bc

The Doctor's Wife

book_age18+
65.7K
FOLLOW
413.7K
READ
contract marriage
love after marriage
age gap
arranged marriage
doctor
sweet
bxg
small town
childhood crush
passionate
like
intro-logo
Blurb

Dr. Dylan Santillan: 28 years old. A well-known doctor at the Saavedra Santillan Hospital in the town of San Sebastian. He is a kind brother and an obedient son. To get his inheritance from his late grandfather, he has to marry Hannah Flores, the daughter of his grandfather's maid in the Villa. Unfortunately he was already married to Hannah, whom he paid to leave the country silently. Four years later, his beautiful wife came back to ask for a divorce. Will he even release the wife, who is now a successful nurse?

Hannah Flores: 18 years old. Secretly in love with the grandson of her mother's boss, Dr. Dylan Santillan. At the age of 18, she agreed to marry Dr. Dylan Santillan because she loves him but after the wedding, her secretly beloved husband wanted her to leave the country. She accepted the money from her husband and left the country with a broken heart.

Four years later, she returned to ask a annulment. Things get complicated when her husband refuses to let her go and wishes to present her to his family as his wife.

chap-preview
Free preview
Doctor-1
“Teka nga, Hannah, saan ka ba pupunta at bihis na bihis ka?” tanong ng nanay niya nang lumabas siya ng silid na naka-bistida. Bihira kasi siyang mag-ayos at magsuot ng bistida, kaya nagulat ang nanay niya kung bakit bihis na bihis siya ngayon. “Wala lang po. Bagong bili ko lang po kasi ito sa palengke kaya sinuot ko na,” sagot niya habang sinusuklay ang tuwid niyang mahabang buhok na itim. “Huwag mo na nga akong bolahin. Alam ko namang nag-aayos ka lang kapag pupunta si Dr. Dylan dito sa Villa,” sabi ng ina, sabay kurot sa bewang niya. “Aray, Nay!” hiyaw niya. “Nay naman,” simangot niya sa ina. “Anak, nanay mo ako, kaya kabisado ko na mga kilos mo. Gusto mong mapansin ni Dr. Dylan, ano?” sabi ng ina at pinakatitigan pa siya. Nahiya siyang tumingin sa ina. Nahahalata pala ng nanay niya ang pagpa-pacute niya kay Dr. Dylan tuwing pupunta ang gwapong doktor sa Villa para dalawin si Don Victor. Nakatira silang mag-ina sa malaking Villa ni Don Victor, ang lolo ni Dr. Dylan. Kasambahay ng Don ang nanay niya. Siya mismo ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan nito. Sampung taong gulang pa lang siya nang magsimulang magtrabaho ang ina sa Villa. Hindi sila taga-San Miguel. Napadpad lang silang mag-ina doon para maghanap ng trabaho ang nanay niya. Swerte namang nakapasok bilang kasambahay ang nanay niya sa Villa ni Don Victor. Kaya doon na rin sila nanirahan. Si Don Victor na rin ang nagpa-aral sa kanya, mula elementarya hanggang kolehiyo. Tinuring silang kapamilya ng mayamang Don. Sa San Miguel University pa siya pinaaral, ang pinakamalaking eskwelahan sa bayan nila. Nursing student siya at 2nd year college na. Isa sa mga pangarap niya ay makapagtrabaho sa Santillan-Saavedra Hospital sa karatig-bayan ng San Sebastian. Doon kasi nagtatrabaho si Dr. Dylan bilang isang magaling na doktor. Isa pa, may malaking share ang pamilya Santillan sa pinakamalaking ospital sa San Sebastian. Iyon ang madalas niyang marinig kay Don Victor. Magkasosyo yata ang mga Santillan at Saavedra sa ospital, kaya iyon na rin ang ipinangalan dito. Dalawang linggo na mula nang pumanaw ang Don dahil sa katandaan. Tuluyan na kasing nanghina ito at nang hindi na makabangon sa kama, hindi rin nagtagal at pumanaw na. Ilang linggo na rin niyang hindi nakikita si Dr. Dylan. Mula nang mailibing ang lolo nito, hindi na ito nagpunta sa Villa. Pero kagabi, tumawag si Dr. Dylan sa nanay niya at sinabing pupunta ito ngayong araw sa Villa. Gusto rin daw nitong kausapin ang nanay niya. Kaya nag-ayos siya. Makikita niya na ulit ang gwapong doktor maya-maya lang. Excited na siyang masilayan si Dr. Dylan. Mula nang magdalaga siya, lihim na niya itong nagugustuhan. Bukod sa gwapo, napakatalino pa nito. Biruin mo, 28 years old pa lang pero may napatunayan na sa medisina. Isa pa, wala namang masama kung magka-crush siya sa apo ng amo ng nanay niya. Crush lang naman. Hindi siya umaasa, dahil alam niyang wala siyang pag-asa sa isang tulad ni Dr. Dylan. Gwapo, mayaman, matalino, magalang, at mabait. Hanggang tingin at pantasya lang siya. Lalo na’t halos sampung taon ang agwat nila. 18 na siya, 28 naman si Doc. At syempre, malayo rin ang agwat nila sa buhay. Malayong-malayo sa kanya ang batang doktor. Kaya hanggang tingin at lihim na paghanga lang siya. “Anak, ayos lang naman na magka-crush ka kay Dr. Dylan. Hanggang doon lang naman ‘yon, ‘di ba? Alam mo naman siguro kung sino si Dr. Dylan at kung sino tayo sa pamilyang ito,” sabi ng nanay niya. Nakaramdam siya ng bahagyang lungkot sa sinabi ng ina. “Alam ko po ‘yon, Nay,” sagot niya at pilit na ngumiti, kahit kumirot ang dibdib niya. Malinaw naman na wala siyang pag-asa kay Dr. Dylan. Kahit ang sarili niyang ina, alam ‘yon. Kaya hindi siya umaasa. Masaya na siya kung masulyapan lang siya ni Doc. At kung suswertehin, ngitian pa siya nito. “Tara na, samahan mo ako. Tulungan natin si Manang Luring maghanda para kay Dr. Dylan,” yaya ng nanay niya. “Sige po,” sagot niya. Lumabas na silang mag-ina ng duplex sa likod ng malaking bahay sa Villa. Lahat ng stay-in na tauhan sa Villa ay doon nakatira. Libre lahat, pati pagkain, bukod pa sa sweldo ng Don noong nabubuhay pa ito. Kaya napakaswerte nila. Sobrang bait ng Don, at pamilya ang turing nito sa lahat ng tauhan. Pagdating sa malaking bahay, agad silang tumulong para maihain ang pagkain sa malaking mesa sa komedor. Kasama daw kasi ni Dr. Dylan ang abogado ni Don Victor. Baka tungkol sa Villa ang pag-uusapan nila. Sa pagkakaalam niya, si Dr. Dylan ang magmamana ng Villa at lahat ng iniwan ng Don. Siya lang naman ang nag-iisang apo nitong lalaki. Alas-onse na nang makarinig siya ng ugong ng kotse sa labas. Pasimple siyang lumabas ng komedor para silipin ang pagdating ni Dr. Dylan. Tumakbo pa siya sa sala at susilip na sana sa bintana nang bigla siyang madulas. Napatili siya nang malakas siyang bumagsak sa malamig na tiles. “Aray ko,” daing niya, naiiyak habang nakaupo pa rin sa sahig at hawak ang paa at balakang na nasaktan. “Aray naman. Bakit ngayon pa,” bulong niya. “Yeah, nandito na ako. Hintayin na lang kita,” narinig niyang boses ni Dr. Dylan na papasok na ng bahay. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya makakilos, hindi rin makatayo sa sakit. Ano na gagawin niya? Makikita siya ng Doc na nakaupo sa sahig. Nakakahiya. “Hey, what happened?” tanong ni Dr. Dylan nang makita siyang nakaupo sa sahig at namimilipit sa sakit. “Are you okay?” sunod nitong tanong habang titig na titig siya sa gwapong doktor at hindi makapagsalita. “Ah... eh...” hindi niya alam ang isasagot. Akmang tatayo siya nang biglang sumakit ang paa niya. Napatili siya. Agad na lumapit sa kanya si Dr. Dylan. “Na-sprain ka ba?” tanong nito. Nagulat siya nang hawakan nito ang paa niya. Nanlaki ang mata niyang napatitig sa doktor na walang arte-arte sa paghawak dito. Buti na lang at malinis ang paa niya. Naglinis din siya ng kuko kanina, kaya okay lang. “Huwag na po, Sir... a... ayos lang po ako,” sabi niya kahit kumakabog ang dibdib at nanginginig ang buong katawan habang nakatingin dito. Nakayuko naman ito habang ini-examine ang paa niya, kaya nakakuha siya ng pagkakataong matitigan ito. Ngayon pa lang siya nakalapit nang ganito kay Dr. Dylan. Naamoy niya ang mamahaling pabango nito. Mas gwapo pala ito sa malapitan. Matangos ang ilong at makinis ang mukha, parang alagang derma. Doktor naman kasi ito, kaya siguradong malinis. Hindi niya mapigilan ang pagkabog ng dibdib niya. Kahit sa malayo lang niya tinitingnan si Dr. Dylan, kinikilig na siya. Paano pa kaya ngayon na ang gwapo nito at mabango pa. “Come here, I’ll carry you,” sabi nito na kinagulat niya. At bago pa siya makatanggi, binuhat na siya nito. “Aaah... eeh,” nautal siya sa gulat habang buhat siya nito nang pa-bridal style. Hindi niya alam kung hahawak ba o yayakap dahil sa gulat. Lumapit ito sa malaking sofa sa sala, buhat-buhat siya na parang wala siyang bigat. Napakapit na lang siya sa batok nito, sa takot na baka malaglag. At syempre, sayang din naman ang pagkakataon na makayakap kay Dr. Dylan. Hindi niya maiwasang titigan ang gwapo nitong mukha. Dati pangarap lang niyang makita ito nang malapitan, pero hindi ganito kalapit. Halos sasabog na ang dibdib niya sa kaba at excitement. Kahibla na lang ang layo ng mga labi nila. Sana lang hindi marinig ni Doc ang t***k ng puso niya. Nakakahiya. Baka mahalata nitong pinapantasyahan niya ito. Iniupo siya nito sa malaking sofa. Agad niyang inayos ang bistidang bahagyang tumaas. Naka-panty lang kasi siya at baka makita pa ni Dr. Dylan. Bulaklakin pa naman ang panty niya. Mura lang ‘yon, nakakahiya. “Ano bang nangyari? Nadulas ka ba?” tanong nito. Napasinghap siya nang hawakan nito ang paa niya at inikot-ikot para ma-check kung na-sprain. “O... o... po,” nanginginig na sagot niya habang nakatingin sa ginagawa nito. Wala talaga itong arte sa paghawak sa paa niya. “Masakit pa ba?” tanong nito at tumingin sa kanya. Nagtagpo ang mga mata nila. Ito ang unang beses na nagkatitigan sila ni Dr. Dylan. Ang ganda ng mga mata nito. Napalunok siya habang tinititigan siya nito. Lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib niya sa titig nito. Para bang ngayon lang siya nito nakita, at sinisiyasat siya nang mabuti. “Are you Hannah Flores?” tanong nito. “Ako nga po, Dr. Dylan.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.6K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.2K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook