Chapter 13

1736 Words

Pagdating namin sa pinakaibaba, matindi ang antisipasyon na nararamdaman ko habang binubuhay ni Arkin ang mga lampara na nakadikit sa mga pader. Isa-isa nitong sinindihan ang mga lampara kaya mas lalo nang nakakakaba ang mga nag-iintay na kaalaman tungkol kay Padre Feruvio na malalaman ko. “Ano, pwede na bang magsimula?” tensyonadong tanong ko kay Arkin. Hindi naman ito sumagot, imbes ay sinarado ang pinto ng pinasukan naming silid. Dire-diretso itong naglakad palapit sakin pagkatapos at kitang-kita ko ang tensiyon sa mga mata nito. “A-anong ginagawa mo?” kabadong tanong ko rito habang panay ang hakbang paatras. Nilingon ko ang paligid at hinanap ang lagusan na minsan naming dinaanan para makatakas kung sakali mang nilamon na si Arkin ng dugo ng Feruvio. “Tumigil ka, Arkin! Ano, mag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD