“Hoy! Tulala ka na naman!”
Ganon na lamang ang gulat ko nang sumulpot bigla sa tabi ko si Lori.
“Ha?”
“Anong ha? Ay tulala nga! Ano na? Pinapakuha ka ni Mother Flora ng mga gamit, hindi magtunganga. Nako, Aradelle, ha, kinakabahan na ako sayo. Naging ganiyan ka na simula noong maghatid ka sa mga dormitoryo ng mga lalaki,”
Tinitigan ko ito at tila ba nagulat na baka mamaya ay marunong ito magbasa ng iniisip.
Tumaas ang kilay ni Lori saka parang sira na nagpakatawa, “Hay nako Ara, ok lang yan. Ako na ang nagsasabi. Attraction is a human thing, girl!”
“Tsk, manahimik ka Lori. Sige na, mauuna na ako,” iwas ko na lamang kay Lori at madaling naglakad pabalik sa aming pila.
Sakto namang bukas na ang pinto at talagang nagsisinghapan ang lahat nang bumulaga ang sangkatutak na alikabok.
“Haplay!” dinig kong bulungan nang iba nang pangkunin ni Mother Flora ang mga dala kong basahan at isa-isang iniabot sa mga kaklase ko.
Natira sakin ang timba at isang pamunas.
Hindi naman na ako nagulat dahil ako lang naman talaga ang naaasahan sa pag-iigib ng tubig.
Nang tuluyang makapasok ay ganon na lamang ang pagkamangha ko sa kalooban ng library.
“Ang ganda,” bulong ko pa habang sinisipat at hinahangaan ang detalyado at tila pinaglaanan ng oras na mga ukit at detalye ng mga bintana, ng kisame, at mga poste.
Pati ang mga daan-daan at nagsisitaasan na mga stante ng mga libro.
Bago ako pumasok sa dormitoryo, mahilig talaga ako magbasa kaso, natigil lamang dahil bawal nga ang library na ito.
Kung ako ang tatanuningin, kaya kong mabuhay sa lugar na ganito. Ako lang at ang mga libro.
“Ano pa ang tinutunganga mo? Magsimula ka nang maglinis,” sabi ni Superiora mula sa aking likuran kaya naman kumaripas na agad ako nang lakad takbo.
Tumigil lamang ako nang lumingon ako at nakitang malayo na ako kay Superiora.
Sinipat ko ang mga nadaraanan kong mga estante at hindi na ako nagulat na nagsasama-sama ang magkakaibigan para lamang makatakas ng kwentuhan. Na alam na alam ko namang mas magiging lamang ang kwentuhan kaysa trabaho.
“Maglinis, mamaya na magkwentuhan,” sabi ko pa sa grupo nina Helena nang mapadaan ako.
Pero imbes na pansinin ako ay nagtawanan lamang ang mga ito.
Umiling na lamang ako at naglakad pa palagpas ng ilan pang mga estante bago tuluyang tumigil sa isang kwarto kung saan walang katao-tao.
“Ok, dito ako.”
Agad akong nagtali ng panyo sa ilong dahil sa alikabok at nagsimulang mag-alis ng mga libro sa estante kung saan ako nagpunta.
Minabuti kong malayo kay Lori dahil mamaya ay lalo lamang mapag-initan ni Superiora. Alam na alam kong magdadadaldal lamang iyon at kukulitin ako ng kukulitin sa kung ano-anong mga bagay.
“Wow, ang gaganda ng mga pabalat ng libro,” bulong ko habang inaalisan ng alikabok ang mga ito.
Saglit akong tumingin sa paligid at patakas na binuklat ang libro.
Alam kong bilin na huwag magbubuklat pero, kaunti lang naman ang babasahin ko. Kapag hindi ko naman nagustuhan ang pang-unang mga salita ng isang libro, hindi ko na tinutuloy.
At tama nga, hindi ko nga gusto kaya tiningnan ko ang kasunod, hanggang sa malinis ko na ang unang kahabaan ng mga libro.
Pagkatapos ay nakarating ako sa isang tagong lugar kung saan malayo na talaga ako sa mga kasamahan ko.
Napakunot ang noo ko dahil mas makakapal at mas makaluma ang itsura ng mga libro dito. May hagdan rin pababa akong nakita na hindi ko alam kung saan papunta.
Nagsimula akong maglinis at kagaya noong una, sinubukan kong buksan ang isa sa mga libro at laking gulat ko nang makuha agad ng unang pahina ang atensiyon ko.
“Anong ginagawa mo?”
Dali-dali kong isinara ang libro at mabilis na humarap sa nagsalita.
“Arkin,”
“Tinatanong ko kung anong ginagawa mo?”
“Paano mo nalaman na nandito ako?”
“Ako ang unang nagtanong kaya sumagot ka,”
“Nag---” natigilan ako sa sinasabi ko nang maglakad ito palapit sakin habang nakatitig na naman ito sakin na tila ba tumatagos sa buo kong pagktao ang kaniyang mga mata.
Umatras ako pero napasandal lamang ako sa estante ng mga libro.
“Nag---?” sabi nito na kakaiba ang tono.
“Nag—lilinis,”
“Iba ang nakita ko,”
“Anong nakita mo? Baka bulag ka na,”
Natawa ito at itinukod ang isang kamay sa estante saka inilapit ng sobra ang mukha sa akin, “Hindi ba’t mariing ipinagbabawal ang pagbabasa? Bakit sumusuway ka? Ikaw pa mandin ang tinaguriang matinong estudyante rito na sumusunod sa mga patakaran.”
“Ano bang masama sa pagbabasa? Sayang ang mga libro dito,”
“Hindi pa rin iyon rason para baliin mo ang kautusan,”
“Isusumbong mo ako?” galit at gigil kong tanong.
“Hindi, magagalit sa akin si Devon,”
“At bakit naman?”
“Ayaw niyang lalapit ako sayo,” pabulong na sabi nito at unti-unting inihilig ang ulo sa aking leeg.
Hindi ko napigilang mapalunok dahil sa mainit na hiningang dumadampi sa pawisang balat ng aking leeg.
Maski ang paghinga ko ay tila umiiksi habang palapit ng palapit ang mukha niya.
“B-bakit mo ba ito ginagawa ha? Magsusumbong ako,”
“Sige, tingnan nating kung sino ang kakampihan. Saka baka nalilimutan mo, may kasalanan ka ngayon. Pag nagsumbong ka, magsusumbong din ako,”
“Napaka---hah!”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang lumapat na ang kaniyang mga labi sa aking leeg.
Napasinghap ako at nakaramdam ng panghihina ng tuhod.
“Bi—bitaw! Tumigil ka,” hirap na sabi ko saka sinubukang itulak siya palayo.
Pero bigo ako dahil nagawa na nitong mahawakan ang dalawa kong kamay at pinigil sa aking likuran gamit lamang ang isa niyang kamay.
Habang ang isang kamay naman ay itinabon sa bibig ko.
Samu’t-saring emosyon na ang naramdaman ko nang mas bumilis ang kaniyang paghalik.
Mas tumitindi pa habang naririnig ko ang paghangos nito na tila ba gustong-gusto nito ang ginagawa.
Kaya gaano man ang tutol na gawin ng isip ko ay hindi ko maunawaan ang kasabikang dumadaloy sa buo kong katawan.
Isang pakiramdam na kay Devon ko lamang naramdaman at dapat sa kaniya lamang.
Napapikit na ako at hinayaan siya sa kaniyang ginagawa.
Inalis niya ang pagkakahawak sa aking dalawang kamay at hinapit papalapit ang katawan ko.
Inalis na rin nito ang pagkakatabon sa bibig ko at inilakbay ang kamay mula sa aking dibdib pababa sa aking hita saka itinaas sa may baywang niya.
Wala sa sarili kong naipulupot ang dalawang kamay ko sa leeg nito para mas maramdaman ang kaniyang mga halik.
Hindi ko pa mapigilang manginig ang katawan tuwing dadampi ang kaniyang dila.
“ARADELLE?”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tawag ni Superiora.
Mabilis rin namang tumigil si Arkin at hinawakan ang kamay ko sabay dinampot ang mga panlinis ko bago hinila ako pababa sa hagdanan.
“Wag kang maingay,” sabi nito habang kinakapa namin ang daan pababa dahil sa walang kaliwa-liwanag.
“Saan tayo pupunta?”
“Sinabing wag kang maingay,”
Rinig namin ang mga yabag ni Superiora na tila napakalapit na kaya mas binilisan namin ng paglalakad.
Di naglaon at nakarating kami sa ibaba ng hagdan.
Saglit akong binitawan ni Arkin at maya-maya nga lamang ay may hawak na itong kandila.
“Dito,” sabi nito at sumunod naman ako.
Bagamat madilim, may nasagintawan akong mga bagay na ginagamit sa pagdiriwang ng misa habang tinatahak namin ang daan kung saan.
“Saan ba tayo pupunta?”
“Sumunod ka na lamang,”
“Hindi ako ganon kagaling sa madilim,” takot na sabi ko dahil bukod sa hirap ako makakita ay tila ba nahihirapan akong huminga kapagka walang nakikita.
“Wag kang matakot, matapang ka diba?” sabi nito saka hinawakan ang kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko dahil para bang narinig ko mula sa kaniya si Devon noong mga bata pa kami.
Minsan kaming nakulong ni Devon sa likuran ng stage noon at labis ang takot ko dahil sa madilim.
Sa mga sandaling iyon ay itong-ito ang sinabi niya sakin nang hawakan niya ang kamay ko.
Habang abala sa pag-iisip ay hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami.
“Andito na tayo,” sabi ni Arkin at kita kong nasa balon na kami kung saan umiigib ng tubig. “Hanggang sa muli nating pagkikita.”
Pagkasabi nito ay mabilis itong tumakbo pabalik sa kung saang lagusan kami dumaan.
Buong kaba kong inayos ang suot ko at nag-igib na ng tubig para walang masabi si Superiora sakin habang pinipilit na isantabi na tinalikuran ako nong Arkin na para bang walang nangyari.
“Aradelle!”
Madali kong ibinaling ang tingin kay Superiora na hahangos-hangos na paakyat sa kinatatayuan ko.
Inintay ko itong makalapit bago sumagot, “Ano ho iyon, Superiora?”
“Saan na ka nanggaling?”
“Po?” maang-maangan kong tanong rito, pilit na tinatago ang kaba.
“Sabi ko, saan ka nanggaling?”
“Andito lang ho ako. Kanina pa po dahil umigib ako ng tubig na ipangpupunas sa sahig,”
Kita ko ang panggagalaiti nito kasabay ng pagtulo ng mga pawis nito.
“Siguraduhin mo lamang dahil pag napatunayan kong gumagawa ka ng kalokohan, mapaparusahan ka!”
Galit ako nitong tinalikuran at halos madapa-dapa na pababa ng burol.
Nakahinga ako ng malalim at minabuti na lamang na lumayo hangga’t-maaari doon sa Arkin nang makabalik ako sa library.
Kinagabihan, kagaya ng mga nakalipas na gabi, naging mahirap para sa akin ang mga nakatulog.
Lalo na ngayon na mas malala ang mga nangyari sa amin nong Arkin.
Dahil hindi makatulog ay minabuti ko na lamang bumangon at maglakad-lakad sa labas.
Wala naman akong gagawing masama, magpapaantok lamang talaga at mag-iisip-isip.
Marahan akong lumabas sa pinto ng kwarto at nakita si Mother Hulya na may bitbit na mga pagkain at tila ba aligagang tumitingin-tingin sa paligid.
Tsk! Iba talaga ang hilig sa pagkain ni Mother Hulya.
Pero nagulat ako na lumagpas ito sa kaniyang kwarto.
Napakunot ang noo ko at mabilis na sumunod dito.
Sinikap kong maging matahimik at ganon na lamang ang gulat ko nang magpunta ito sa bahagi ng dormitoryo na hindi ako pamilyar.
Patuloy akong sumunod at nang buksan nito ang pinto ay nakita ko si Ate.
May mali kay Ate.
“Akala mo talaga ay makakatakas ka, ano?” mapang-insultong sabi ni Mother Hulya saka inabot ang plato kay Ate na daig pang hayop lamang na pinapakain.
Pagkaabot ng plato ay isinara na ulit ni Mother Hulya ang pinto at inilock.
Pagakaalis nito ay mabilis akong tumakbo papunta sa pinto at sinubukang silipin ang Ate ko.
Iyon nga lang ay akma ko pa lamang bubuksan ang pinto ay mabilis akong natigilan at napasinghap.
“Aradelle, mukhang naliligaw ka.”
“S-Superiora,”
“Halika sa opisina!”
Hirap na hirap akong sumunod rito.
Pagdating sa opisina ay hindi kusa ko nang itinaas ang palda ng aking pantulog at yumukod sa isang kawayan na mesa.
“Patawarin sa mga kasalanan,” sambit ni Superiora at hinagupit ako ng pamalo.
Napapapikit ako at tinanggap ang aking parusa.
Nang matapos ang dasal para sa paghingi ng tawad at mahigit labing-pitong hagupit, ay nanginginig kong ibinaba ang aking damit na pantulog.
“Patawad ho,”
“Bumalik ka na sa kwarto mo at bukas, gumising ka ng alas-dos ng umaga,”
“Po? Bakit po?”
“Ikaw ang napiling representative ng ating ekswelahan sa convention,”
“Saan ho ito gaganapin?”
“Hindi mo na kailangan pang malaman. Isang buwan ka doon,”
“Po?”
“May problema ba, Aradelle?”
“W-wala ho.”
Kinabukasan ay maagang akong gumising para maghanda.
Maliit na bag lamang ang dala ko ayon sa utos ni Mother Flora na tinutulungan ako.
“Halika na, Aradelle,”
“Mother Flora, pwede ho bang magpaalam ako kay Ate, kahit saglit lang ho,”
“Pasensiya na Aradelle, masyado pang maaga at kakapusin na ng oras kung hindi pa tayo lalakad,”
“Ganon ho ba,”
“Wag kang mag-alala, ipapaalam naman nina Superiora ang jyong pag-alis,”
Tumango na lamang ako at sumunod kay Mother Flora. Pagsakay namin sa sasakyan ay inabutan ako ng panakip sa mga mata at malugod ko itong tinanggap saka sinuot.
Laking gulat ko na lamang nang sumarado ang pinto ng sasakyan ay may humawak sa kamay ko.
“Hi, Aradelle, si Devon ito. Ako ang makakasama mo.”