“Anong maliit? Anong sabi mo?” gigil na giit ng isa sa mga lalaking pinipilit na humakbang palapit sakin. Pinagpag ko ang dumi ng pantalon ko at ngumisi, “Sabi ko, ang liliit pala ng nasa ilalim ng mga pantalon niyo. Iyon kasing sa kakilala ko ang laki! Hmm? Limang daliri eh, sa inyo parang hindi pa pwede sa dalawa.” “Bastos ka!” Singhal ng isa at umamba na ng suntok sakin. Sa pagkakataong ito ay nakaiwas agad ako at nakakuha ng kahoy sa isa sa mga tindahan ng damit saka inihampas dito. Isa sa tiyan at isa sa pribadong parte na naman. Ang mga kagaya nitong mga taong ito, hindi na dapat makapagparami! Sumugod iyong isa at nagawa ko rin itong mahampas sa mukha naman at sa pinakamahinang bahagi. “Ang sarap makipaglaban,” bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa dalawang lalaking da

