Clyde Naikuyom ko ang aking kamay at linapitan si Earl. Agad ko siyang binigyan ng suntok sa mukha na kanyang ikinatumba at pumagitna sa amin iyong isang sundalo na may hawak na rifle. “What is the meaning of this? Ha! Did you plan all of this from the start, you asshole?!” galit na sigaw ko sa kanya at napatayo siyang dumudugo ang kanyang mga labi. “Shut up, Clyde. This is for your own good. Hanggat kasama mo si Jane hindi magiging tahimik ang buhay mo. I already made some arrangements with them. I’ll give them Jane, and they will surrender RS to the government. Oras na nangyari iyon ay magiging tahimik na ulit ang Italy at mawawala na sa landas natin ang mga taong iyan.” “Hayop ka!” akmang susugurin ko ulit siya pero bigla akong nakatanggap ng suntok sa kasama niyang sundalo. Napa

