Sabrina's P.O.V. Makalipas ang tatlong buwan. Matagumpay ang kidney transplant ni Samantha dito sa South Korea. Ito ang bansang napili namin dahil mataas ang kalidad ng mga ospital pagdating sa kidney transplant. Pwede naman sana sa America, pero dito na lang. Ito rin ang gusto ni Erwan dahil may kaibigan siyang nephrologist dito. Ito ang pangalawang operasyon ni Samantha dahil hindi tinanggap ng katawan niya ang unang transplant. Sa awa ng Diyos, tinanggap na ng katawan niya ang pangalawa, at maayos ng gumagana ang mga bato niya. "Thank you, Ate, sa sakripisyong ginawa mo para sa akin," emosyonal niyang sabi. "Wala iyon. Di ba sabi ko, lahat gagawin ko para sa inyo nina Inay? Huwag mo akong alalahanin dahil masaya ako ngayon. Masaya ako na magiging normal na ulit ang buhay mo," nakang

