Chapter 16

1637 Words
CHAPTER 16 Nakatulala ako habang nakatingin don sa damit na hindi ko alam kung matatawag na damit na inaabot sakin ni ate Wynter. Parang kahit tinitignan lang nakakaeskandalo na.   There's no way in hell that I would wear that..that..thing. "Dali na sayo na to. Regalo to sakin saka hindi ko pa nagagamit. Kasya sayo to."   "Hindi kasya sakin yan. Ang taba ko kaya."   "Sino namang may sabi? Babarilin ko yon. Naiinggit nga kami ni Sophie sa katawan mo tapos sasabihan kang mataba? Haler?"   "Ako may sabi."   "Babarilin na lang kita- Well nevermind. Baka mapatay pa ako ni kuya. Loves na loves ka pa naman non."   "Loves ka diyan."   "Bulag."   Inirapan ko siya at kinuha ko ang damit na hindi damit. Pumasok ako sa bathroom ng kwarto namin ni Wynd at tinitigan ulit ang damit na hindi damit.   May barbie-q party s***h pool party na naman kasi ang mga BHO agents. Nag ce-celebrate kami ng Poseidon's Day. Hindi ko din alam kung bakit basta bigla na lang niyang idiniclare kahapon. Kaya eto may party.   Binigyan ako ng swimsuit ni Wynter. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan pang mag swimsuit. Pwede namang shirt lang at short. Bumuntong hininga na lang ako at sinuot ko na ang swimsuit na binigay sakin. Hindi ko na tinignan yung repleksyon ko at pinatungan ko na agad ng t-shirt at short.   Lumabas ako at sinimangutan ako ni Wynter ng makita ang ayos ko. Nilagpasan ko na lang siya. Lumabas ako at naglakad papunta sa parking. Nandoon na ang mga agents na kanina pa excited ng umalis. Pupunta kami ng island cove.   Boring daw dito sa BHO. Para daw maiba naman pumunta na lang daw kami sa island cove. Dapat daw special ang Poseidon's day. Naabutan ko ang mga elite agents na inaayos na ang mga gamit nila. Si Ice at Wynd naman may suot pang salbabida at naka bulaklaking t-shirt at shorts pa. Baliw talaga.   May hawak pa silang dalawa na sagwan na hindi ko alam kung saan nila gagamitin. Siguro balak nilang mag boating. Lumapit na ako kaila Wynd at nginitian naman niya ako ng mapatingin siya sakin.   "Gusto mo din ng salbabida? Gagawan ka namin-"   "No thanks."   Nagpout siya. Napailing na lang ako at kumuha ako ng piatos na nakita ko sa isang bag sa kotse. Pumasok na ako sa passenger seat at nagsimula na akong kumain.   Maya-maya pumasok narin si Wynd sa driver side. Sa backseat naman sumakay si Summer at si Ice na nakakapagtakang hindi kinukulit si Summer. Sumusulyap-sulyap lang siya pero hindi niya kinakausap si Summer.   Napatingin ako kay Wynd ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti lang siya sakin. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero pinigilan niya lang ako.   Nagkibit-balikat ako at hinayaan ko na lang siya. Pagkaraan ay binitiwan narin niya ang kamay ko at ipinatong sa hita niya. Bahagyang pinisil niya ang kamay ko na parang sinasabi na wag kong tatanggalin ang kamay ko.   Pinabayaan ko na lang yung kamay ko sa hita niya. Kapag tumitigil kami sa stop light hinahawakan niya ulit iyon at bumibitaw lang kapag kailangan na. Tumingin na lang ako sa labas ng kotse. Medyo malayo pa ang biyahe namin. Inaantok na din ako dahil sobrang tahimik.   Ang dalawang tao naman sa likod namin parehong hindi umiimik. Nakakapanibago. Lagi kasing nag-aaway yan.   Hindi ko alam na nakatulog na pala ako. Nagising ako bigla ng may maramdaman akong humahalik sa pisngi ko. Namulatan ko si Wynd na nakangiti sakin. "Nandito na tayo."   Bumaba na kami at namataan ko ang mga original elites at mga elite agents na excited na pumapasok. Sumunod na kami ni Wynd sa kanila. Hindi naman daw kami mag iistay dito at baka madaling araw na kami umuwi. Pumunta kami sa mga ni-rent namin na mga cottages at inayos namin ang mga gamit namin.   Pagkatapos ay excited na nagtakbuhan na sila palabas. Nangunguna ang mga original elites. Pagkatapos ay tumakbo narin si Wynd at Ice na suot ang salbabida nila.   Naiwan kami ni Kuya Rain at ni Summer na napapailing na lang na nakatingin sa mga 'bata' na kasama namin. Speaking of bata siguro nagtataka kayo kung bakit wala ang mga anak ng mga to.   Actually mga elites at original elites lang ang bakasyon ngayon. Masyado kang stressful ang mga naging trabaho namin. Kaya ang mga baby kasalukuyang binabantayan ng mga agents. Hindi naman nag-aalala sila ate hurricane, ate wynter at sophie dahil alam naman nilang walang mangyayari sa mga babies nila. Mas kawawa pa nga ang mga tagabantay nila.   Sumunod na kami nila summer. Pumunta kami sa pool area at naabutan namin silang lahat na mga nagsisilangoy na. Napailing ako ng makita kong naka bikini talaga ang mga babae. Two piece.   Nilingon ko si Summer ng magtanggal siya ng damit. Once piece lang pero ang sexy ng tabas. Walang takip ang mga bewang niya. Which is weird. Gagawa na nga lang ng swimsuit hindi pa buo.   Napapitlag ako ng biglang may pumito. Sumenyas ang life guard na hindi naiintindihan pero nababasa ko ang mga salita sa labi niya kahit hindi ko siya masyadong rinig. Hindi daw pwede ang suot ko. Nakasimangot na umupo ako sa gutter ng pool. Hindi na lang ako lalangoy.   Napatingin ako sa pool ng lumangoy palapit sakin ang nakasalbabida na si Wynd at sumiksik siya sa pagitan ng mga hita ko. Then he smiled at me.   "Want me to talk to the management. Wala silang magagawa kung hindi ka komportable sa swimsuit.'   "I'm fine. Mamaya naman aalis narin yang guard at hindi na niya ako makikita kapag bigla akong lumusong sa tubig kahit hindi ako nakaswimsuit. Sino ba naman kasi ang nagpauso non?"   Tumawa lang siya at sumandal sa hita ko habang nakatingin parin sakin. Bakit ba ang ganda ng mata ni Wynd?   Umupo muna ako sa isang lounger at pinanood ko sila. Nilabas ko na lang ang cellphone ko at naglaro. Mamaya na ako magsu-swimming kapag wala na ang striktong gwardiya na mukhang mabait lang sa mga babaeng nakaswimsuit. Masama na ang pgkakatingin ng mga BHO boys sa life guard na kung akala mo kung sino na makatitig sa mga babaeng agents.   Kumunot ang noo ko ng makita kong may mga babae na lumapit kaila Wynd at Ice. Si Ice nakangiting lumayo agad at lumapit kay SUmmer. For the first time sa araw na ito ay kinausap niya si Summer. Mukang naiilang siya don sa mgababae o baka natatakot siya sa reaksiyon ni summer.   Si Wynd naman hindi makaalis agad. Nag pokus ako sa mga labi nila at binasa ang sinasabi nila. Yep, I can lip read.   Nakangiti si wynd pero halatang mong naiilang siya. I saw him said to them na may asawa na siya at itinuro ako. Tinignan lang nila ako at nang-iinsulto na nagkatinginan sila ng mga kasama niya.   Oo ang sexy nga nila sa suot nila. Pero mukha namang peke ang mga dapat ipeke sa mukha at katawan nila. Ayoko silang patulan pero hindi ko mapigilan ang uminit ang ulo lalo na at pinalibutan na nila si Wynd.   Dali-dali akong kumuha ng suklay at sinuklay ko ang natural ng magulo kong buhok. Nang umayos na iyon ay huminga ako ng malalim at tinanggal ko ang suot kong damit. Hindi na sila nakatingin sakin pero kinakabahan ako. I can do this. Baka marape pa ng wala sa oras si Wynd ng mga babaeng hayok na ngayon ay kulang na lang ay dumikit kay wynd. Nang matanggal ko ang damit na pinagpatong ko ay naglakad na ako papunta sa kanila.   Hindi ko na pinansin ang mga napapatingin sakin. Oo alam ko, nakakahiya ang suot ko. Kahit one piece siya sobrang baba ng neckline na halos umabot na sa tummy ko ang hiwa. Sa likod naman non halos wala ng tinakpan.   Tumingin ako kay wynd. Parang malalaglag na ang mga mata niya sa pagkakatingin sakin habang ang mga babae sa tabi niya ay sinundan ang tinitignan niya at natulala din. I cleared my throat ng makalapit ako sa kanila.   "Pwede bang makuha muna ang 'asawa' ko?"   Bago pa makasagot ang mga babae, bumaba na ako sa tubig at hinila ko si Wynd na tahimik at tulala paring nakatingin sakin. Binigyan ko ng matalim na tingin ang guard na parang wala sa sarili na hinipan ang whistle niya.   "Autumn."   "Hmm?"   "Ano yang suot mo?"   "Swimsuit."  Nakasimangot na tumingin siya sakin. Tapos tinignan niya ang suot ko at nakita kong napalunok siya. Ipinilig niya ang ulo niya na parang pinipilit niyang panormalin ang utak niya. Hindi ko na napigilan at napatawa na ako, ang cute niya. "You look funny." "Sinong may bigay sayo niyan?" "Kapatid mo, I should thank her. Priceless ang itsura mo kanina, pati na ng mga babaeng linta na unti-unti ng kumakapit sa iyo kanina." "Lagot sakin si Wynter mamaya" "Lagot ka naman kay Kuya Rain kapag inapi mo si Wynter, besides this outfit have it's advantages." "And what's that?" nakangiting idinikit ko ang katawan ko sa kaniya at narinig kong napasinghap siya ng maramdaman niya ang katawan ko sa katawan niya. Kinuha ko yung kamay niya at inilagay ko sa bewang ko. "You're right." Sabi ni Wynd. "I am?" "Ahuh." ako naman ang napasinghap ng maramdaman kong gumagapang ang mga kamay niya pataas at pababa ulit. Napakagat labi ako sa ginagawa niya. Naghiwalay lang kami ng biglang may sabay-sabay na sumipol. Agents. Namula ang mukha ko ng makita kong napapailing na nakatingin sakin ang parents ko pati na ang parents ni Wynd. Parang amuse na amuse sila samin. "Iba na tala ang nasa honeymoon stage." Sabi ni ate Wynter. "Bakit kayo ni Kuya nasa honeymoon stage pa kayo?" tanong ni ate Hurricane. Ngumisi lang si Wynter. Wala ding kasawaan yang dalawang yan eh. Yun nga lang hindi sila nahuhuli katulad ng nahuhuli kami ni Rain. Bigla-bigla naman kasing sumusulpot eh. "Istorbo kayo." Sabi ni Wynd sa kanila. Ngumiti silang lahat at nag-peace sign. Umahon na kami ni Wynd at bigla siyang tumakbo paalis at bumalik din na may dalang towel at ipinulupot sakin habang tumitingin sa paligid. Parang handa siya na barilin ang makikita niyang nakatingin sakin. "Paranoid." asar ko sa kanya. "Yeah, especially when it comes to you." "And what's the difference?" "You're mine." napalunok ako sa intensidad na narinig ko sa boses niya. He said it, not as an answer to my question. The way he said, it’s like he's declaring it. I wonder when this fake set-up would be real.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD