Sabrina's P.O.V. Nakausap ko na si Agila at kasalukuyan na kaming nasa Condo niya. Malaki pala ang Condo ni Agila at mukhang mamahalin ang mga gamit. Napapaisip na naman ako kung bakit lagi siyang nakatambay sa aming squatter area sa kabila ng kanyang negosyo at ari-arian. Mas madalas ko siyang makita doon at sa bahay nila Tigre at Lion natutulog. Baka masaya siya kapag kasama ang mga kaibigan kaya palaging nandoon at napagkakamalang tambay. "Pacensya kana sa abala. Wag kang mag-alala dahil hahanap agad ako ng malilipatan kapag nagkapera", naiilang kong sabi sa kanya habang tinutulungan ko siya sa pag-aasikaso ng ulam na aming lulutuin para ngayong gabi. "Hindi naman kayo nakaka-abala. Mas kampante ako na nandito kayo nina Tita Teresita at mga kapatid mo. Mas gugustohin kong dito na ka

