Love? “HEL, tulala ka diyan? Maayos ba ang tulog mo? Umayos ka nga, baka madapa ka.” Tulog? Hindi nga ako nakatulog kagabi. “Good morning!” Pumasok na kami sa loob ng classroom ni Chloe. Masaya ito, parang walang pinagdaanan. Bumalik na siya ulit sa dati niya. Maayos kaya ang naging pag uusap nila ni Theo? Hindi ko na kasi siya nagawang tanungin kagabi dahil maging ako ay maraming iniisip. Si Kreios at ang mga sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko ipo-proseso ang lahat ng sinabi niya sa akin Tinanong niya ako kung mahal na ba daw niya ako. Aba malay ko? Maging ako man ay naguguluhan. Mahal ako ni Kreios? “Good morning,” bati nila Bellona sa amin at ngumiti. “Chloe, mukhang masaya ka na ulit, ah? Anong nangyari? We want kwento.” Tanong ni Dalia nang mapansing masaya na ulit

