, di naman siya ganun dati pero simula ng malaman niya na hindi sa totoong anak ng mga magulang niya nagrebelde siya, pero kahit ganun di nagbago ang pakikitungo ng kapatid niya sa kanya kahit itulak niya ito palayo pilit pa din niya inaabot nito, nakadagdag pa na sinisisi niya ang pagkapilay ng kapatid dahil sa gusto siyang iligtas nito. Nalaman niya kasi na adopted siya nun panahong nadisgrasya silang magkapatid kaya simula nun galit siya sa mga magulang kaya naging malamig ang pakikitungo nito sa ama't ina, halos sukuan na siya nga mga ito pero hindi ang ate niya. Kumatok si Kai sa kwarto ng kapatid "Ate Kyla oras na para uminom ng gamot" Lapit ni Kai sa ate agad naman uminom ang kapatid. "Ate, magpagaling ka ha" Sabi nito, malungkot na sabi ng binata. "Wag mo kong iiwan ikaw na lang ang meron ako" malungkot na sabi nito dala na din sa awa sa ate at dala ng espiritu ng alak, niyakap ni Kyla ang kapatid niya. "Kai, di yun totoo nandyan pa sila Mama at Papa" Sabi nito sa kanya, habang hinihimas ang likod nito. "Kung bubuksan mo lang ulit ang puso mo sa kanila" Dagdag pa nito. Tahimik lang ulit si Kai sa sinabi ng ate niya di niya alam kung ano sasabihin niya ang mahalaga sa kanya ang pagaling ng kapatid niya. ** "Kyla, aalis na kami ng Papa mo nandiyan naman sila Manang pag may kailangan ka ha anak" Sabi ng ina niya at humalik pa sa noo ng anak. "Sige ma ingat po kayo ni papa" Sagot nito. "Tumawag ka pag may problema ha" Dagdag ng ama niya at lumapit sa anak at humalik din. Pinuntahan din ng mag asawa ang kwarto ni Kai pagbukas nito. "Anak Kai, may business trip kami ng papa mo one week din kami, sana tignan tignan mo ang ate mo" Sabi ni ina niya. "Alam ko naman di mo papabayaan ang ate mo, tumingin lang siya sa mga magulang at tumango. "Oh sige anak aalis na kami" Sabi nila at humalik ang ina sa pisngi ng bunsong anak, malungkot ang mag asawa, di nila akalain ang malambing at maaaalahanin na anak ay magbabago. Kahit anong sabihin nila sa binata na kahit kailan di nila itinuturing na iba si Kai, mahal na mahal nila ito dahil anak nila ito. Lagi nilang nagdadasal na malinawan ang isip nito. ---- vhan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD