Ala una na natapos maglaba si Lenna at Tonet. Pagkatapos kumain ng late-lunch ay nagtungo sa bayan si Lenna para sa group poject nila ng mga kaklase. Alas kwatro nang magyaya pa ang kaklaseng si Carlo sa kanya na kumain pa sa labas. "Hindi ako puwede, alam mo namang istrikto ang amo ko ngayon." "Kalahating oras lang naman hindi tayo gagabihin. Ihahatid na lang kita para mas mabilis kang makauwi." Isa si Carlo sa malalapit niyang kaibigan sa university. Nanligaw ito sa kanya noong first year college pero nauwi sila sa pagiging magkaibigan. Isa man si Carlo sa nagpakita ng interes sa kanya ay wala itong halong malisya kaya palagay ang loob niya dito. "O sige, libre mo 'ko ng halo-halo." "Halo-halo lang pala, come with me, baby." Isang tawa ang pinakawalan niya saka sumakay sa n

