Sabrina's P.O.V. "What is your name?", tanong ng babae sa akin. Bakit niya tinatanong ang pangalan ko? Ang weird talaga ng babaeng to. Feeling close? "Bakit mo tinatanong?", anas ko. "Basta. Ano ang pangalan mo. Magkamukha tayo di ba? ", tanong niya sa akin. Maganda ang babae at mukhang may edad sa akin. Straight ang kanyang mga buhok, matangos ang ilong, maninipis ang mga labi, maganda ang mga mata, sakto lang ang kapal ng mga kilay, mahaba ang mga pilik mata dahil sa eye lashes extension. Maputi siya at balingkinitan ang katawan, pero hindi naman kami magkamukha dahil mas maganda ako sa kanya pero magkapareho ang aming mga buhok. "Sabrina ang pangalan ko, pero ang layo ng mukha natin sa isa't- isa", pahayag ko sa kanya. "Ow Em-Gi!!! Really? Sabrina ang pangalan mo? Tukayo pala tay

