"Mom, alam mo ba gustong i-adapt nila Ate Kyla si Kaycee" Pagkukwento niya Sam sa mga magulang ang balita.
"Talaga, that's good news" Komento ng mga ito sa kanya.
"Oo nga baka sakaling magsalita na ang bata sa tulong nila" Dagdag pa ng kanyang ama.
"Oo nga po eh, kaya po pupunta sila next week kasama ang parents nila para ayusin ang papers para maayos na ang pag a-adopt nila" Sabi nito sa mga magulang.
****
"Mommy, Daddy bilis na po" Katok ni Sam sa kwarto ng mga magulang niya, excited ito sa araw na to.
"Honey, wag ka magmadali di aalis ang orphanage sa pwesto niya" Natatawa na sabi ng ama niya.
"Ang daddy ko nag jojoke di naman kalbo" sabi nito kaya niyakap siya ng daddy niya.
"Ikaw talaga na bata ka" Sabi nito, at hinalikan ang buhok ng anak.
"Halika na kayong mag ama" Tawag ng mommy niya sa kanila mag tatay.
Ngayon pupunta ang family ni Kyla para sa usapan sa pag aadopt sa bata si Kaycee na natapat naman sa araw kung kailan ang bisita nila ngayon.
"Hi kids" Bati ni Sam sa mga bata mga bata kaya agad naglapitan ang mga ito, at kanya kanyang bati nito sa kanila.
"May dala kaming food" Sabi ng Mommy ni Sam kaya dumating ang ilang staff nila na dala ang mga gamit at isinalansan ang gamit buffet style pero puro mga favorite food ng mga bata ang ipinaluto nila, inayos din ang mga tables and chairs para sa mga bata at ibang tao sa orphanage para makain na dahil mag tanghalian na din.
"Sam" Tawag sa dalaga at paglingon niya si Kyla, isang malaking ngiti ang binigay ni Sam sa dalaga.
"Hi ate nandiyan na pala kayo tamang tama nagprepare po kami ng food para sa lahat" sabi nito sa kausap at kasunod naman ng mga magulang niyang dumating kasama ang madre.
"Hi po sister, Hi po Mr. and Mrs. Esguerra" Bati niya sa mga bagong dating.
"Hello Sam" masayang bati ng mga bagong dating sa kanya.
"Nandito pala ang parents ko" Sabi ni Sam at tinawag ang mga magulang.
Nagkagulatan pa ang mga ginang "Kamilla?" Tanong ng ina niya.
"Naku Katarina, ikaw ba yan?" Tanong naman ng ginang.
"Magkakilala po kayo?" Tanong ni Sam sa dalawang ginang.
"Naku Oo anak kilala ko siya kaibigan ko siya high school barkada kami nito” pagpapaliwanag ng nanay ni Sam sa kanila.
"Wow, what a small world" masayang komento ni Kyla sa reunion ng dalawang mag kaibigan.
Nagkukwentuhan ang mga ito kaya iniwan nag iistema si Sam para sa mga bata.
"Ikaw Ate Kyla gusto mo bang kumain, ikukuha kita" Sabi ni Sam.
"Naku, nakakahiya naman" Sabi nito.
"Asus ate no problem, sandali kukuha kita ha" Sabi nito at pumunta para ikuha ng pagkain si Kyla.
Pagbalik ay dala na nito ang pagkain para kay Kyla at para sa kanya na rin, "Marunong ka din magluto?" Tanong ni Kyla habang kumakain.
"Yep kasi restaurant ang business namin, kaya kailangan talaga, tsaka si Mommy mahilig nahawa na din ako" nakangiting sagot ni Sam.
"Ako din dati hilig ko magluto" Tipid na sagot ni Kyla.
Natigilan si Sam at napatingin sa kausap, ngumiti ito nalungkot na naman siya sa ideya na di niya na ulit magagawa yun, kung may pwede lang siyang gawin, tutulungan niya ito.
"Nasaan na pala yung si Kai?" Tanong ni Sam, para maiba ang atmosphere, dahil sa napag usapan nila.
"Di ko pa din siya nakikita, kanina magkakasabay kaming dumating, nasaan naman kaya yun” tumitingin din sa paligid si Kyla.
Maya maya ay dumating na ang pinag uusapan nila, infairness naman talaga sa lalaking to ha good looking talaga kayo suplado at parang galit aa mundo pinagmamasdan ito ni Sam naka white shirt at pinatungan ng black na polo, black pants at rubber shoes plus shades why so gwapo sa isip isip ng dalaga.
"Kain" bati ni Sam sa kararating lang, pero sumulyap lang ito sa kanya at binalik sa kapatid ang tingin niya, nuknukan ng sungit nitong nilalang na to, medyo naiinis na naman siya sa binata.
"Maiwan ko muna kayo ha" Paalam ni Sam sa magkapatid bago siya umalis inirapan niya si Kai, ako na nga tong nagpapaka friendly ito pang sungit hmm sa isip isip niya.
**
Hinahanap ni Sam si Kaycee "San kaya nagsuot yung batang yun?" Tanong ni Sam sa sarili, ng nakita niya to na may dalang cupcakes, san kaya pupunta tong batang to.
Nagulat siya kasi nakita niyang lumapit ito kay Kai, inaabot ni Kaycee ang cupcakes sa binata pero di ito pinapansin nakita niya pilit inaabot ng bata ito kay Kai pero sa pagpipilit nito natapon ang cupcakes sa sapatos ng binata, di man niya naririnig nakikita nito na sinisigawan ito ni Kai, nakita din niya ang pagtakbo palayo ng bata.
Sobrang nainis siya naipon na lahat ng inis niya kaya sinugod niya to "Hoy" Lapit niya dito tinginan lang siya nito in a cold way.
"Kung ayaw mo sana nun cupcakes di sana sinabi mo ng maayos sa bata three years old lang si Kaycee pinapatulan mo, ano bang problema mo, okey naman kayo dati ha, bakit ba?" Di siya tinignan nito kaya lalo siyang na bwisit.
"Alam mo ang layo layo mo sa mga magulang at ate mo di mo sila katulad malayo ka sa kanila lahat, aah! Baka ampon ka kaya di mo sila katulad" Galit na sabi nito sa binata inis na inis siya dito
Pero biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya biglang tumalim ang mata niya na nakatitig sa dalaga, medyo takot siya sa way ng pagtingin ng binata sa kanya papalapit ito sa kanya, kaya humahakbang siya palikod hanggang nasadal ito sa puno kinulong siya nito ilagay nito sa puno ang dalawang kamay.
"Wag ka magsalita dahil di mo alam kung ano ang totoo, at wala kang pakialam dun!" Mahina pero matigas na sabi ni binata at lumakad palayo sa kanya natakot siya dito.
Naabutan siya ni Kyla na nakaupo sa bench "Oh nandyan ka pala" hinahanap ka ng Mommy mo napatingin siya dito.
"May problema ba?" Nag aalala na tanong nito kaya na kwento niya ang nangyari.
"Sorry sa attitude ng brother ko ha" Hingin paumanhin ni Kyla sa kausap.
"Alam mo di naman siya ganyan dati, nagsimula lang yan nun" Putol nito na sabi nito at tumingin sa dalaga.
"Nung?" Ulit naman ni Sam, na titig na titig si Sam sa kausap.
"Nung nalaman niyang adopted siya" Nagulat si Sam napatakip pa to sa bibig niya, di niya iniexpect yun.
"Oh my g, sorry, omg di ko alam sobrang galit talaga ako kung ano ano na lang ang nasabi ko" Sabi ni Sam, halos maluha siya sa guilty.
"Okey lang may kasalanan din naman siya, ayaw niya ng ng idea na iadopt ko si Kaycee kasi sabi niya mag dagdag na naman kami ng ampon, pero sabi ko sa kanya kahit kailan di ko iniisip na di ko siya kapatid dahil sa puso't isip ko kapatid ko siya di yun magbabago" Malungkot na sabi ni Kyla.
Bigla itong nakonsensiya sa sinabi sa binata "A ate hahanapin ko muna si Kai ha" sabi ng dalaga at tumayo.
Hinanap niya si Kai alam niya nasaktan niya ang binata sa sinabi dapat naging mas sensitive siya sa mga binitawang salita pero si Kaycee ang nakita ng dalaga malungkot ito sa isang tabi.
"Kaycee" Lapit nito sa bata ng nakita siya nito bigla itong yumakap naalala tuloy niya ang nangyari.
"Kaycee, sabi pala ni Kuya Kai sorry ha, patawarin mo na siya ha" Sabi niya sa bata, tinitigan siya nito at ngumiti ito.
"Sige nandun si Ate Kyla sa bench puntahan mo siya, para may kausap siya hahanapin muna ni Ate Sam si Kuya Kai" Sabi nito kaya tumango lang ito tumayo at tumakbo.
"Dahan dahan baka madapa ka" lumingon lang ito at ngumiti at naglakad na lang masunurin bata.
Nakita niya si Kai sa labas nakasandal sa kotse nila at naka earphone, huminga muna siya ng malalim at lumapit dito
"Ehem" Pag bubulabog niya dito tinginan lang siya nito pero bigla din nilayo ang tingin at sinuot ang shades pero di siya sumuko, tumayo siya sa harap ng binata at tinggal ang earphone.
"Hep,wag ka muna magsasalita ako muna ha" Huminga muna siya ng malalim.
"Kai, sorry di ko sinasadya yung sinabi ko kanina I didn't mean to hurt you sorry ulit" Sabi nito pero na disappoint lang siya kasi kinuha lang niya ang earphone at umalis.
Pero naisip na niya na mabait naman si Kai nawawala lang ang binata, maybe tutulungan niya ito.
-----
vhans