Sabrina's P.O.V. Halos maubos ko na ang aking luha kakaiyak kagabi dahil nawalan kami ng bahay. Wala naman kaming magagawa dahil hindi namin sarili ang lupa. Alam kong darating ang araw na mapapaalis talaga kami doon kapag may bumili na ng Area. Nakipagsiksikan kami nila nanay sa apartment nina Kikimora at Pepemora kagabi. Double deck naman ang kanilang kama at may kaunting espasyo sa sahig. Wala kagabi si Pepemora dahil may event na dinaluhan at sa bahay na ng kaibigan nagpalipas ng gabi. Nakakahiya kina Kikimora kaya parang gusto ko na tuloy tanggapin ang offer ni Agila na doon na muna kami sa kanya makikituloy. Nahihiya din ako kay Agila, pero kakapalan ko na ang aking mukha. Wala pa akong pera pang renta ng boarding house kaya saan naman kami tutuloy pansamantala? Sa ilalim sana ng

