One of the painful things in this world is when the person you love cannot reciprocate your feelings. Trixy’s Point of View “ANO ba iyong gusto mong pag usapan, Trixy?” Iritadong tanong ni Kreios. Nakalayo na kami sa classroom at walang tao sa paligid, makakapag usap kaming dalawa ng maayos. Una palang talaga ay tutol na ako sa pagbabalik ni Kreios dito sa academy pero dahil utos niya ay wala akong nagawa. Sa mundong ito na ginawa niya, siya ang batas, siya ang dapat masunod. “Kreios…” kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Ang dami kong dinaramdam ngayon. “Bakit?” Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Kreios dahil sa sinabi ko, halatang naguguluhan siya. Agad kong ibinaba ang aking tingin, nasasaktan akong makita si Kreios. Naiinis ako kay Hel. Kasalanan niya n

