It’s unbelievable how love can change a person in a good way and how can it give you endless happiness. NANATILI lang muna ako sa kwarto nila Kreios. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Nakakahiya, umiyak pa ako sa harapan ni Kreios dahil sa ginawa ni Spade na panloloko sa akin—sa amin. “Are you okay now?” Nakahiga kami sa kama niya. Nakapatong ang ulo ko sa braso niya at nakatitig lang ako sa kisame habang pinagsasalikop niya ang aming kamay at nilalaro iyon. Nagtaas ako ng kamay at tiningnan siyang nakatitig sa akin habang nakangiti. This is the real Kreios, this is the man I have feelings and longing for. I’m happy, I feel safe and my heart is pounding so hard. Kasama ko siya ngayon, walang halong panloloko at pagpapanggap. Napakagat ako sa aking labi

