Sabrina's P.O.V. Hindi pala talaga basta-basta nakakapasok ng Mansyon ni Papi Enzo dahil napaka-strikto ng mga guards sa gate. Kanina pa kami nag-uusap dito para lang makapasok ako. "Maniwala po kayo sa akin", ani ko habang ginagaya ang ngiti ni tukayo sa kanyang Identification card para mas lalo kaming magkamukha. Napailing ang isang guard dahil medyo malayo daw ang mukha ko sa ID. "Ako po yan, Manong. Nag glow up kasi ako kaya medyo iba ang awra ko ngayon", nakangiti kong pagkukumbinsi sa kanya "Anong skin care ba ang gamit mo para magamit ng Misis ko. Mukhang mas fresh ka nga ngayon kaysa sa ID picture mo", tanong ng isang guard habang inaaral ang mukha ko. "I-si share ko sayo mamaya pero papasokin nyo na muna ako dahil hinihintay na ako ng bata", pahayag ko sa kanya. Lumapit sa

