Chapter 8

1637 Words
“Gising na, Aradelle, mag-aalmusal na tayo.” Hirap akong nagmulat at namimikit na sinipat ang kwartong kinahihigaan ko. “Hala, nakatulog po ako,” dali-dali kong sabi pagbalikwas sa kama. “Oo, hindi ka na namin ginising ni Devon. Siya ang nagbuhat sayo kaya magpasalamat ka ha,” May kung anong kurot akong naramdaman na siya nga ata talaga si Devon. “S-sige ho,” “Siya tumayo ka na at maligo. Malapit na mag-almusal. Tapos na ako maligo, mauuna na ako sa baba,” “Sige ho. Pero pwede ho ba akong magtanong?” “Ano yon, Aradelle?” “Ito hong si Devon, kilala niyo ho ba talaga siya?” “Ah oo naman. Pamangkin sila ni Padre Feruvio. Silang dalawa ni Arkin. Si Devon ay lumaki na sa kumbento mula pagkabata, samatalang si Arkin ay lumaki sa ina nila, malayo sa kumbento kaya nga napakahirap paamuhin nong batang iyon,” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. “Si—Si Devon ho ba, saan siya nag-aral ng elementarya?” “Sa---” “Gising ka na pala,” biglang sabat ni Devon dahilan para matigilan si Mother Flora sa sasabihin. “Mother, hanap na po kayo sa baba.” Dagdag pa nito habang nakatayo sa harapan ng pinto. “Ganon ba. Sige, Aradelle, mauuna na ako. Ha. Bilisan mo na ang kilos,” Ganon na lamang ang dismaya ko nang hindi na naituloy ni Mother Flora ang sinasabi nito. Mahinhin akong tumayo mula sa kama at yumukod para bumati kay Devon. “Magandang umaga ho.” Humakbang ito papasok ng kwarto at naupo sa sofa na malapit sa may pinto. “Aradelle, hindi mo naman kailangan mag po. Alam na alam mong magkasing edad lamang tayo. Halika dito, magkwentuhan tayo, napakatagal kitang hinanap.” Hindi ko alam kung paano ko talaga siya kakausapin. Kumpara kay Arkin, parang hindi ganon kakumbinsido ang isipan ko na siya ang batang nakasama ko noon sa elementarya. “Ah, kailangan ko na daw maghanda, bilin ni Mother Flora. Mas mabuti pang mamaya na lamang tayo magkwentuhan pag tapos ng mga gawain ngayong araw,” sabi ko na lamang para makaiwas. Dali-dali akong kumuha ng towel mula sa aking dalang bag at ang aking uniporme. “Napatawad na kita, Aradelle.” Natigilan ako sa pagkuha ng mga damit at marahang humarap rito. Naglakad ito palapit sakin at mabilis na hinapit ang baywang ko para yakapin. “Alam kong naiilang ka dahil sa nakokonsensiya ka pa rin sa mga nangyari sa atin noong mga bata pa tayo, pero, mali ka. Kahit kailan ay hindi ako nagalit sayo. Imbes, nagpapasalamat ako na tinuring mo akong kaibigan. Hindi mo alam kung gaano ko pinagpapasalamat na makita ka para masabi ko ito sayo.” Sa unang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon, pakiramdam ko ay may malaking tinik ang nabunot mula sa akin. Nanginginig ang mga labi ko dahil sa pagbabadya ng mga luha kong tumulo. Naalala ko ang mga sinabi ni Lori na kaya kami nasa dormitoryo ay dahil sa may mga nagawa kaming mga mali at parusa lamang ang pananahan namin doon. Gaano man ang gawin kong tanggi at sabihin na kagustuhan lamang ito ni Mama, gayong ang totoo ay may napakalaki akong kasalanan dito sa taong ito na kahit anong gawin kong kasamaan, hindi niya ako itinaboy, kung siya talaga si Devon. “P-Patawad, Devon,” sabi ko na hagya nang lumabas sa bibig ko dahil parang nauubos na ang boses ko. “Patawad ng sobra. Hindi ko sinasadya ang lahat ng mga iyon. Sa totoo lamang ay hindi ko alam ang ginagawa ko. Ayaw kong inaapi ka nila kaya ako na lang ang nang-api sayo, para lagi kang nasa tabi ko. Hindi ko rin alam kung paano ang makiapgkaibigan kaya sana unawain mo. Ikaw lamang ang tanging tinuring kong kaibigan.” Hinagod ni Devon ang likod ko at bumitaw na sa pagkakayakap saka inilahad ang kamay, “Sa totoo lamang ay ikaw rin lamang ang nagtiyagang manatili sa tabi ko. Na tila ba gustong-gusto mo ako. Nasanay akong ayawan o layuan o saktan dahil sa Feruvio ako, pero ikaw, iba ka. Subukan natin ulit? Maging magkaibigan ulit tayo?” Lahat ng pag-aalinlangan at kaguluhang nararamdaman ko, lahat iyon napawi at masaya kong tinanggap ang kamay ni Devon. “Friends.” May hinugot ito sa bulsa at ganon na lamang ang gulat ko nang makita ang pulseras na iniregalo nito noong mga bata pa kami, “Baka naiwala mo na ang dating regalo ko. Kaya ito, gumawa ako ng bago. Ilang araw pa lang naman ang nakakalipas mula ng birthday mo, hindi pa naman siguro late?” “Tamang-tama lang, basta galing sayo,” “Wag mo itong iwawala ha. Ang initin pa naman ng ulo mo, mamaya mawala na naman pag may kaaway ka,” “Iingatan ko ito, pangako,” “Aasahan ko yan. Ok na tapos na,” sabi nito habang giliw na giliw na nakatitig sa pulseras na bagay na bagay sa kamay ko saka walang pasabing hinalikan ang ibabaw ng kamay ko. “Aradelle, kung maaari sana, wag na wag mong hayaang makalapit sayo si Arkin.” Nawala ang ngiti ko at nagulo na naman ang isipan ko. Noong nakaraan lamang ay sinabi na ito ni Arkin saakin, tapos ngayon, si Devon naman. “B-bakit?” “Aradelle, lumaki ako malayo kay Arkin, at marami akong nababalitaan tungkol sa kaniya. Kapatid ko siya pero napakahirap unawain ng kaniyang ugali lalo na ang pakitungo niya sa mga tao. Marami ang nakakapagsabi na may kakaiba siya hilig sa mga babae. At dahil magkahiwalay kaming lumaki, may galit na namuo sakaniya, gumagawa siya ng mga bagay na ikakasakit ko. At hindi ko kakayanin kung may gawin siyang masama sayo.” Wala akong maisagot sa sinabi ni Devon. Nakatitig lamang ako sa kaniyang mga mata at kitang-kita ko sa kaniya ang tila kagustuhang malayo ako sa kapahamakan. “S-salamat, Devon. Tatandaan ko iyan. Maghahanda na ako,” “At sana…sana Aradelle, ipagpatuloy mo lamang iyang kagustuhan mong magmadre, kapag naging pari na ako ay magiging mas mabuti pa tayong magkaibigan, hinding-hindi na tayo magkakalayo.” Binawi ko ang kamay ko rito at tuluyang nawala ang ngiti ko dahil kakaiba ang pakiramdam ko sa sinabi nito. “Sige, magkita na lamang tayo sa baba.” Umalis na ito at madali akong naghanda. Naging mabilis lamang ang paglipas ng mga araw at habang nakakasama at nakakausap si Devon, siya pa rin iyong Devon na nakilala ko noong mga bata kami. Maliban sa may kakayahan na itong ipaglaban ang kaniyang sarili na kay tagal kong ipinagdasal na sana ay magawa na nito. Nasa isang meditation garden kami ngayon at katatapos lamang ng huling activity ng convention. Bukas ay uuwi na kami at inaya ako ni Devon na maglakad-lakad dito. “Ayaw ko na umuwi, ang ganda dito,” nakangiting sabi ni Devon habang nakatingala sa langit na halo-halong mga kulay ang nag-aagaw dahil palubog na ang araw. “Kung pwede nga. Marami ang nakakamiss dito sa labas kaso alam ko naman na wala akong matutuluyan. Bukod doon, kailangan ko na naman magpanggap,” “Anong ibig mong sabihin?” “Wala. Hayaan mo na,” Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa akin, “Natutuwa ako na makita na nagbago ka na Aradelle. Napabuti ang pagpasok mo sa dormitoryo.” “Sa totoo lang, ito ang totoong ako, Devon. Yong Aradelle noong mga bata tayo, hindi ako iyon. Kinailangan ko lamang dahil ayaw ko nang mapagalitan ni Mama,” “Nakikita ko na iyon sayo, kaya kahit nahihirapan na kitang unawain, nanatili ako,” “Tungkol nga pala noong…noong huli tayong nagkita…” “Wag ka mag-alala, inubos ko iyong cake. Namigay rin ako sa kasamahan kong mga bata pag-uwi ko,” “M-masaya ako, alam ko namang iyon ang gagawin mo. Inaalala ko nga noon na baka inabot ka ng ulan, dapat hinatid ka na namin,” “Hindi naman ako inabot ng ulan dahil pag-alis mo ay umuwi na rin agad ako,” Tuluyan nang nawala ang ngiti ko. Hindi siya ang hinalikan ko. “Aradelle, Devon, hali na kayo at magpapahinga na. Maaga pa tayo uuwi bukas,” tawag ni Mother Flora na tamang-tama lamang ang dating kung hindi ay mababakas ni Devon ang pag-aalinlangan ko tungkol sa kaniya. “Tara?” pilit ang ngiting sabi ko at mabilis na naglakad pauna rito. Kinabukasan ay maaga kaming umalis sa convention center. “Inaantok ka na ba?” bulong ni Devon sa akin habang nasa biyahe. “Ok lang,” sabi ko rito. Pero wala na akong nagawa nang marahan nitong ihiga ang ulo ko sa balikat nito. Aayaw pa sana ako kaso antok na antok na talaga ako. Kaya naman nagising na lamang ako na naroon na kami sa dormitoryo. “Hala, andito na ba tayo?” “Oo,” tugon ni Devon na sa mga sandaling iyon ay nakasandal na rin sa ulo ko. “Kanina pa tayo dito?” “Oo. Hindi na muna kita pinagising, mukhang pagod ka talaga,” Marahan akong umalis sa balikat nito at siya naman ay nagmulat na ang mga mata. “Sa tingin ko ay dapat na tayong bumalik. Baka mapagalitan ako.” “Hindi ayos lamang, gabi naman at tulog na ang lahat,” sabi nito at tinulungan akong bumaba. Nang makababa kami ay nagtawanan pa kami dahil sa mugto pa ang mga mata dulot ng mahabang tulog. “Hanggang sa muli,” sabi nito at ipinatong ang kamay sa ulo ko. “Mag-ingat ka palagi.” Balot man ng kaguluhan ang isip ko ay napakagaan ng loob ko na naalis na ang bigat ng pakiramdam ko. Pagdating sa dormitoryo ay para akong napako sa kinatatayuan sa tapat ng labas ng kwarto namin nang makita kong naghahalikan si Arkin at Lori.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD