“Paano mo nalaman ang lahat? Sino ang nagsabi sayo?” aligaga at halatang nangangambang tanong ni Thianna. “Mahabang kwento, Thianna. Masaya akong makitang ayos ka. Akala ko, kagaya ni Ate at nina Mother Flora saka Sister Maria ay pinatay ka na rin nila,” “Anong sabi mo?” Pinilit kong huwag bumigay ang mga luha dahil alam kong mapapansin iyon ni Devon, “Wala na sila. Lahat sila ay patay na.” Napakapit sa bibig si Thianna at mas mabilis pa sa segundo ang pagpatak ng mga luha nito, “Nalaman ko rin na wala na si Ate Shiela. Patay na rin ang kapatid ko,” Hinawakan ko ang kamay nito, “Makinig ka Thianna, hindi naman sila namatay ng walang ipinaglalaban. Lahat sila lumaban hanggang sa huli, kaya tayo rin dapat.” “Anong ibig mong sabihin?” Tumingin ako saglit sa pinanggalingan ko para tingn

