“Sister Maria?....Mother Flora?” uutal-utal kong sabi. Hindi naman makatingin ang mga ito. “Ano ‘to? Niloko niyo ako?” sigaw ko at galit na galit na nagpumiglas sa pagkakaposas, hindi ko na napigilang maiyak sa dismaya. “Sinungaling kayo!” “Hahaha! Akala mo talaga nagtagumpay ka na sa paghikayat sa kanila na lumabag sa banal na batas?” halakhak ng huwad na pari dahilan para matigilan ako. “Pwes ako na ang nagsasabi, Aradelle, walang laban ang kasamaan sa kabutihan.” Nalaglag ang panga ko sa pagkamangha mula sa sa mga pinagsasasabi nitong huwad na pari. “Saang kademonyohan mo nakukuha ang lakas ng loob para magsalita ng ganiyan?!” palahaw ko rito habang nanlilisik ang tingin rito. Hindi ko mapigilang hindi mangilabot dahil sa paraan kung paano ito tumingin na tila nag-uumapaw ang kas

