"Kai" katok ni Kyla sa kwarto ng kapatid, agad naman pinagbuksan ng binata ang ate niya.
"Punta tayo ng orphanage" Nakangiting sabi ng dalaga sa kapatid, naglalambing siya dito, para pumayag alam niya na pag umaga ay grumpy masyado ang kapatid.
"Ate naman aga pa eh" Reklamo niya at bumalik sa kama at humiga, pumasok ito, sumunod naman sa kwarto ang kapatid at kinulit ito.
"Dali na Kai, please" Sabi nito, pamimilit niya sa kapatid, inalog alog pa nito ang kapatid.
"Oh sige na nga" pag suko nito, tumayo siya at dumeretso sa banyo para maligo. Hindi niya kayang tiisin ang kapatid, kahit kailan di niya matanggihan at at matitiis ito. Napangiti naman si Kyla, di naman talaga siya matiiis ng binata, ganun siya kamahal ng kapatid.
**
"Kids nandito sila Ate Kyla" Tawag ng isang madre sa mga bata kaya nagmamadaling nag silapitan ang mga ito.
"Hello po Ate kamusta po?" Tanong ng isang bata, nasa edad sampu.
"Okey lang naman ako, kayo kamusta?" balik na tanong nito sa mga bata, at ngumiti sa mga bata.
“Okey lang din po kami ate” sagot ng mga ito sa kanya, napangiti siya dahil kahit nasa gantong sitwasyon ang mga ito ay di nawawala ang ngiti sa mga bata.
"Elmo nasan si Kaycee?" Tanong niya sa bata, dahil di niya nasisilayan ang batang si Kaycee.
“Ay baka po nasa kwarto tatawagin ko po" Sabi nito Elmi, at tumakbo papasok ng kwarto nila Kaycee.
Nakita niya na nagmamadali tumatakbo si Kaycee papalapit sa kanila, at ngumiti ng pagka laki laki.
"Hi Kaycee kamusta ka?" Tanong nito sa bata ngumiti lang ito ng pagkatamis tamis sa sobrang tuwa niya nayakap niya ito cute na cute ito sa bata.
"Ate" Tawag na ni Kai sa ate napalingon silang dalawa ng bata.
"Kai nandyan ka na pala, meet Kaycee" pakilala niya dito nakatingin lang sa kanya ang bata na parang kinikilatis ito.
"Say hi to Kuya Kai" Sabi niya sa bata ginawa lang nito ay kumaway at ngumiti ng tipid nahihiya pa kasi ang bata dito.
Umupo lang ito sa tabing upuan ng ate niya "pipi ba siya" tanong nito sa Ate.
"Ssshh, ano ka ba marinig ka niya di siya pipi at bingi" saway ni Kyla sa kapatid na si Kai, mahinang palo nito sa braso ng kapatid.
"Di daw nila alam kung anong nangyari di talaga siya nagsasalita" Pagkukwento niya sa kapatid kaya napatingin sila dito na masayang naglalaro ng manika niya.
Kausap ni Kyla si sister kaya naiwan si Kai at Kaycee na busy sa paglalaro, tumayo ito at lumapit sa pwesto nila mukhang hinanap niya si Kyla tumingin ito sa lalaki.
"Kausap siya ni Sister Terry" sabi niya sa bata, nakatitigan lang silang dalawa na tipong kinikilatis ang isa’t isa.
Lumapit naman si Kaycee at umupo ito sa tabi ng binata tumingin ito sa katabi ngumiti natawa lang si Kai kaya ginulo niya ang buhok nito.
Titig na titig si Kaycee kay Kai, "Wag mo kong titigan ng ganyan, gwapo ba ko?" Tanong nito sa bata at nagpogi sign pa, tumango tango lang siya at ngumiti sa kanya.
Tumawa lang siya at nadatnan sila ni Sam at Kyla na nagtatawanan, kailan ba siya tumawa ng ganto, di na niya alam.
"Oh my god, my brother is laughing" naamamaze na sabi nito napatingin naman si Sam sa binata in all fairness ang gwapo niya talaga, may other side din pala tong taong to pero mas magulat siya dahil si Kaycee na sobrang tahimik tumatawa sa isang taong ngayon niya lang nakilala.
Lumapit sila biglang naging poker face ang binata, ang bilis magpalit ng ugali ang galing, pero napangiti siya na magaan ang loob ni Kaycee sa magkapatid, sana magtuloy tuloy ito at makapagsalita na din si Kaycee, matagal na niya pinagdadasal ito.
"Una na kami Sam ha" sabi ni Kyla sa dalaga "O sige mag iingat kayo ate" Sabi lang nito at umalis na ang magkapatid.
Magkausap ang magkapatid "Kai, gusto kong i-adopt si Kaycee as my sister" Kaya napatingin si Kai.
"Ate magda dagdag ka pa ng ampon sa bahay ampon na nga" Di niya natuloy kasi hinawakan ni Kyla ang braso niya.
"Look Kai kahit kailan di ko inisip na di tayo magkadugo kasi sa puso ko kapatid kita" Sabi nito, at hinaplos ang mukha ng kapatid.
"Ang gusto ko lang mabigyan ng chance magkapamilya si Kaycee" Dagdag nito, may soft spot siya sa batang si Kaycee.
"Bahala ka" Inis na sagot ng binata sa kapatid, naiinis siya sa idea na mag ampon na naman sila.
Nasa kwarto si Kai, iniisip niya ang sinabi ng kapatid, Tss ampon, ampon na naman mag dagdag na naman ng ampon sa bahay na to” at pabagsak na humiga sa kama.
Noong nalaman niya ampon siya halos madurog ang puso niya, magunaw ang mundo niya parang buong pagkatao ay isang malaking kasinungalingan lamang kaya siya nagrerebelde. Di niya alam kung paano ang gagawin niya, kung paano magsisimula parang kulang siya meron wala sa kanya.
Pumikit siya hanggang nakatulog ito,
"Kai, Kai" Tawag sa kanya lumingon siya hinahanap niya ang boses na tumatawag sa kanya, nakita niya ang isang pigura ng babae, kaya hinabol niya ito, hanggang, "Kai, Kai" napahinto siya dahil nakita niyang lumigon ang dalaga sa kanya at biglang
"Kai, gising na" Kalampag sa pinto ng kapatid niya, napamulat siya nagising siya agad makikita na sana niya ang mukha ng babae. Sino siya, kilala ko ba siya, kumakain sila natutulala siya dahil sa panaginip niya.
“Anak ayos ka lang?” tanong ng ina niya sa kanya, kanina pa kasi ito tulala, “Okey lang po’ Tipid na sagot niya dito, Sino ka? Piping tanong niya sa sarili.
---
vhans