“K-Kilala niyo ho ako?” kabadong tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ang taong matagal naming hinahanap ay hindi naman nagpapahanap. Na tila ba dapat hindi na namin hinanap. Ngumisi ito at hindi ko talaga gusto ang ekspresiyon ng mukha nito. Hindi ko alam baka siguro dahil sa sunog nito na nagdudulot ng tila kakatakot na ekspresiyon. “Paanong hindi kita makikilala? Lahat ata ay ikaw ang usap-usapan. Halika, maupo ka,” “Ah...hindi na ho, dito na lang ako,” Tumango ito at naupo saka tumingin sa akin na may kung anong ibig sabihin, “Natatakot ka ba sa akin?” Napahinga ako ng malalim at pilit na ikinalma ang aking sarili saka umiling, “Hindi ho. Sa mga sandaling ito, wala na ho akong kinatatakutan.” “Tunay nga, matapang ka,” Napabuntong-hininga na lamang ako at napat

