CHAPTER 3
“VACATION LIKE HELL”
ALEXA’S POV
Kakauwi ko lang ngayon sa bahay ko at napagod sa maghapon. Sayang kung nandito lang ang mahal kong goon para pagurin pa ko este para tanggalin ang pagod ko mas okay sana.
Bright cold silver moon
Tonight alone in my room
You were here just yesterday
Slight turn of the head
Kinuha ko ang phone ko at nakita na ang monster goon ko ang tumatawag.
Eyes down when you said
I guess I need my life to change
Seems like something's just aren't the same
What could I say?
“Hello.”
[Hi sexy.]
“Hi handsome.”
[Missed me?]
“A lot.”
[I missed you too so pack your things and we’re leaving.]
“Leave what?”
[Yes. Naipagpaalam na kita sa parents mo. Sa province namin tayo magwi-weekend. I want you to meet my lola.]
Hindi ako makapaniwala. Ipapakilala nya pa ako sa iba pa nilang relatives tapos lola pa nya.”Sure. Susunduin mo ba ako?”
[Oo naman kaya buksan mo na ‘tong pintuan kasi nandito na ko.]
“Wow ang bilis. Wait lang.” bumaba ako at binuksan agad ang door at nakita ko ang goon ko na nakatayo dun kaya naman niyakap ko sya agad at hinalikan. “I missed you a lot. Bakit kasi busy ka na ngayon?”
Hinawakan nya ako sa hips. “Para naman ‘to sa future natin my sweet monster. Pupunta tayo sa province para sabihin kay lola na ikakasal ako sa babaeng pinakamaganda sa buong mundo.”
“I can’t wait. Tara pasok ka. Magimapake lang ako.” Umakyat kaming dalawa ni goon at tinulungan nya akong magpack ng things.
Nasa labas na kami at papasakay na ng kotse nang hinawakan ako ni goon sa kamay. “I want you to meent mamang. Nung bata ako nagpromise ako sa kanya na ipapakilala ko sa kanya ang babaeng papakasalan ko and now is the right time.” Niyakap ko si goon sa sobrang tuwa.
“Let’s go.” Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse. Sya ang nagdrive buong magdamag habang ako ay tulog sa byahe.
“We’re hear love.” Napangiti ako ng marinig ko ang boses ng mahal kong goon na bumulong sa tenga ko.
Dumilat ako at nakita ko ang isang lumang bahay. Malaki sya pero luma talaga. Kinuha ko ang phone ko para iinform sila mommy na nandito na kami. “Oh my, walang signal?”
“Walang kahit ano.” Sabi ni goon. Bumaba sya at pinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse. “This is our humble home. Kalimutan muna natin ang modern world and hello province.”
Medyo madilim pa nung dumating kami pero may narinig na akong mga kalderong tumutunog sa loob. “Zak!!!” sigaw ng isang matanda.
“Mamang!!!” tumakbo si goon papalapit sa matanda at binuhat ‘to. “Mang bakit ang gaan nyo na. Hindi ba kayo nagva-vitamins?”
“Ay naku bata ka ibaba mo nga ako. Lumakas ka lang talaga kaya sinasabi mo yan.” Mukhang tuwang-tuwa silang dalawa sa pagkikita nila. Sana lang hindi nila ako makalimutan no?
“Uhm mang may ipapakilala po ako sa inyo.” Finally, ipapakilala na din ako sa wakas. Lumapit sa’kin si goon at hawakan ako sa kamay.
“Si Alexa nga pop ala, ang babaeng papakasalan ko.” Sabi ni goon habang ako eh sobrang laki ng ngiti abot sa langit.
“Ay iakyat nyo na yang mga gamit nyo sa itaas.” -_- hindi nya man lang pinansin yung mga sinabi ni goon?
“Ganyan talaga si mang kapag natutuwa, hindi makapagcomment.” Bulong ni goon sa’kin. Ako naman tumango na lang. Kung lahat ng tao ganun magreact kapag masaya baka wala na kong nakikitang mga nakangiti o tumatawa ngayon. “Iakyat ko lang sa taas ‘tong gamit natin ha. Pumasok ka na rin sa loob.”
Pumasok ako sa loob habang inakyat sa taas ni goon ang gamit namin. “Kayo ba’y kumain na?” napatingin ako sa lola ni goon na may dalang piling na saging.
“Hindi pa po”. Nahihiya kong sagot sa lola ni goon.
“Sya kayo’y pumarine na sa hapag at tayo’y kakaon na.” pumasok sa kusina si lola.
“Sige po, susunod na po ako. Hihintayin ko lang po si go – si Zak.” Ngumiti lang ako ng maramdaman kong may humigit sa braso ko.
“Kayo talagang mga kabataan palagi nyong pinaghihintay ang pagkain. Kapag sinabi kong pumarine na kilos agad. Hala sige maupo ka na dyan.” Nakakatakot naman ‘tong lola ni goon. Wala akong nagawa, matanda kasi dapat igalang.
Umupo ako at ngumiti na lang ulit tsaka tumingin sa pagkain. Nilagang saging, nilagang kamoteng kahoy, ginataang gulay na hindi ko alam kung ano tsaka parang mga puto na di ko alam.
“Hindi pa kasi kami nakakakuha ng ilalagay sa hapag. Maigi’t nandito kayo. Matutulungan nyo ako. Hala sige, kumain ka na dyan.” Kumain na si lola. Hindi nya ba iintayin si goon.
“Wow, mang namiss ko ‘tong pagkain na ‘to ah.” Buti na lang nandito na si goon. Nahugas muna sya ng kamay sa isang tabong tubig tsaka sya umupo sa tabihan ko.
“May itlog ba dito?” bulong ko sa kanya.
“Meron, nandun sa manukan. Kung gusto mo ng itlog kumuha ka mag-isa mo. Masama ang itlog sa katawan kapag araw-araw.” Nagulat ako sa sinabi ni lola. Narinig pa nya yung bulong ko?
“Mukhang masasarap poi tong pagkain.” Wala kong choice kundi kumain. Syempre mga normal sa paningin at panlasa ko lang yung kinain ko.
Kumain lang kami ng tahimik at oo kaming tatlo lang. Bawal atang magsalita kapag kumakain. Nakakailang naman ‘tong ganito.
“Mang kukuha lang ako ng gagamitin natin ha.” Tumayo si goon at may dala syang mga drums.
“Sige apo, mukhang mas maskulado ka na ngayon, kayang-kaya mo na yan. Dyan na lang sa likuran sa ibaba kumuha. Mas malapit na ngayon kaysa dati.” Hindi ko man sila naiintindihan pero alam kong buhay sa probinsya ang pinaguusapan nila.
“Tapos na po akong kumain. Salamat po.” Tumayo na rin ako para sana sundan si goon o kaya magpahinga na.
“Aba’y itong batang ire. Ikaw ang babae hala magligpit ka at hugasan mo itong mga pinagkainan natin.” Tumayo si lola at kumuha ng basahan. “Sige na, simulan mo na.”
Pumunta ako dito para maglinis at maghugas ng plato? Well wala naman akong choice. Dapat gawin ko ‘to dahil ayokong pag-awayan pa namin ‘to ni goon. “Sige po.” Niligpit ko ang mga pinagkainan namin. Pinunasan ko na rin at tinakpan ang mga natirang pagkain. Dinala ko sa lababo ang mga plates. Huhugasan ko sana pero hindi ko makita kung nasan yung faucet?
“Hintayin mo yung inigib ni Zak.” Halos manlambot ako, wala silang gripo? “Isang oras lang ang supply ng tubig dito kada araw. Merong gripo dun sa labas yun nga lang wala pang tubig yun.
“O – okay lang po.” Sisimulan ko na sanang hugasan ang plates pero wala akong nakitang dish washing liquid. Detergent soap ang nakita ko dun, yung nakakapanget ng kamay. Hindi naman sa maarte ako pero – ah basta. Sasabunin ko na nga lang.
“Hoy babae ano’t sinasabon mo na agad ang pinggan? Banlawan mo muna!!” nilagyan nya ng tubig yung maliit na container. “Dito mo banlawan tsaka mo sabunin. Halatang prinsesa ka sa bahay nyo!”
Hindi na ako nagsalita at ginawa ko na lang. Isa-isa, plato, baso at iba pang utensils tsaka ko sinabon. “Wow ang sipag naman ng mahal ko.” Buti na lang nabigyan ako ng energy ng sweetness ng goon ko. “Ang sexy mo palang tingnan kapag naghuhugas ng plato.” Bulong nya sa’kin kaya naman napangiti ako.
“Ano ba yang nobya mo hindi marunong maghugas ng pinggan.” Ang sungit naman nito ni lola. Wala pa yang sinabing maganda sa’kin simula ng dumating kami.
“Mang, hi-tech kasi mga gamit sa bahay nila. Naninibago lang yan.” Mabuti naman at nakukuha sa lambing ni goon ang lola nya. “Mang wala pa kasi akong tulog, ayos lang bang magpahinga muna ako?”
“Ay naku bata ka, hala sige pumanhik ka na’t matulog.” Sabi ng lola nya.
Hinalikan nya ang lola nya habang ako ay nakatingin na parang nahingi ng tulong sa kanya. Humalik din sya sa’kin. “See ya later sweet monster.” At nawala na sya sa kusina.
After ng mahabang panahon finally natapos na rin akong maghugas ng plates. Nagstretching pa ko ng konti at aakyat na din sana ako ng mapigilan ako ng lola ni goon. “At saan ka pupunta?”
“Matutulog po sana.” Sagot ko. Inaantok pa kasi ako. Sino bang tao ang makakatulog ng matino ng nakaupo?
“Hindi naman sinabi ng apo ko na wala kayong tulog. Ang sabi nya lang ‘mang wala pa kasi akong tulog’ at hindi ‘kami’.” Wow at ginaya nya pa talaga paano sinabi ni goon yun ha. “Sumama ka sa’kin. Kukuha tayo ng pangtanghalian.”
Ah, mamamalengke lang pala. Sige na nga sasama na ko para naman magood shot ako sa lola nito ni goon. “Sige po.”
Lumabas kami at naglakad-lakad papunta sa – poultry? Pumasok kami sa loob. “Akala ko po kukuha tayo ng pananghalian?”
“Oo nga kaya lang ang sakit ng likod ko ngayon kaya ikaw na lang ang kumuha.” Hindi ko nagets ang sinabi ni lola. Naglakad pa rin kami hanggang makalampas sa manukan at sa likod nun may mga manok pa na nagkalat. “Hala sige, humuli ka na ng dalawa dyan.”
:O
“Po?” gulat na gulat ako syempre.
“Ano ba ang iniisip mo? Na pupunta tayo sa palengke para sa tanghalian?” opo yun naman ang normal talaga di ba? Grabe hindi ko alam na may ganitong buhay pa rin pala. “Kung titingin ka sa paligid nandito na lahat. Ayun yung palayan sa kabila, ito ang manukan. Dun sa kabila ang taniman ng mga gulay at dun sa dulo yung babuyan. Sa kabilang kanto merong ilog at dun kami nanghuhuli ng isda.” Wow, buhay ka na pala dito tapos mga fresh pa talaga ang pagkain. “Ano pang tinatayo mo dyan? Manghuli ka na ng manok, madali ka.”
Marami namang manok dito kaya for sure marami akong mahuhuli. Mabuti na lang naka-flat shoes ako at pants. Itinali ko pa yung buhok ko para hindi sagabal sa paghuli ko ng manok. “Dalawa lang po ba?” confident akong makakahuli ng marami. Naglakad ako papunta sa mga manok tsaka ko dinakma ang isang inahing manok – grabe ang bilis kumilos. “Okay lang po ako.” Hindi ako pinansin ng lola ni goon. Okay lang. Kapag ako nakahuli ng manok wag syang kakain kahit kanya pa ‘tong mga manok na ‘to.
Naghanap ako ng busy na manok tsaka ko nilapitan dahan-dahan, nang madadakma ko na biglang lumipad kaya sumubsob ako sa lupa. Ang sakit lang ha. Naiinis na ko!!! Sa sobrang inis ko hinabol ko na ang mga manok na malapit sa’kin pero sobrang bilis nilang kumilos. Bakit ang hirap nilang hulihin?
“Binubugaw mo lang sila para lumayo!” sigaw ni lola at napansin kong nawala na nga ang mga manok.
“First timer lang po.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Hinabol ko ulit sila pero wala eh, sobrang gagaling lumipad. Yung isa tumalon pa sa ulo ko. Dadakmain ko na kaya lang biglang lumipad ulit. “Ang hirap po.” Nakaupo na ko sa lupa at susuko na ko ng makita ko ang isang sako ng feeds. Napakatalino ko talaga. Kumuha ako ng isang dakot na feeds then inihagis ko sa ground. “Krukya! Kruuuukya!” wow effective, naglapitan ang mga manok. Habang natuka sila mabilis kong dinakma ang isang manok. “Yehey!!!!!” nakahuli ako. Humarap ako kay lola at itinaas ko ang manok. Iniabot nya sa’kin ang tali at sako. Itinali ko ang manok para di na makawala. Pinahirapan ako nito. Di ako papayag na makawala sya.
“O isa pa.” sabi ni lola.
Kumuha ulit ako ng feeds tsaka ko isinaboy sa ground at nakahuli ulit ako ng isa pang manok. Yun nga lang mukha na akong gusgusin after. Ang baho ko na din. Bumalik na kami sa bahay at pinaligo na din muna ako ni lola kaya lang sinabi nya na palitan ko daw ang tubig na gagamitin ko at wow, sobrang lamig ng tubig dito. Wala silang heater. Wala akong choice. Paglabas na paglabas ko ng restroom utos agad si lola. “Gayatin mo ‘tong mga gulay tapos igisa mo na rin pagkatapos mo.”
Syempre bawal magsabing ‘ayoko ko po kasi pagod na ko’. Ako naman sunod lang agad. Hindi pa nga ako nakakapagsuklay pero go pa rin. Pagod na ko. Buti na lang marunong na ko magluto kahit paano.
“Bakit pakiramdam ko asawa na talaga kita.” Mmmmm feeling ko magcocollapse ako sa boses na nagsalita sa may tenga ko with matching hawak sa waist ko. “Ang bango mo pa. Alam mo ba yung mga napapanood ko, kapag bagong ligo ang misis nila kahit nasa kusina pa – alam mo na.” bulong nya ulit then he kissed my neck.
“Umayos ka nga. Nandyan ang lola mo.” Kahit ayoko talaga syang patigilin. Iniharap ako ni goon sa kanya then we kissed.
“Pinapahirapan ka ba ni mang?” tanong ni goon sa’kin while caressing my face. “Tara sa taas, gusto ko ng maglunch.”
Tumawa ako. “Siraulo ka talaga.” Gustuhin ko mang humingi ng tulong kay goon di ko gagawin. Feeling ko kasi sinusubukan lang ako ng lola nya. “I’m okay. Mabait si lola mo. Dami kong natututunan.” Oo, mga bagay na never kong inisip na mangyayari. “Ako kaya nanghuli ng manok na yan.” Tinuro ko yung nakasalang na manok. “Ang hirap hulihin nyan. Nakailang dakma na ko wala pa rin.”
“Si Dambo madali lang hulihin, minsan pwede mo din syang dakmain.” Nakangiting sabi ni goon. Grrrrrrrr gusto ko syang kagatin, kainin, isubo ng buhay sa sobrang kagwapuhan nya.
“Sino ba si Dambo? Gusto ko syang makilala.” Seryoso kong sabi sa kanya.
Natawa sya na parang nagulat. “Baka di mo kayanin kapag nakita mo si Dambo, baka mahimatay ka. Hindi pa ‘to yung right time. Kasi for sure kapag nagkita kayo hindi ka nya papakawalan.” Tumatawang sabi ni goon.
“Ako? Hindi papakawalan ni Dambo? Tapang naman nya. Bakit malaki ba sya?” at humagalpak na sa pagtawa si goon.
“Oo malaki sya.” Tapos hinalikan nya ako ulit. “Tsaka na nga natin pagusapan ni Dambo, baka kasi magparamdam yun bigla magulat ka.” Hindi ko magets ang sinasabi nya. Minsan gusto kong isipin na ang bastos na nito ni goon pero di ko magawa kasi baka utak ko lang talaga ang madumi. “Ugh! Bakit ang hot mo habang nagluluto ka! Gusto rin kitang balatan.”
“Baliw ka. Sumbong kita sa lola mo.” Sagot ko sa kanya at bigla syang sumimangot.
“Bakit ayaw mo ba?”parang batang nagmumukmok ang itsura ng goon ko kaya naman hinawakan ko sya sa mukha tsaka ko hinalikan. Nakakawala ng pagod ang kiss nya kahit kelan. Sana wag munang dumating ang lola nya –
“Anong ginagawa nyo?”