Love is seasonal, too. As the Summer season, it’s warm, hot, and intense. Winter, sometimes cold but similar to the snow, it is pure. Autumn, solitude and a beautiful sadness, and Spring, it blooms. “CHERRY BLOSSOMS, huh?” “Oo, Hel! Maganda iyon.” Masayang sagot sa akin ni Chloe. Pinag uusapan kasi nila iyong mga bansang napuntahan na nila at napunta sa Cherry Blossoms ang kanilang pinag uusapan. “Oo, nakakita na rin ako dati niyan sa Japan. Ang ganda.” Kumislap ang mga mata ni Dalia, halata ang pagkamangha sa nasabing puno. “Hindi pa ako nakakakita ng Sakura sa personal pero may ipinakita na sa akin dati si Papa, picture iyon na kinuha nila nang magpunta sila ng Japan. Ang ganda nga, gusto ko ring makakita.” Nakangiting sabi naman ni Bellona. “Iniimagine ko na nga kapag nagkaboyfr

