CHAPTER 15
Nagising ako ng maramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko. Kung sabagay hindi na kami nakakain ni Wynd dahil nakatulog kami. Nagmulat ako ng mata at nilingon ko ang katabi ko.Tulog na tulog.
Ikaw ba naman ang mag acrobatics sa motor tignan ko lang kung hindi ka magutom. Bahagya akong nag-angat ng ulo at tumingin sa orasan na nasa side table.
Tumingin ako kay wynd na parang peaceful na peaceful sa pagkakatulog niya. Narinig niya kaya ang sinabi ko? Sana hindi pa...o sana narinig niya. Hindi ko din alam kung anong gusto ko. Gusto ko ba na narinig niya? O gusto ko na hindi niya narinig na sinabi ko na mahal ko siya.
Falling in love with wynd is not hard like i thought it would be. Ang naghirap lang ay ang pag move on sa nararamdaman ko para kay Reese. Ayoko namang sabihin ang mga sinasabi ng mga taong naka move on na. Na wala na ang lahat sa nakaraan nila dahil may panibago na silang minamahal.
That's what they always say. Pero ako alam ko na totoo ang pagmamahal ko kay Reese. It's not infatuation...it's not puppy love. I know I loved him. Hindi masasabi na ginawa kong rebound si wynd. Kasi in the first place I don't want to fall for him. Pero sino nga bang makakapigil sa love?Wwala naman diba?
"You're staring at me, sweetie."
Napapitlag ako ng biglang magsalita si Wynd. Nakangiting nagmulat siya ng mga mata. I can't help but stare at him. Parang wala siyang problema sa mundo.
"So?"
"*Mataray ka parin kahit sinabi mo kanina-"
Namutla ako. Narinig niya nga. Napansin ko na bahagya siyang natigilan at tinitigan ako ng mabuti. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa pisngi niya. Ngumiti siya sa akin.
"I wont rush you, okay? Let's not talk about it."
Hindi ko alam kung bakit pero parang mas natatakot ako ngayon sa magiging reaction ni Wynd kesa kay Reese noon. Nagagawa ko pang humarap kay Reese after kong nalaman na alam niya. Pero kay Wynd hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nalaman ko na hindi niya ako kayang mahalin o... hindi pa niya ako mahal. Hindi ba pwedeng intayin ko muna na mahalin niya ako bago namin pag-usapan yon?
Oo alam ko. Duwag ako.
Sino bang hindi? Sino bang tao ang hindi natakot kapag nagmamahal sila? Minsan kasi ang daling sabihin para satin na gawin to, gawin yan. Samantalng wala naman tayo sa posisyon nila.
Hindi natin malalaman kung anong nararamdaman nila hanggat hindi natin nararanasan. Kaya wala tayong karapata nahusgahan ang nararamdaman nila.
Lagi kong iniisip noon. Habang nakikita ko sila ate wynter, rain, ate hurricane, reese, sophie at warren hindi ko maiwasan na hindi isipin na ang tanga nila. Pinapahirap pa nila pero pwede naman nilang pag-usapan ang problema. Katulad ng nangyari kaila reese noon.
Kung nag-usap sana sila ng maaga ni ate hurricane sana wala silang problema, kung sana inamin nila agad yung nararamdaman nila kesa puro action na lang. Pero ngayon nalaman ko na mahirap pala.
Mahirap na aminin agad-agad ang nararamdaman ng isang tao kasi ang daming what ifs. Ang daming risk. Ang daming fears. Kung ang isang tao hindi natatakot sa kahihinatnan ng magiging relasyon niya, then that person doesn't deserve to be in a relationship.
"Kain na tayo?" tanong ni Wynd sa akin.
"Yes. I'm starving."
"I know. Kaso maghahapon na kaya break s***h lunch ang kakainin natin."
"I wonder who's fault is that."
Tumawa lang siya. Tumayo ako at nagbihis since nakatulog na kami na walang damit. Nang matapos ako ay nilingon ko siya, tapos narin siyang mag bihis at nakatingin na lang siya sakin.
"I really want to eat wynd. Real food."
"I know, I know."
Lumabas na kami at naglakad papunta sa dining hall. Pagpasok namin doon nilibot ko ang paningin ko pero wala ang mga elite agents maliban kay summer at ice. May tinuturo si summer kay ice at binabatukan niya pa.
Bumili muna kami ng pagkain bago kami lumapit don sa dalawa. Sub sandwich ang kinuha ako since iyon ata ang specialty for today. Ganon din si wynd.
"Nasan sila?" tanong ko.
"Kayo bakit kayo nandito? Kanina pa namamaos si kuya rain sa kakaannounce para tawagin kayo."
"Bakit daw?"
Nagkibit-balikat si Summer. "Ewan, kayo lang pinapatawag eh. Pati nga si kuya warren pinatawag which is weird."
"Oo nga Boss yun eh-"
"AUTUMN GREENE AND WYND PARIS ROQAS GO NOW TO THE CONFERENCE ROOM. ALAM KONG NANDIYAN NA KAYO SA DINING HALL. HINDI NAMNA NAMIN MABUKSAN ANG KWARTO NIYO DAHIL BAKA KUNG ANO PANG MAKITA NAMIN."
Si kuya Rain. Baliw talaga. Dinala na lang namin ni Wynd ang pagkain papunta sa conference room na nasa loob ng office ni warren. Actually nagpapagawa na ng extension don. Para hindi na namin kailangan dumaan sa office.
Nang makapasok kami ay tumuloy kami sa pinto papasok ng conference room. Naabutan namin si Kuya Rain na nakaupo sa pinakahead na upuan habang katabi niya si wynter na humila lang ng upuan. Magkakatabi ang mga mag-aasawa. Bakit kaya?
Umupo narin kami ni Wynd. "Bakit? Anong meron?"
"Sa wakas nandito narin kayo. Pinatawag ko kayo dahil nililista ko ang mga pinaggagagawa ninyo."
Nagtatakang tinginan ko ang mga agents. Pati si kuya warren mukhang guilty din. Ano naman kaya ang ginawa namin at parang strict na teacher kung makapanermon si kuya rain? Tinignan ko si wynd. Mukhang clueless din siya.
"Nandito kayo dahil sa mga PDA session niyo, scatch that..nandito kayo dahil sa inappropriate actions niyo. Hurricane and Reese pinagbigyan ko kay sa elevator noon. Kaso inulit niyo sa elevator dito sa BHO. Warren and Sophie dati narinig ko narin kayo kasi hindi niyo tinanggal ang listening device niyo. Ang malala kahapon ginawa niyo sa pool area at nakita namin kayo ni Wynter. Autumn and wynd last timemnarinig ko din kayo at kanina nakalimutan niyo ata na project niyo ang motor at papatayin ko pa lang ang mic non. Yes wala na ang screen pero rinig na rinig parin namin kayo ni wynter."
"WOW!"
Lahat kami napatingin sa pinto ng sunod-sunod na nagbagsakan ang mga tao na nandoon. Mga original elites. I'll bet my motorbike na hindi namin nasarado ni Wynd ang pinto kaya nakapasok yang mga yan.
"Ang kulit mo poseidon ayan tuloy!" saway dito ng asawa nito.
Nagkamot lang si tito poseidon. Huli. Nagtanungan na sila about sa kung anong nangyari. Hindi ko sila sinagot at napapailing na lang ako sa kanila. May dala-dala pang malaking chart si tito poseidon at binago niya yung mga pagkasunod-sunod ng mga names. Nasa taas kami.
"Ano po yan?" tanong ko.
"Ranking ng mga pinaka adventorous na making love."
Namula ang mukha ko. Kailangan talaga ranking? Tinignan ko ang mga nakasulat sa chart at nanlaki ang mata ko ng makita ko kung saan nila ginawa ang iba.
Napakagat ako don sa sandwich na hawak ko. Ganon din si wynd. Pareho naming binabasa ang mga nakasulat sa chart. Pati kaila tita mishy nakita namin. Sila pala ang defending champion hanggang sa natalo sila ng HUREESE. ay couple name pa talaga.
WYNTUMN = Wynd and Autumn
HURREESE = Hurricane and Reese
SOREN = Sophie and Warren
WYNRAIN = Wynter and Rain
MISHALE= Mishu and Dale
BREIDON = Breeyhana and Poseidon
KATRIS = Katerina and Paris
MARTHAN = Maries and Ethan
SUMICE = Summer and Ice
Napakunot ang noo ko ng makita ko sila Ice at Summer don. May dalawang possibility. Una, kaya sila nasa dulo dahil wala pa silang score. Or...may hindi kami alam.
"Wag niyo ng alamin dahil hindi pa sila ready magsalita." nakapeace sign na sabi ni tito Poseidon.
"Pano niyo po nalaman?" tanong ko.
"Accidentally, narinig namin silang nag-uusap."
Hindi na ako nagtanong. Mukang may nangyari na don sa dalawa na walang ibang nakakaalam. Pero ngayon alam na namin pero syempre hindi naman kami magsasalita.
Nilingon ko si wynd. Mukhang may alam siya. Hindi kami pwedeng magtanong kay summer at ice of course. May dahilan kung bakit nila itinago.
"Kakain muna kami." sabi ni Wynd.
"Anong klaseng kain naman yan?"
Inirapan ko lang si kuya Rain. Hinila ko na si Wynd palabas. Nang makarating kami sa labas umakyat kami papunta sa rooftop. Doon tahimik at walang panggulo-
"Bakit ba ang kulit mo?! Hindi porke magkasama tayo sa pesteng project na to pwede mo na akong sundan ng sundan!"
Summer? Sumilip kami ni Wynd.
"Summer baby-"
"Stop calling me baby, Ice! You played me and you hurt me! Leave me alone!"
"I don't want to let you go."
"Let me go? Youu already did before right? You treated me like thrash Ice. Karapatan ko naman siguro na layuan ka."
"I'm young-"
"That's the most pathetic reason I ever heard."
Dali-dali kaming tumakbo ni Wynd paalis. Hindi kami tumigil hanggang makarating kami sa garden. Lumapit kami sa maliit na kubo na nandoon at pumasok. Pareho kaming hinihingal.
"Buti hindi tayo nahuli." sabi ko.
"Oo nga."
Uminom ako ng tubig pagkatapos ay sumandal ako sa kubo. Nilingon ko si Wynd na umayos na ang paghinga. Mukang okay na siya.
"Alam mo ba?"
Tumingin siya sakin pagkatapos ay bumuntong hininga. "Yup. Sinabi sakin ni Ice dati. Kilala mo naman si Ice babaero talaga yon. He's too young and he had a raging libido. Hindi ko sinasabing tama ang ginawa niya kay summer pero alam ko naman na nagsisisi na siya sa mga ginawa niya."
"Hindi ko talaga maintindihan kayong mga lalake."
"Sweetie, kami din nahihirapan umintindi sa mga babae."
Nagkibit balikat ako. Amanos lang. Nagsimula na kaming kumain. Obvious na obvious naman na gutom na kami. Hindi kami nagpapansinan noong una at focus na focus kami sa kinakain namin. Nagkatinginan kami at napatawa.
"Pinagod mo ako eh." sabi ko.
"Guilty as charge."
Namula ang mukha ko ng tinitigan niya ako. That look, it's like he's telling me that he want to devour me. "Wynd. I'm tired."
"I know sweetie. I just want to look at you."
Napatitig ako sa kaniya ng bigla siyang tumayo at lumapit sakin. Napangiti ako ng pinulupot niya sakin ang mga braso niya at sumubsob sa leeg ko. Napahagikhik ako ng pinaghahalikan niya ako sa leeg papunta sa batok ko.
"Stop! Wynd!"
Hindi niya ako tinigilan. Gumanti na ako na pagkiliti sa kaniya kaya pareho kaming tawa ng tawa. Kulang na lang mahulog kami sa kinauupuan namin sa kalikutan namin. Nang tinigilan na niya ako ay kinurot ko ang magkabilang pisngi niya.
"Ang kulit mo grabe!"
"Aw!"
Pinakawalan ko na siya. Hinilot hilot niya ang pisngi niya na namumula na. Nakapout pa siya at patingin tingin sakin na parang kinokonsensya ako. Nakangiti na hinalikan ko siya sa kanang pisngi niya. Nakasimangot parin siya kaya hinalikan ko siya sa kabila. Lalong tumulis ang nguso niya. Natatawang hinalikan ko siya sa labi niya.
Napasinghap ako ng bigla niya akong hinapit at pinalalim ang halik. He plunged his tongue in my mouth and circled it inside. Hindi pa namin ititigil ang halik kung hindi pareho na kaming nawawalan ng hininga.
"You're such a wonderful lady."
"I'm not a lady at all. I'm not a girlfriend or wife material. I don't dress up like a normal woman should. Hindi ako nag me-make up at hindi ako nag ha-high heels. Hindi ako mahinhin-"
"That what makes you wonderful...because you're real. Because you're you."
"Hindi ako maganda."
"Iharap mo sakin ang magsasabi niyan sayo at bubugbugin ko."
"Ako nga ang nagsabi eh. Bubugbugin mo ako?"
"No. I'll make love with you until you go crazy."
Ngumisi ako. "I'm looking forward for it, wynd."