Sabrina's P.O.V. I was so happy after reading the email from the hospital I applied to in the Philippines. I was hired as one of the nephrologists at a well-known and prestigious hospital in Manila. Isa akong doktor na dalubhasa sa mga sakit sa Kidney dahil gusto kong mas ma monitor si Samantha. Tatalon-talon ako sa tuwa nang biglang pumasok sina Kikimora at Pepemora "Annyeonghaseyo, Unni", masayang bungad ng magkakambal. Kakarating lang nila noong isang araw para magbakasyon dito sa Korea. "Wae haengbokhae, unni?", tanong ni Samantha sa akin na ang ibig sabihin ay "Bakit ka masaya, ate?", Marunong na kaming magkorean, pero hindi pa naman ganoon ka expert. Isa pa, tagalog at english kaming nag uusap sa loob ng bahay kaya ang mga anak ko ay marunong mag tagalog, english at korean.

