CHAPTER 2

1822 Words
Sabrina's P.O.V. "Uy Sabrina! Sama ka sa amin. Magbi-benta tayo ng laman", may padila-dilang sabi ni Magna sa akin kasama ang kanyang mga tropa na sina Nena, Tinay, at Tililing. Halos kitang-kita na ang mga pisngi ng kanilang burikat at mga kuntil dahil sa sobrang iksi ng kanilang mga short. Halos dumungaw na rin ang kanilang mga dibdib dahil sa suot nilang sleeveless na damit. Nagsasapakan din ang kanilang mga make-up sa mukha—kulang na lang maging clown silang lahat sa paningin ko. Nasa 30s na ang mga edad nila at ang pagbi-benta ng laman ang kanilang hanap-buhay. "Berhin ka pa di ba? Sakto may Afam kaming ipapakilala sayo. Limang-libo isang gabi, pwede ka ba?", tanong ni tililing sa akin habang sumisindi ng sigarilyo. Ngumisi ako sa kanya. Literal na may tama sa utak ang babaeng ito, bukod sa palayaw niyang 'Tililing.' 'Hindi ako kakagat sa anyaya niyo, pasensya na, mga Mare,' malakas ang boses kong sabi sa kanila. Dito sa squatter area, dapat malakas ang loob mo palagi dahil kung hindi, sasamantalahin nila ang kabaitan mo. ‘Ayaw mo noon. Yung dalawang linggo mong benta sa paglalako ng banana cue sa daan, isang gabi mo lang kikitain. Wala kang ibang gagawin kundi bumukaka at magpa-pasok ng malaking TT sa makipot mong lagusan,’ kagat-labing sabi ni Nena sa akin. "Disi-otso ka pa lang pala at berhin, Sabrina. Sampung libo sa loob ng isang gabi. Payag ka na? May kilala kaming kliyente na wawasak diyan sa hymen mo. Panigurado, malaki ang hinaharap noon dahil Amerikano,’ pahayag ni Tinay habang humihithit ng sigarilyo. Ewan ko ba kung bakit ako kursonada ng mga pokpok na ito. Sa dinami-dami ng babae dito sa squatter area, ako pa ang gusto nilang ibugaw sa mga kliyente nila. "Di bale nang magkandakuba sa paglalako ng mga paninda ko kaysa magpabahid ng dumi sa mga kliyente niyo. Baka magkasakit pa ako kung gagawin ko ang bagay na 'yan," anas ko sa kanila. "Balang araw, bibigay ka rin, Sabrina. Sa hirap ng buhay natin dito sa squatter, magpapabayad ka rin," nakangising sabi ni Tililing sa akin. "Hinding-hindi mangyayari ang sinasabi mo, Tililing. May paninindigan ako sa buhay. Sige, aalis na ako," paalam ko sa kanila bago tumalikod. "Kapag nagbago ang isip mo, sabihan mo lang ako!" sigaw ni Magna sa akin. Napapailing na lamang ako habang naglalakad papalayo sa kanila patungo sa aming tahanan. Ilang saglit lang narating ko na ang aming bahay. "Nay! May ulam na po tayo!", masaya kong sigaw nang makapasok sa munti naming tahanan. Nakatira kami sa isang squatter area dito sa Manila. Tagpi-tagpi ang aming barong-barong na gawa sa lumang yero at kahoy. Sobrang hirap ng buhay namin, pero kinakaya ko para kina Inay at dalawa kong kapatid. "Luto na ba yan, anak? ", tanong ni Nanay habang nakahiga sa sahig na nagsisilbi naming tulugan. "Mag-luluto pa lang ako Inay, pero madali lang naman ito", ani ko kay Nanay habang inaalalayan siyang makaupo mula sa pagkakahiga. "Kumusta po ang pakiramdam nyo?", tanong ko sa kanya dahil panay pa rin ang ubo ni Nanay dahil sa sakit niyang tuberculosis. "Heto, napapagod na ako sa kaka-ubo, anak," mahina niyang sabi. "Uminom na po ba kayo ng gamot?", nag-aalala kong tanong. "Oo na, anak," sagot niya sa akin. "Mabuti naman po—hindi niyo pwedeng kalimutan ang pag-inom ng gamot dahil ang sabi ng doktor ay araw-araw po kayong uminom para mapadali ang inyong paggaling," pahayag ko kay Nanay habang naghahanda na ako ng aking lulutuin. Apat kasi ang gamot na iniinom ni Nanay araw-araw sa loob ng dalawang buwan, tapos iba naman sa susunod na apat na buwan. Kailangan kong kumayod araw-araw para sa iba niyang gamot at maayos na pagkain upang bumalik na sa maayos ang kanyang pangangatawan. Payat na kasi si Nanay dahil sa sakit niya. Nagpapasalamat pa rin ako sa programa ng gobyerno patungkol sa sakit na tuberculosis dahil may libreng check-up at gamot na ibinibigay para sa iba pang gamot ni Nanay. Bukod kasi sa tuberculosis, mataas din ang sugar ni Nanay. Maya-maya pa ay narinig ko ang sigaw ng bunsong kong kapatid na si Mat-Mat habang papasok ng aming munting tahanan. "Ate! Ate! ", sigaw niya. "Ano yon, Mat-Mat? Kumusta ang benta nyo? ", pasigaw kong tanong sa kanya matapos humigop ng niluluto kong sabaw. "Naubos ang bini-benta namin , Ate Sab", masaya niyang sabi sa akin. Tulad ko, naglalako din siya ng sigarilyo at kendi sa kalsada kapag wala na siyang pasok sa skwela. "Ang galing-galing ko kasing magbenta. Iba talaga kapag maganda", pabebeng sabi ng kapatid kong si Samantha. Ako ang panganay sa aming magkakapatid. Sunod si Samantha, labing-anim na taong gulang—Grade 10 na siya, at tulad ko, maganda at matalino rin si Samantha. Ang bunso naman naming kapatid si Matheo ay sampung taong gulang, at nasa ikalimang baitang na siya sa eskwela. Malawak akong ngumiti sa kanila. "Ang gagaling naman ng mga kapatid ko. Oh siya, mag hugas na kayo ng mga kamay dahil kakain na tayo", masayang kong pagkakasabi sa kanila. "Sige po, ate. Nay, kakain na daw po tayo", ani samantha habang inaalalayan si nanay na makatayo mula sa kanyang pagkaka-upo. "Salamat anak ko", ani Nanay "Mat-Mat ang pawis mo. Halika kana muna dito at pupunasan ni Nanay ", pahayag ng Ina namin sa bunso naming si Matheo. Mat-Mat kasi ang tawag namin sa kanya tapos Sam-Sam naman kay Samantha. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila, pero hindi ko din mapigilan ang aking luha nang maalala si Itay. Halos dalawang taon na din ang nakakalipas simula noong mawala siya sa amin. "Kumain na po tayo", anyaya ko sa kanila nang maayos ko na ang munti naming lamesa. "Wow! Sinigang na baboy. Thank you, Ate!" masayang sabi ni Mat-Mat sa akin. Mahilig kumain ang kapatid ko, kaya naman kita ito sa katawan niya dahil tabain ang bunso namin. Samantalang si Sam-Sam ay kaunti lang kumain dahil pangarap daw niyang maging modelo at makasali sa isang prestihiyosong pageant sa ating bansa. Masaya naming pinagsaluhan ang aming hapunan, at hindi ko maiwasang maging emosyonal habang pinagmamasdan silang kumakain. Bibihira lang kasi kaming makakain ng masarap, kaya naman sobrang saya ko ngayong gabi. Kinabukasan, maaga akong nagising para gumawa at magluto ng ilalako kong paninda. Suman at puto ang inilalako ko sa umaga, at mamayang hapon naman ay banana cue at kamote cue. Pupunta ako sa village kung saan nakatira ang lalaking iniibig ko, kahit suntok sa buwan na mapansin niya ang isang katulad ko. "Suman! Puto! Bagong luto po, mainit-init pa!" sigaw ko habang nasa ulo ang bilaong may mga paninda ko. Exclusive subdivision ito, at mga mayayaman ang nakatira rito. Pero nakakapasok ako dahil mababait naman ang mga guard at ka-close ko sila. Nasa tapat na ako ng mansyon ni Mr. Lorenzo Kingsley, at panay pa rin ang sigaw ko ng, "Suman! Puto! Bili na po kayo! sigaw ko na halos lumitid na ang mga ugat sa leeg dahil sa sobrang lakas. Maya-maya pa lumabas si Aling Loling na nakagaan ko na ng loob dahil ilang beses na din akong naglako ng paninda sa Subdivision na ito dahil gustong-gusto ko talagang makita sa Personal ang lalaking pinapantasya ko. "Iha, ikaw pala yan! Ano ba ang mga paninda mo? ", nakangiti niyang tanong sa akin nang makalabas ng Gate. "Suman at saka puto po", nakangiti kong sabi sa kanya matapos ibaba ang bilao mula sa aking ulo. "Kahapon hinintay kita dito kasi nagustohan ng Alaga ko ang suman at puto mo", Lumawak ang mga ngiti ko nang marinig iyon mula kay Aling Loling. Nagustohan ng anak ni Papi Enzo ang suman at puto ko. "Iyak ng iyak kahapon dahil gusto niya daw kumain ng Suman at Puto. Bumili ako sa palengke, pero hindi niya nagustohan dahil ang gawa mo ang gusto ng batang yon" ,dagdag niya pa. "Talaga po? Wag po kayong mag-alala dahil araw-araw na po akong maglalako dito", masaya kong pagkakasabi "Papakyawin ko na itong paninda mo, Iha. Ang sabi kasi ni Sir Lorenzo ay madami ang bilhin ko para sa kanyang anak" , ani Aling Loling. Mas lalong lumawak ang aking mga ngiti dahil kakaiba ang sayang dulot nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko pa nakikita si Mr. Lorenzo Kingsley sa personal, at yon ang isa sa rason kung bakit ako naglalako ng Suman at Puto dito sa Subdivision nila. Gusto ko siyang makita at marinig ang boses niya sa Personal. "Yaya Loling! Where are you? ", sigaw ng boses bata na papalapit sa aming kinaroroonan. "Ayy Jusko mukhang nakatakas na naman si Tristan mula sa isa niyang Yaya", namomoblemang sabi ni Aling Loling nang biglang tumambad sa aming harapan ang napaka-cute at gwapong bata na sa tingin ko ay pitong taong gulang ang edad. "Yaya Loling! What is that? Suman and Puto? I love eating suman and puto", nakangiting sabi ng bata sa aming harapan habang kumukuha ng puto. "Hello", nakangiti kong bati sa kanya. "Hi. What is your name? Did you make these puto and suman?", tanong ng bata sa akin nang bigla naming marinig ang baritonong boses. "Where is Tristan? Son, come back here. Finish your breakfast." sigaw ng boses. Biglang namula ang aking mga pisngi at nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa buong pagkatao ko. Kinikilig ako dahil narinig ko na sa personal ang boses ng lalaking gusto ko. Sana makita ko rin ang mukha niya ngayon, kaya’t para akong giraffe sa kakatingin sa may malaking gate para makita si Mr.Lorenzo "I am coming, Daddy. I am sorry", sigaw ng bata sabay takbo papasok ulit ng malaking Gate. "Slowly, Tristan", ani Aling loling. "Ito na ang bayad ko, Iha", ani niya. "Sabrina na lang po ang itawag nyo sa akin", nakangiti kong sabi sa kanya. "Maraming salamat po sa pag-pakyaw ng paninda ko", dagdag ko. "Kay Sir Lorenzo ka magpasalamat dahil siya ang nagpabili neto', pahayag niya. "Pasabi po sa kanya, maraming salamat po ", nakangiti kong sabi., "Makakarating, Iha. Ang akala niya nga ay matanda na ang nagbebenta ng suman at puto dito sa subdivision. Hindi niya alam, teenager ka pa lang," nakangiti niyang sabi. "Oh siya, papasok na ako dahil marami pa kaming gagawin," paalam ni Aling Loling. "Maraming salamat po, Aling Loling," nakangiti kong paalam sa kanya. Malalim akong napabuntong-hininga at malawak na napangiti habang nasa labas pa rin ng mansyon ng lalaking pinapangarap ko. "Sa wakas, narinig ko na sa personal ang kanyang boses. Sana makita ko naman siya sa susunod. In fairness, ang cute-cute at gwapo ng anak niya," nakangiti kong kausap sa sarili. Gusto ko silang alagaan, mag-ama. Gusto kong maging parte ng buhay nila, pero ambisyosa na ba akong matatawag dahil iyon ang pangarap ko? Dahil ba sa dukha lang ako at sobrang yaman ni Mr. Lorenzo? Paano ba 'yan? Siya lang talaga ang lalaking tinitibok ng puso ko. Wala naman sigurong masama kung mayroon akong paghanga at nararamdam sa kanya kahit hindi niya pa ako kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD