Nadismaya si Dash nang pagbaba niya sa komedor ay ibang katulong ang nasa kusina. Kung wala ang Mama niya ay ipapatawag niya si Lenna dahil gusto niyang titigan ang mukha nito. Hindi lang mukha kung tutuusin. Dahil madalas ay napapatingin siya malusog nitong dibdib at bilugang pang-upo. Tiyak niyang maraming kalalakihan ang nanliligaw dito na gusto niyang alamin. Hindi pa niya natatanong kung ilang taon na ito, pero dahil nag-aaral ito'y baka nasa bente o bente uno pa lang. Ten years younger than him and way out of his league. Wala siyang natatandaang nagkagusto siya at nakipag-date siya sa Amerika sa babaeng malaki ang agwat ng edad sa kanya. He prefers mature women - more independent and liberated. Kapag bata pa ay malamang batang isip din. But Lenna was something. Kaninang nakatitig i

