Chapter 6

1783 Words
“Ha!” singhap ko bigla nang magising ako na basang-basa ng pawis at matindi ang sakit ng ulo dahil sa inaapoy ako ng lagnat. Buong akala ko ay aayos rin ang pakiramdam ko pag makakatulog ako pero hindi nangyari iyon. “Lori?” “L—Lori?” Makailang ulit pa akong tumawag kay Lori na katabi ko lamang pero tulog mantika ito. Ah! Ang malas ko talaga. Sinubukan kong bumangon sa unang pagkakataon pero sobrang hilo, kinailangan kong bumalik sa pagkakahiga. Sumasabay pa ang walang tigil na pagkalam ng aking sikmura. “Lori?!!” Napatirik na lamang ang mga mata ko sa inis dahil wala talagang paraan para magising itong katabi ko. Kung hindi ko naman pipilitin na bumangon baka nilalanggam na ako kinabukasan. Hindi ako pwedeng magkasakit, walang mag-aalaga kay Ate. Muli ay pinilit kong bumangon at hinang-hinang naglakad palabas ng aming kwarto. Ramdam na ramdam ko ang pag-ikot ng paligid ko. Maski ang paglakad ko ay tila lumilipad ako, hindi ko maramdaman ang niyayapakan ko. Nanlalabo ang mga mata kong pinilit na magtungo muna sa kusina para humanap ng makakain na tinapay saka makainom na tubig. Dahil sa madalas nauutusan rito sa kusina ay alam ko kung saan nagtatago si Mother Hulya ng mga tinapay na alam kong pasikreto rin nitong kinakain pag walang nakakaalam. “Ayon buti na lamang, meron pa,” bulong ko at marahang ipinuslit ang isang mahabang tinapay. Pagtapos na maibsan ang matinding gutom, naglakad na ako ulit palabas, papunta naman sa dispensaryo. Buti na lamang talaga at bukas ito kahit anong oras. Malayo-layo rin ang lakarin papunta sa dispensaryo dahil nasa pagitan ito ng magkabilang dormitoryo. Kayo ganon na lamang ang tagaktak ng pawis ko nang makarating sa dispensaryo. “Tao ho!” tawag ko sa nagbabantay rito. Isang minuto rin ang hinintay ko bago nagdesisyong tumawag muli dahil walang sumagot sa tawag ko. Hilong-hilo na ako sa sakit ng ulo at kung mag-iintay pa ako ng ilan pang minuto ay baka dito na lamang ako maglupasay. “Tao ho, Sister Maria?” ulit ko. Naging close ko na nga itong tao rito dahil iyong mga unang panahon ko noon sa high school dahil labag sa loob ko ang paglipat ko rito ay lagi kong sinasadyang dito magtambay habang nagpapanggap ng may sakit kahit wala naman. At kung may pinakamalaki mang ambag sa pagbabago ng buhay ko ay si Sister Maria iyon. “AH!” reklamo ko at napahawak sa kabilang parte ng ulo ko. Kaya kahit wala pang lumalabas, nagpumilit na akong pumasok kung saan kumukuha ng gamot. Nang makakuha ng gamot ay mabilis akong uminom ng gamot saka hinang-hina na nagtungo sa malapit na higaan. May parang clinic na rin dito sa dispensaryo. Nang makahiga ay pilit kong kinalma ang sarili ko para makatulog. Hanggang sa makaramdam ako ng antok. Hinayaan ko ang sarili ko na makatulog para magaling na ako bukas pero hindi ko inaasahan na magising ako bahagya dahil sa tila may humahaplos sa pisngi ko. Pinilit kong imulat ang mga mata ko kaso bigo naman akong masipat ang paligid dahil sa napakadili. Pinatay na ata ang ilaw. “Sister?” mahinang sabi ko, nagbabakasakaling si Sister Maria ang humahaplos sakin. Pero walang Sister Maria ang sumagot bagkus ay mahinang tawa ng boses lalaki. “Sino ka?” aligaga kong tanong at pilit na bumangon pero hindi ko nagawa nang maramdaman ko ang isang magaspang na kama na humawak sa kanang hita ko. “Wag kang magulo, kahuhupa lamang ng lagnat mo. Wag kang umasta na para bang pagsasamantalahan kita,” Nanlaki ang mga mata ko dahil base sa yabang ng boses nito, maaring ito yong Arkin. “Arkin?” “Alam kong kilala mo ang boses ko, matalino ka,” “Anong ginagawa mo dito?” Saglit itong natahimik at doon ko lamang napagtanto na may bimpo pala ako sa noo. Kinuhat nito ang basang bimpo at rinig kong pinigian ito bago nagsalita, “Hindi ko sinasadya na mabugahan ka ng sigarilyo, bawal nga pala sayo yon. Nagkasakit ka pa.” Mas lalo akong nagulat sa sinabi nito. “Paano mo nalaman yon?” Hindi na naman ito umimik at narinig ko ang paggalaw ng upuan na tila ba tumayo ito. Umalis na rin ang kamay nito sa aking hita. Lumalim ang paghinga ko habang pinapakiramdaman kung napasaan na ito. “Hoy, napasaan ka na?” tawag ko pa ulit. Laking gulat ko na lamang nang dumampi ang malamig na bimpo sa balat ng hita ko at naramdamang pinupunasan ako. “Hoy!” reklamo ko habang nagpupumiglas pero natigilan ako. “Manahimik ka!” sabi nito bigla kaya talagang napatahimik ako dahil damang-dama ko ang init ng hininga nito sa aking mukha. “A-anong ginagawa mo?!” humahangos na tanong ko dahil ramdam ko na nakaibabaw na ito sa akin at marahang itinataas ang kamay na may hawak na basang bimpo sa hita ko. “T—Tumigil ka! B-bawal-” Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang takpan nitong lalaki ang bibig ko at sinimulan akong halikan sa leeg. “HMMM!!!” pilit kong ungot habang nakasabunot sa magkabilang balikat nito, halos mapunit ko na ang suot nitong damit. Ramdam ko ang pagpasok ng kamay nito sa loob ng suot kong pantulog. Tumigil ang basang bimpo sa may tiyan ko at ganon na lamang ang nilalim ng tiyan ko nang maramdaman na lumapat ang magaspang at mainit na palad nito sa balat ng tiyan ko. Ang kaninang agresibong halik ay bumagal na kasabay nang marahang paghaplos nito sa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na tanging naramdaman ko noon kay Devon....noong halikan ko ito noong mga bata pa kami. Hindi ko na napigilang maiyak, habang basang-basa na ng pawis. Tumigil ito sa paghalik at laking gulat ko na lamang na parang sa isang pitik ng segundo ay alam kong mag-isa na ako sa kwarto. Wala na ang sakit ng ulo ko, maging ang lagnat ko ay humupa na. Nanginginig ang katawan kong humakbang patayo ng kama at pinagpasyahang maglakad na pabalik sa kwarto namin. Pero bago tuluyang magtuloy sa kwarto ay nagtungo muna ako sa banyo para umihi dahil sa kakaibang ihiin na nararamdaman ko. Nasa pag-aaral naman talaga na ang mga babae ay normal na nakakaramdam ng kakaibang mga sensasyon sa mga lalaki. Napayukod pa ako at napakapit sa puson dahil sa sakit, hindi ko mapigilang mapatikom ang dalawang binti habang nadarama pa ang malalambot at maiinit na mga labi niyong lalaki na iyon sa leeg ko. Kinabukasan ay natagalan akong nagising. “Hoy, Ara, kilos na at nako, mapapasama ka na kay Superiora. Kahapon pa init na init yon sayo,” banat agad ni Lori sakin. “Ha? Bakit naman?” “Iyong pamangkin raw ni Padre Feruvio...hindi ko lang sigurado ang pangalan, pero pinilit raw nito na pagpahingahin ka. Eh walang palag yong matanda,” hagakgak ni Lori habang nagsusuot ng bra. “Oy, ikaw ha, baka may sinisikreto ka sakin.” “Ano na naman isisikreto ko sayo? Nagsabi ba ako sayo?” “Ouch! Pero ok lang, magsasabi ka rin sakin. Hahaha pero pansin mo ba, lumalaki na ang boobs ko,” sabi nito saka minasahe-masahe pa sa harapan ko. Kaya agad akong napalunok nang maalala ang halos pagdampi ng mga kamay niyong lalaki sa aking dibdib. “Oo, lumalaki na nga. Kaunting puyat pa para mas lumaki na sa sunod na managinip ka ng dilat,” sabat ni Helena kaya halos mapapusngat ako sa pagtawa. Pero agad kong pinigil dahil dumating na si Superiora. Agad kaming humilera at yumukod bilang pagbati. “Magandang umaga. Pagtapos na kumain ay sa library tayo magtutungo ngayon,” Nanlaki ang mga mata ko dahil nasa patakaran iyon na bawal na bawal magpunta sa library. Iyon yong building sa kabilang dulo ng gubat na sobrang niluma na ng panahon. Puno na ng mga baging ang buong building. Duda ko ay baka kung anong hayop na ang mga nanira roon. Ano namang gagawin namin doon? “Alam ko na nasa patakaran na bawal itong puntahan kaya siguro nagtataka kayo kung anong gagawin natin doon ngayon? Wag na kayo mag-isip ng kung ano, maglilinis tayo. May mga bibisita dito kaya baka mga isang linggo tayong magsisilinis. Wag kayong mag-alala, katulong naman natin ang mga kalalakihan kaya hindi kayo mamomroblema sa mga mabibigat na gawain. Sige na, maligo na kayo at magtungo sa hapag!” “Opo, Superiora.” Sabay-sabay naming tugon saka sabay-sabay ring yumuko bilang paggalang. Pag-alis nina Superiora ay halos maglupasay na sa pagtalairit si Lori habang kagat-kagat ang unan dahil baka marinig siya sa labas ng kwarto. Hinila na ako nito para mauna sa banyo at ganon na lamang ang sabik habang naliligo. Pagtapos ay nagtungo na ako sa kusina para mag-igib ng tubig kaso pagpunta ko roon ay nagpapakagalit na si Mother Hulya dahil sa nawawala niyang tinapay. Ang talas talaga niya sa mga tago niyang pagkain. Pero dahil sa gaspang ng ugali niya, malabo niyang maituro kung sino ang gumagawa dahil malamang sa malamang maraming galit sa kaniya rito. Pagtapos na isagawa ang karaniwan naming gawain pagtapos kumain at magdasal, ay nakapila kaming nagtungo sa library. Saglit kaming tumigil sa harapan ng maalikabok pero napakalaking pinto ng library dahil binubuksan pa ng tagalinis namin rito na si Manong Mario. “Aradelle!” Napalingon ako sa humawak sa braso ko at tumama ang tingin kay Ate na labis kong kinagulat ang laki ng eyebags. “Ate, ok ka lang ba?” aligaga kong tanong rito. “Aradelle! Saan ka galing kagabi ha?” Saglit akong natigilan dahil hindi ko alam kung paano sasagutin ang tanong ni Ate. “Ah ano, Ate, sa dispensaryo. Masama ang pakiramdam ko kaya kinailangan kong bumangon para humingin ng gamot,” “Aradelle! Pakiusap, lumayo ka sa mga—” “Aradelle!” Natigilan si Ate sa sinasabi at sabay kaming tumingin kay Mother Flora na papalapit. “Mother, ano po iyon?” tanong ko rito. “Aradelle, maaari bang sumama ka sa pagkuha ng mga gamit pangmlinis sa likurang bahagi ng library? Pinag-uutos ni Superiora.” “Ah sige po. Ate, mamaya na lamang tayo mag-usap ha,” sabi ko na lamang kay Ate pagtapos na yumuko kay Mother Flora saka madaling tumakbo papunta sa likod ng library dahil sa takot na baka mapag-initan pa lalo ni Superiora, sinabihan na ako ni Lori kanina kaya ayaw ko nang palalain. Kaso pagdating sa likod kung saan nakapila ang ilan na kumukuha ng mga gamit, laking gulat ko na lamang na inabutan na ako niyong Arkin ng ilang mga pang-alis ng alikabok at pamunas saka timba. “Oh kinuha na kita!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD