Try me, when it comes to the woman I love, I won’t hold back, I will fight until the last drop of my strength, even if my enemy is myself. Kreios’ Point of View MARAHAN kong iminulat ang aking mga mata. Napahawak ako sa ulo ko habang nauupo sa lupa dahil sa bigat at sakit nito. Matapos kong mabasag ang ilusyon kung saan ako nakakulong ay agad akong bumagsak dito. Hindi ko alam kung ito na ba ang mundo ko. Never mind that, I need to find Hel. Tumayo ako at pinagmasdan ang aking paligid. Hindi ako maaaring magkamali, Nasa Mystique Academy ako at kung bakit ako naririto ngayon ay hindi ko rin alam. Nasa isang ilusyon pa rin ba ako? Ang naaalala ko lang ay nasa isang ilusyon o parang panaginip ako. Nasa mansyon ako ng mga umampon sa akin. Ibinalik ako ng panaginip kong iyon sa panahong nag

