Sabrina's P.O.V. Pumasok ako ng kwarto ni Tristan dahil kailangan ko na daw siyang ma meet sabi ni Butler Nestor. Kinakabahan ako ng mga sandaling iyon dahil baka makilala ako ng bata sa kabila ng aking kasuotan at awra bilang tutor niya kumpara sa suot ko bilang vendor ng puto at suman. Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago bumati sa bata na kasalukuyang nakatalikod sa akin at abala sa pag-aayos ng kanyang mga laruan. "Good Morning, Tristan", masigla kong bati kaya napaharap siya sa akin. "Hello. Good morning. You're my new tutor, right?", tanong ng bata sa akin. "Yeah. I am Teacher Sabrina. Nice to meet you, Tristan", nakangiti kong sabi sa kanya sabay lahad ng palad. "Hand shake? ", nakangiti niyang tanong sabay salubong sa aking palad "You look familiar, teach

