Sabrina's P.O.V.
"Sabrina! Sabrina!" Hingal na tawag sa akin ni Starla. Isa siya sa mga kaibigan ko dito sa squatter area. Siya lang ang Star na hindi kumikislap, dahil palaging pundido. Paano ba naman kasi, tuwing magkakasama kami, puro problema na lang ang sinasabi niya sa akin.
Mahilig magbiro si Starla, pero sobrang corny at wala sa lugar. Imbes na matawa, maiinis ka na lang dahil sa mga biro niya. Sanay na ako sa kanya, at mahal ko siya bilang kaibigan kahit nakakarindi ang boses niya sa sobrang ingay.
Magkasing-edad lang kami ni Starla at magka-klase sa skwela dati, pero sila na lang ni Kikimora ang nagpatuloy sa pag-aaral dahil kailangan kong kumayod para kina Nanay.
She is a very kikay girl. Mahilig sa fashion at beauty products kahit wala ng makain basta't maayos ang damit, mabango palagi, at rebonded ang buhok.
"Anong ganap natin, Starla?" mahinahon kong tanong sa kabila ng pagkabalisa niya.
"Nakita ko si Samantha—"
Ang tagal kong hinintay ang karugtong ng sasabihin niya, kaya umiinit na naman ang ulo ko dito kay Starla.
"Saan mo nakita si Samantha? May nangyari bang masama sa kapatid ko? ", kunot-noo kong tanong at may pag-aalala.
"Nakita ko siyang kausap nina—" hinihingal niyang sabi, sabay hawak sa isa kong kamay. "Wait lang, napapagod na ako kakalakad," hingal pa rin niyang wika, na tila hindi pa rin masabi-sabi ang balitang dala niya.
Kinurot ko ang singit niya para mapilitang sabihin na ang dapat niyang sabihin.
"Aaaaaaaaray! Si Samantha! Ang kapatid mo, nakita kong kinakausap nina Magna at Tililing," napapangiwing sabi ni Starla. Binitiwan ko ang singit niya at hinila ang kamay niya para sabay kaming pumunta sa kinaroroonan ng kapatid ko na kinakausap daw nila tililing. Malakas ang loob ko na binubugaw nila ang kapatid ko sa mga malilibog nilang kliyente.
"Oh, 'di ba totoo ang sinasabi ko? Ayan oh, humihithit ng sigarilyo sina Tililing at Magna habang kinakausap ang kapatid mo," turo ni Starla sa kanila.
"Sam-Sam! Umuwi na tayo ng bahay!" sigaw ko habang palapit kami sa kapatid ko, kasama ang mga pokpok na mababaho ang puday.
"Relax lang, Sabrina. Kinakausap ko lang naman ang kapatid mo", ani Tililing.
"Ano naman ang pinag-uusapan nyo? Naku, tigil-tigilan nyo kaming magkapatid kung ayaw nyong kumalas yang mga kuntil nyo sa mabaho nyong puday", anas ko sa kanila matapos makuha ang kamay ng aking kapatid.
"Hindi mabaho ang mga puday namin uyy! Sagana ito sa Ph Care na sponsored ng aming mga Sugar Daddy!", anas ni Magna sabay buga ng usok mula sa sigarilyo.
"Ang babaho ng hininga nyo, ang puday nyo pa kaya? Hmmm, halika na, Sam-Sam. Wag kang makipag-usap sa kanila dahil mali ang gusto nilang mangyari", ani ko sa aking kapatid.
"Wala naman po kaming pinag-uusapan na mali, Ate Sabrina", ani Sam-Sam
"Itong si Sabrina, mapanghusga. Galing na mismo sa bunganga ng kapatid mo na wala kaming sinasabing masama sa kanya," anas ni Tililing habang humihithit ng sigarilyo.
Siguro lutong-luto na ang atay ng mga babaeng ito dahil minu-minuto na lang kung humithit ng sigarilyo.
"Wala akong tiwala sa tabas ng inyong mga bunganga!" nanlalaki ang mga mata kong sabi sa kanila. "Tama! Wala kaming tiwala sa mga bunganga niyo! Ako pa ang gusto niyong ibugaw sa matandang lalaki na hindi naman tuli ang TT?!" singhal ni Starla sa kanila.
"Titirik naman ang mga mata kahit sup0t ang kliyente na muntikan nang makapasok jan sa mabulbol mong Kepay", pahayag naman ni Magna na muntikan nang pa-ulanan ng suntok ni Starla.
"Maghunos-dili ka nga, Starla. Bat ka naman kasi pumayag makipag-kita sa Sup0t na yon?
"Pinilit nila ako, pero hindi naman ako nagpatira dahil mabaho ang TT ng lalaking yon. Hinding-hindi na ulit ako papayag sa gusto nyo. Hmm", taas kilay niyang sabi sa mga ito.
"Umuwi na nga tayo. Halika na, Sam-Sam", pahayag ko sabay akay sa aking kapatid palayo kina Magna at Tililing.
"Wag na wag kang makikinig sa pinagsasabi ng mga babaeng iyon, Sam-Sam. Sisirain lang ng mga iyon ang buhay natin", paalala ko sa aking kapatid nang makauwi na kami sa bahay.
"Di bale nang hirap tayo sa buhay basta't wag na wag nyong ibi-benta ang inyong mga katawan", pahayag ni Nanay habang nakahiga sa aming sahig na may manipis na Foam.
"Hindi naman po ako binubugaw ng mga babaeng yon, Ate", ani Sam-Sam habang ang mukha ni Starla ay hindi maipinta dahil nakasimangot na naman.
"Anong pinag-uusapan nyo?"
"Opening ng bagong mall malapit sa atin", pahayag ni Sam-Sam sa akin.
"Ano naman ang pinag-uusapan nyo tungkol sa bagong Mall na mag-bubukas malapit sa atin? Mag wi-window shopping ba kayo? Sinasabi ko Sam-Sam, wag na wag kang sasama sa mga iyon. Natitiyak kong kinukuha lang nila ang loob mo para maibugaw", pahayag ko sa kanya habang nagtitimpla ng kape dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.
"Lagi ka na lang nahuhuli sa balita, Ate Sab. Palibhasa nakafocus ka palagi sa paglalako ng mga suman at puto sa umaga", anas ni Sam-Sam sa akin
"Abay kailangan kong kumayod para sa atin",
"Wala ding cellphone ang Ate Sabrina mo kaya nahuhuli sa mga trending at news sa Social Media", ani Starla.
"Mayroon naman akong Cellphone na di-keypad ahh. Teka, ano ba kasi ang balita?", napapakamot kong tanong.
"Opening ng Mall ni Mr.Lorenzo Kinglesy Bukas. Di ba crush na crush mo yon, Ate?", pahayag ni Sam-Sam nang bilga kong mabuga kay Starla ang iniinom kong kape nang marinig iyon mula sa aking kapatid.
"Aguy! ang init! ano ba yan, Sabrina! mukha bang pwet ang mukha ko para bugahan mo ng mainit na kape?", naiinis niyang sabi habang pinupunasan ang mukha ng kanyang damit
"Talaga? Opening ng Mall ni Papi Enzo bukas? Sure ka ba dyan Sam-Sam?", masigla kong tanong sa aking kapatid.
"Oo nga, ate. Pupunta ba kayo bukas?", tanong niya.
"Oo naman. Pupunta tayo bukas di ba Starla?", nakangiti kong tanong sa kanya.
"Oo, pupunta tayo kahit binugahan mo ako ng kape sa mukha", naiinis niyang sabi.
"Sorry, friend. Hindi ko naman sinasadya", nakangiti kong sabi kapag kuwan ay inirapan ko siya "kung hindi pa ako sinabihan ni Sam-Sam ay hindi mo ibabalita sa akin. Palibhasa, palaging masama ang hatid mong balita sa akin at kapag good news,sa iba ko pa mababalitaan. Hmmmp", ani ko kay Starla.
"Naunahan lang naman ako ni Sam-Sam", pagpapalusot ni Starla "Saan ka ba galing at naubos agad ang iyong mga paninda?", tanong niya.
"Saan pa nga ba, Ate Star? eh di doon sa subdivision ng Single Daddy niya", anas ni Sam-Sam.
"Lakas mo talaga,Sab. Lahat gagawin mapansin lang ng Single Daddy mo. Bukas na bukas ay humanda ka dahil sa wakas makikita mo na siya!!", ani Starla.
"Sino ba yang pinag-uusapan nyo? ", tanong ni Nanay.
"Wala ho, nay", sagot ko sa kanya.
"Wag magmahal ng mayaman dahil masasaktan ka lang, Anak..Sa hirap ng buhay natin, impossible na magustohan ka din niya", seryosong pahayag ni Nanay.
"Libre lang naman pong mangarap at magmahal kahit dukha tayo, Nay", nakangiti kong sabi sa kanya.
"Basta, alagaan mo yang puso mo", ani nanay.
Kinabukasan, maaga akong nagising para gumawa ng puto na i-ibigay kay Papi Enzo. Ilalagay ko ito sa box at lalagyan ko ng notes.
Si Mr. Lorenzo Kingsley pala ang may ari ng Mall na magbubukas malapit sa amin. Isa siyang Architect at CEO ng Kinglesy Property Incorporation. Pagmamay-ari niya ang ibang Mall, Five Star Hotel, Bar, Resorts, Condominium, at iba pang real state Company and Businesses dito sa Pilipinas. Sobrang yaman niya, pero hindi ko naman siya nagugustohan dahil doon. Sadyang nakuha niya ang atensyon at puso ko noong una ko siyang mapanood sa television.Tulad ng mga artistang hinahangaan natin, mas espesyal pa ang nararamdaman ko para sa kanya. Pag-ibig na ito, hindi basta-basta paghanga.
Sampung puto ang nilagay ko sa box na may ribbon. Kumuha ako ng papel dahil susulatan ko iyon at ilalagay sa loob ng gift box.
"Perfect! hindi niya naman malalaman na sa akin ito galing. Okay na yang notes ko! ", kausap ko sa sarili matapos ipasok sa loob ng box ang notes ko para kay Mr.Lorenzo
Maya-maya pa ay dumating na sina Kikimora at Starla. Kaming tatlo ang magsasama dahil ang kapatid kong si Sam-Sam ay kasama din ang kanyang mga tropa.
"Hindi sasama si Pepemora?", tanong ko sa kanila.
"Busy sa kanyang pwesto sa palengke—nakahanda na ba ang mga puto mo para kay Mr. Lorenzo? ", seryosong tanong ni Kikimora.
"Ayan oh, nakahanda na. Nag-almusal na ba kayo? Magkape muna tayo at maaga pa naman", anyaya ko sa kanila.
Natutulog pa sina Nanay at dalawa kong kapatid kaya dahan-dahan kami sa pag galaw habang nagka-kape at kumakain ng puto sa maliit naming mesa.
Maya-maya pa umalis na kami para magkaroon ng pwesto malapit sa entrance ng Mall.
"Anong oras na ba, Starla?", excited kong tanong.
"7:50 am na. Sampung minuto na lang, makikita na natin sa Personal ang Daddy Enzo mo", nakangiti niyang sabi sa akin.
"I love you, CEO Lorenzo Kingsley! ", sigaw ng isang babae na mayroon pang dalang banner.
"Sus, hindi naman kagandahan",ani Kikimora sa mga ito.
"Wala tayong banner,samantalang sila ay mayroon", ani Ko.
"May puto naman tayong dala. Ang banner hindi nakakain, pero ang fresh mong puto, OO", ani Kikimora.
Congratulations and Please be mine ang nakasulat doon sa Banner ng isang grupo ng kababaihan. Madami pang iba na nagpapakita ng suporta at paghanga kay Mr. Lorenzo sa pamamagitan ng ibat-ibang klaseng pakulo.
Ang daming mga tao, at halos lahat ay kababaihan.
Maya-maya pa ay nagsigawan na ang mga tao dahil may lumabas na sa Entrance ng Mall for ribbon cutting.
"Nasaan si Daddy Enzo?", tanong ni Starla
"Di ba dapat siya ang mag ka-cut ng ribbon?", tanong ko.
"Oo,kasi siya ang may-ari, pero bakit wala siya? ", malungkot na sabi ni Kikimora
Ginawa ko ang lahat para makalapit sa isang Lalaki na parang Bodyguard ang pormahan dahil naka sunglasses, at may earpiece sa isang tenga.
Bodyguard siguro ito ni Papi Enzo dahil minsan ko na siyang nakita sa TV kasama ang kanyang amo. Baka pinapunta lang dito ni Mr. Lorenzo kahit wala ang kanyang amo para magmonitor sa mga nangyayari. Pwede ba 'yon? Bodyguard ka, pero malayo ka sa amo mo?
"Sir! Sir! Nasaan po si Mr. Lorenzo Kingsley? Di ba dapat siya ang mamuno sa ribbon-cutting?" seryoso kong tanong.
"You're right, pero hindi siya makakarating", sagot niya sa akin.
"Bakit daw po? Siya pa naman ang pinunta namin dito para makita at maibigay itong mga puto ko", malungkot kong pagkakasabi.
"His Son was sick", matipid niyang sagot sa akin.
"Ano? May sakit ang anak niya? Pwede niyo po bang ibigay ito sa amo niyo? Mga puto po ito, at tiyak kong magugustuhan ito ng anak ni Sir Lorenzo," pakiusap ko sa lalaki.
"Pasensya na, pero hindi tumatanggap ng pagkain ang amo ko galing sa isang estranghero," pagtanggi niya sa ibinigay ko.
"Maniwala po kayo sa akin, Sir. Magugustuhan yan ng anak niya," pakiusap ko sa kanya.
"Inuulit ko, hindi tumatanggap ng pagkain si Sir Lorenzo galing sa ibang tao, lalo na kung ipapakain ito sa anak niya," pag-ulit niya sa akin.
"Wala namang lason ang mga putong ito, Sir!" naiinis kong sabi sa kanya nang biglang lumapit si Starla sa amin.
"Pogi! Pakiusap, ibigay mo 'yan kay Mr. Lorenzo. Hindi mo ba alam na pinagpuyatan 'yan ng kaibigan ko para maibigay sa amo mo?" mataas ang boses na sabi ni Starla.
Yong nakikiusap ka, pero mataas ang boses mo. Hay naku, kakaiba talaga itong si Starla.
Nagulat ako dahil kinaladkad ni Starla yong Bodyguard na naka tuxedo sa may labas ng Mall kung saan kukunti ang tao. Sumunod naman ako sa kanila.
"Hey! bitiwan mo nga ako! Nasisiraan kana ba ng ulo?! galit na tanong ng Bodyguard kay Starla
"Masisiraan kami ng ulo, lalo na ang kaibigan ko, kung hindi mo ito maibigay sa amo mo!" singhal ni Starla nang biglang magsalita ang lalaki sa kanyang earpiece na may mikropono.
"Hello, Sir. The ribbon-cutting ceremony has begun. I’m heading back to the office to grab the documents that require your signature", seryosong pagkakasabi ng lalaki sa kausap na sa tingin ko ay si Mr. Lorenzo, kaya nagkatitigan kami ni Starla dahil purong Ingles ang sinasabi niya.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanya, Sabrina. Babalik na muna ako sa Entrance ng Mall", nakangiti ngunit kinakabahan niyang sabi.
Kahinaan kasi ni Starla ang English kaya tiklop agad nang marinig ang mga salitang binitiwan ng lalaki.
"Akin na yang puto mo", seryosong sabi ng lalaki sabay alis ng Sunglasses kaya tumambad sa akin ang gwapo niyang mukha.
Matikas, mataas, at gwapo ang lalaking ito, pero mas gwapo at yummy pa rin ang Papi Enzo ko.
"Siguradohin mong walang lason ang pagkain na to", kunot- noo niyang sabi.
"Wala po. Body Guard po ba kayo ni Sir Lorenzo?", tanong ko sa kanya.
"I am his Secretary and Bodyguard", seryoso niyang sabi sa akin.
Malawak akong ngumiti sa kanya at nagpasalamat.
Mga gwapo din pala at matitikas ang mga empleyado ni Sir Lorenzo. Hmmmp, pero mas gwapo pa rin ang Amo.
Biglang umukit ang lungkot sa aking mukha dahil bigo na naman akong makita siya.
Kinuha noong lalaki ang number at pangalan ko bago umalis. Binigay ko naman sa kanya, pero mali ang numero at pangalan na binigay ko sa takot na baka sabihin kay Daddy/Papi Enzo na ako ang nagbigay ng puto na may notes ng.......
"These puto were made with love and care for you, my dear Papi Enzo.Kainin mo ang puto ko ng dahan-dahan para malasap ang tunay na sarap at hindi mabulunan. Walang makakatalo sa lambot at tamis ng puto ko—ang fresh kong puto ay para lamang sayo"
—Nagmamahal, Sab-Sab.
Napasampal ako sa noo nang maalala ang notes na nilagay ko doon. Bakit ba naman kasi 'yon ang naisip ko? Ano na lang ang iisipin ni Mr. Lorenzo kapag nabasa 'yon? Di bale, ang importante ay makarating sa kanya ang ginawa ko at malasahan niya ang espesyal kong puto.