Clyde Noong gabi rin lang na iyon ay hindi namin pinaalis si Gerald. Sabi ni Earl na bantay-sarado siya sa isang kwarto at hindi pwedeng lumabas hanggat hindi kailangan. Kahit na nagtitiwala kami sa kanya ay hindi pa rin dapat kami pakapante sa pwede niyang gawin. Pagbukas ko ng pinto sa aming kwarto ay naabutan ko si Jane na nakatayo malapit sa bintana at umiiyak. Nang marinig niya na pumasok ako ay pinahid niya ang kanyang luha. “Dear, are you crying?” Linapitan ko siya. “Is something wrong?” Matagal siyang tumitig sa aking mga mata at saka sinugod ako ng mahigpit na yakap. Nararamdaman ko na lang na namamasa na ang aking damit na suot. Hinayaan ko siyang umiyak at hinintay na kumalma siya. Nang matapos siyang umiyak ay nagpahatid ako ng isang baso ng tubig sa isang kasambahay ni Ea

