When you’re having a hard time choosing, flip a coin. When you’re confused about your feelings, listen to your heart. Third Person’s Point of View “SPADE, ano na ang plano mo? Pwedeng pwede kang traydorin ng Trixy na iyon.” Sabi ng isang lalaking nakaupo sa may gilid ni Spade habang umiinom ng alak. “May mas maganda akong plano. Hindi ko kailangan ang babaeng iyon.” Nakangising sabi naman ni Spade habang nakatingin sa kawalan. Tumigil sa pagsimsim ng alak ang kausap ni Spade at pinanliitan siya ng mata nito. “You look…different. Comparing you from the Spade from before, you seem soft? I don’t know, I can’t find the right word to describe you right now.” Matalim na tumingin si Spade sa kausap. “Anong pinagbago ko? Ano ang nag iba sa akin?” Huminga ng malalim ang lalaki bago makahuluga

