Chapter 8

1998 Words
"Sissy" patili na sabi ni Philip, isa si Philip sa mga matalik na kaibigan ni Sam. "Kailangan tumitili talaga?" Natatawa sabi nito sa kaibigan niya. "Na-excite ako e” sagot ni Philip sa kabilang linya. "Anyways highway advance happy birthday sissy, love kita” sabi ng kaibigan, napangiti naman si Sam sa sinabi ni Philip sa kanya. “Thank you sissy, gusto mong ikaw ang unang bumati sa akin no " biro ni Sam sa kaibigan. "Welcome see you tomorrow" Sabi nito. Natapos na din usapan nila ni Claire at Chloe, maliliit na bata pa lang sila ay mga kaibigan na niya ang tatlo, at hanggang ngayon ay going strong pa din ang friendship nila. "Ms Sam may bisita po kayo" Tawag kay Sam ng isa sa mga waiter nila sa restaurant. "Sige thank you, papasukin mo" sabi ni Sam, at inayos ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa nito. "Hi Sam" bati ng bagong pasok na bisita. "Ate Kyla, hello" Tayo at salubong nito sa bagong dating na bisita. "Happy birthday!" Sabi nito sa kanya na may kasamang matamis na ngiti sa labi. "Ate bukas pa kaya" Natatawa sabi ni Sam sa dalaga. “Alam ko excited ako eh" Sabi niya at pumesto sa tapat ko. "Sino pala kasama mo?" Tanong ni Sam. "A driver ko lang wala kasi si Kai eh" Sabi niya kaya tumango lang ito sa kausap. "Punta ka bukas ate isama mo sila tito at tita pati si Kai" Sabi niya kaya tumango at ngumiti lang ito. “Oo naman, ikaw pa ang lakas mo kaya sa akin” sabi ni Kyla kaya napangiti si Sam sa dalaga. Sam birthday "Goodmorning my Princess" Salubong ng mga magulang ni Sam at hinalikan pa siya sa ulo ng mga ito. "Happy birthday baby ko" Yakap ng ina niya dito, at hinalik halikan nag pisngi ni Sam. "Ang baby natin di na baby Mmmmy" Sabi naman ng Dad niya, na kunwari ay iiyak. "Asus, nagdadrama pa tong mga ito, baby niyo pa din ako diba?" Tanong naman ng dalaga. "Oo naman ikaw ang nag iisang baby at prinsesa ko" sabi ng ama niya, at binigyan siya ng mahigpit na yakap ng ama. "I love you mommy, I love you daddy" Sabi ng dalaga sa mga magulang. "We love you too anak" sabay na sabi ng mga magulang niya “Yes, group hug” tili ni Sam at niyakap ang mga magulang. Kahit nag iisang anak lang siya, di pinaramdam ng kanyang mga magulang na nag iisa lang siya, nandyan sila sa lahat ng oras para sa anak. Napagkasunduan nila Sam na sa orphanage siya mag cecelebrate ng birthday ni niya ngayon taon. "Padating na sila, oh be ready kids ha" sabi ni Sister Terry sa mga bata, nandun na din ang mga kaibigan ng dalaga na sila Philip, Cloe at Claire kasama ang buong Esguerra family. "Ayan na sila" Sabi ni badong kasama ang asawa at anak niya, isa si badong sa batang lumaki sa ampunan. "Happy Birthday Ate Sam" Sigaw ng mga bata na may hawak na tig iisang pink na rose na paboritong bulaklak ng dalaga. Yun ang bumungad sa dalaga pagdating "O my gosh, thank you" sabi ng dalaga na teary eyed, isa isang lumapit ang mga bata at inabot ang pink rose sa dalaga huling nagbigay si Kaycee na may isa pang papel na may naka drawing na dalawang babae. "Thank you Kaycee, ako ba to?" Tanong ng dalaga sa bata tumango lang ito, pinisil ang matabang pisngi ng bata. "Tapos ikaw naman ito?" Tanong niya ulit, at tumango lang ito at ngumiti kaya binuhat niya ito at niyakap. "Thank you Kaycee, love ka ni Ate Sam!" Sabay halik sa bata kaya hinalikan din siya nito. "Kami din sis, group hug" Lapit nila Claire at nakayakap na din, natawa si Sam kasi mas marami pang luha si Philip kesa sa kanya. Nagsimula na ang party "Oh blow the cake na" Sabi ni Claire kaya nag sitayuan sila paikot sa cake at sa tabi nito ay si Sam. "Ready sing!" Pagsisimula ni Philip Happy birthday to you Happy birthday to you Happy birthday Happy birthday Happy birthday to you! "Blow your cake anak" Sabi ng Mommy niya. "Wish ka muna, anak" Sabi ng Dad niya. Pumikit muna siya at ng dumalit ay hinipan niya ang kandila "Yehey" Palakpakan nilang lahat. “Thank you everyone” nakangiting sabi niya. "Kainan na" Masayang sabi ng nga bata magkakasama ang pamilya ni Sam at Kyla kasama ang mga kaibigan nito. "For you" Abot nila Philip ng regalo sa kaibigan. "Thanks mga sister" Sabi nito sa mga kaibigan. "Sissy susi yan susi ng Condo" Simula ni Cloe, pag magkasama sila ni sila nauubusan ng kalokohan. "Susi, yan susi ng kotse" sabi ni Claire, naghuhulaan sila ng kung anong laman ng maliit na kahon. "O my god, engagement ring ba to Philip shocks, di pa ako ready aayain mo na pala ako magpakasal" Dagdag ni Sam na kinatawa ng husto ng lahat. "Hoy, my gosh, sis di tayo talo pwede ba ayoko sayo, tseee kilabutan ka nga" nandiri na sabi ni Philip kay Sam, open siya na gay siya, at tanggap yun ng pamilya at kaibigan niya. "Arte naman nito, di ka na lugi sa akin no" hampas ni Sam sa kanya. "Buksan mo na, dali daming hanass ni bakla e" sabi ni Philip sa kanya. Pagbukas niya, ang tawa nila Philip, Chloe at Claire, dahil napatalon si Sam sa gulat, halos himatayin sa tawa paano ang laman nito ay isang laruan insekto sa inis ni Sam ay hinagis niya ito kay Philip at pinaghahampas ang kaibigan. "Buset ka Pelipe ka" Sabi ng dalaga, tawa lang sila ng tawa, pati ang mga kasama nila nahawa na sa tawa. "My God sissy happy birthday" Sabi ni Philip na halos di makahinga sa kakatawa. "Serious na ito talaga yun gift namin sayo" Bigay nila kay Sam isang paper bag na pink pagbukas nito. "Oh my limited edition ng isang branded na bag, o my thank you sisters" nakangiting sabi ng dalaga sa mga kaibigan. "Taray yaman niyo ha mahal to" sabi niya "Syempre love ka namin" sabi ni Claire. "Tsaka we know how you love bags" Sabi naman ni Cloe, mahilig sa bag si Sam may collection siya ng mga ito. Sila Kyla kasama ang parents niya isang necklace na ang pangalan SAMANTHA na nagkaengrave dito ang regalo nila. "Thank you so much" Sabi niya sa mga ito, dahil sa effort sa mga regalo ng mga ito sa kanya. "Halika dito Sam isusuot ko sayo yung necklace" Sabi ni Kyla kaya nagmamadali siyang lumapit. "Bagay na bagay sayo Sam" Sabi ng Tita Kamilla at Tito Michael. "Oo nga!" Sabi ni Kyla. "Diba Kai?" Tanong ni Kyla sa kapatid kaya napatingin sila kay Kai na busy sa pagkain food is life daw, tumingin lang ito kay Sam at sa Ate niya. "Kai?" Ulit ni Kyla kaya tumango lang ito at tumingin sa dalaga na nakatingin din sa kanya, mga ilang segundo naghinang ang tingin nila. "Ehem, magkatunawan kayo" Pag didistract ng Daddy na Sam, natatawa ito kaya nagbawi sila ng tingin, bumalik si Sam sa pwesto niya at kumain ulit si Kai. Napapangiti lang si Kyla kasi ngayon lang niya nakita na may nakakuha ng atensyon ni Kai na babae bukod sa kanya at sa Mama nila. Nagkwentuhan lang sila ng lumapit si Badong "Sam may naghahanap sayo" sabi ni Badong. "Sino po Kuya Badong?" di pa nakaka sagot ang kausap ng dalaga ay sumingit ito. "Hi My loves my girlfriend" Sabi ni Ranty na nakablue ng polo at blue pants at blue na rubber shoes. "Hala! Aquaman yarn" sabi ni Philip sa bagong dating bisita. "Happy birthday" Sabi nito na yayakap sa dalaga pero naharang ng daddy niya. "Okey na yung pagbati wag ng yumakap Ranty" Sabi ng Dad niya. "Hello po Daddy" Sabi nito at ngumiti ng malaki. "Tatay mo, tatay mo?" pabulong na sabi ni Cloe na ikinatawa na naman ng mga nakarinig. "Ano ginagawa mo dito Aquaman ay este Ranty?" Tanong ni Claire. "Birthday ni my loves at girlfriend ko kaya punta ako dito, may gift ako bibigay ko sa kanya" Sabi nito kaya nagkatinginan lang sila, makulit as always. "For you with love" Bigay ng isang bouquet ng red roses at isang napakalaking stuffed toy na halos matakpan ang buong pagkatao niya. "Grabe mahal ka ba niya o balak ka patayin" komento ni Philip ipinatong kasi nito ang stuffed toy sa dalaga kaya nilagay ni Philip sa gilid ang stuffed toy umupo ito sa tabi ng dalaga at hinawakan ang kamay nito. "Hoy" Hila ni Claire sa kamay ng kaibigan. "Magalit boyfriend niyan" Sabi ni Cloe tumayo ang binata sa sinabi ng mga kaibigan ni Sam. Si Sam naman nanlaki ang mata sa sinabi ng mga kaibigan. "Wag ka magulo" Bulong ni Cloe kay Sam. "Sino, sino boyfriend niya? Ako dapat, ako lang!" Nagpapadyak na sabi ni Ranty. Nagkatinginan silang lahat at napako sa nag iisang binata sa table na nagmamasid lang sa kanila. "Siya" Sabay sabay na turo ni Philip, Claire at Cloe na halos ikalaglag ng panga ni Sam at medyo nagulat si Kai pero di nito pinahalata na nagulat siya sa mga sinabi ng mga kaibigan ni Sam. "Anong" Di na natuloy ang sabi ni Sam ng takpan ni Philip ang bibig. "Di ba pogi" Malanding sabi ni Philip kay Kai, kumindat pa sa binata. "Hoy" Sugod ni Ranty kay Kai pero walang reaksyon ito. "Ano meron sa kanya, wala si ako?" Bulol na sabi ni Ranty lapit kay Sam at niyugyog pa ang dalaga. "Hey stop it" Singit ni Kyla. "Gosh Ranty ang gulo mo" Sabi ni Sam na nakahawak sa ulo na medyo nahilo sa ginawang yugyog ni Ranty sa kanya. "Are you okey sweetie?" Lapit ng Tita Kamilla niya dito pati ang Mommy niya. Tumango lang ito "Halika" hila ni Ranty kay Sam na ikinagulat ng lahat pati si Sam nagulat, wala agad nakakilos sa pangyayari, pero bago pa sila makalayo may humila din sa isang braso ni Sam. "Let her go" Sabi ni Kai na nakahawak sa braso ni Sam ang isang kamay at ang isa nasa bulsa. "Di pa mo ba narinig sinabi ko sabi ko bitawan mo siya" Ulit niya at hila sa dalaga kaya napatingin silang lahat dito, naintimidate naman si Ranty dito. Si Sam naman napatingala dito kasi sobrang tangkad nito compare sa kanya, "You, you" Duro nito kay Kai pero ito nakapalumsa lang at nakatingin sa nanggagalaiti si Ranty. "Excuse po kuya" Nakuha nila ang atensyon ng mga matatanda pamumuno ni Amira at Elmo ang mga bata. "Di niyo pa dapat inaaway sila Ate Sam at Kuya Kai" Sabi ni Elmo. "Oo nga po, kung gusto po nila ang isa’t isa di po dapat natin pinipigilan yun" Sabi naman ni Amira at inayos ang salamin. Napanganga si Sam at Kai, at ang iba naman nagpipigil ng tawa sa nangyayari at sa mga sinabi ng bata si Kaycee naman pumunta sa harap ni Sam at Kai na nilagay sa magkabilang gilid ang kamay na parang handang protektahan sila Sam. Si Ranty naman nagmamadaling umalis, at ng makaalis na ito biglang nga palakpakan ang mga bata at ang matatanda nagtatawanan. "Oh My God parang telenovela lang te" sabi ni Philip at nag slow clap na ginaya ni Cloe at Claire. Napailing na lang si Sam sa kalokohan ng mga kaibigan, si Kai naman naglakad palayo, snobber talaga kahit kelan nasabi lang ng dalaga sa sariling nakatingin sa binata na naglalakad palayo pero napangiti na lang siya sa sarili na maisip na mabuti talagang tao si Kai. Kinalabit siya ni Kaycee na nakatingin sa kanya, umupo siya para magkapantay sila ng bata. "Thank you Kaycee love mo talaga si Ate Sam ano?" Sabi nito at kurot sa malaking pisngi ni Kaycee tumango at ngumiti ito sa kanya at yumakap. "Love ka din ni Ate Sam" Sabi niya sa bata na gumanti ng yakap sa dito. --- vhans
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD