“FUNNY HUH?”

2409 Words
CHAPTER 4 “FUNNY HUH?”   ALEXA’S POV   “Anong ginagawa nyo?”   Bakit kahit wala kang ginagawang masama basta ganyan ang tanong sa’yo at tingin sa’yo ng isang matanda parang pakiramdam mo ikaw na ang pinakamasamang tao sa buong mundo.   Kinuha ko agad ang kamay ni goon. “Jack en poy, hale hale hoy sinong matalo syang unggoy. Okay talo ka. Ikaw ang maghuhugas ng plates at magluluto. Wooooooooooo.” Ngumiti lang naman si goon at parang alam na nya ang ibig sabihin ng ginawa ko. Sa wakas makakaligtas din ako sa mga pinapagawa ng matanda nyang lola nya.   Umupo ako sa upuan at ang laki ng ngiti ko habang nakatingin kay goon. Nagwink naman sya sa’kin at kinuha nya ang knife at itinuloy ang ginagawa ko. “At ano sa tingin mo ang ginagawa mo lalaki?” nagulat kaming dalawa ng biglang gawin ni lola ang knife sa kanya. “Ang gawaing bahay hindi ginagawang laro at basta na lang ipapasa.”   “Pero mang, okay lang naman po sa’kin. Gusto ko kayong ipagluto para naman ganahan kayong kumain.” Sabi ni goon at nakatitig lang sa kanya si lola nya na parang pina-process pa ang mga sinabi nya.   Nakahinga ako ng maluwag ng ibalik ni lola ang knife kay goon. Napangiti ulit ako. “Sige, ikaw na ang magluto.” Hinawakan nya sa braso si goon. “At ikaw babae, mag-sibak ka.”   “PO?” napatayo ako sa sinabi ni lola. “Uhmm, magpapabili na lang po ako ng gasul.”   “Hija, hindi ako gumagamit nun. May mga tuyong kahoy dun sa labas. Yun ang sibakin mo ng mabanat naman yang buto mo.” Kung isang bangungot lang ang lahat ng ‘to sana po matapos na lahat.   Tiningnan ko si goon sa mata na humihingi ng tulong. “Ah, mang.” Lumapit si goon sa lola nya at inakbayan nya. “Ako na po pala ang magsisibak. Dito na lang po kayo at magluto.”   “Oh eh pero sabi mo ipagluluto mo ko?” tinitigan nya ng diretso si goon na parang naglalambing.   Hinawakan sya ni goon sa dalawang balikat. “Mang, meron pa namang mamaya at bukas.” Nung sinabi ni goon na bukas parang hindi ko na agad maisip na tatagal pa ko ng kahit konti dito.   “Sya sige. Alam mo na naman ang gagawin.” Sabi ng lola nya at bumalik sya sa kusina. Tumingin si goon sa’kin at nagwink tsaka lumabas.   Oh my gosh, iiwanan nya ako mag-isa kasama ng lola nya? Ano pang parusa ang mararananasan ko? Sobrang galit sa’kin ang matandang ‘to at alam kong papahirapan nya ako hanggang gusto nya. Gusto ko nang maiyak. Wala na kong choice kundi ituloy ang ginagawa ko habang kinakabahan.   “Alam mo bang napakabait nyang si Zak.” Ako ba ang kausap ni lola? Tumingin ako sa paligid. “Dalawa lang tayo dito babae.” Oh, ako nga ang kausap nya. “Dalhin mo nga dito ang mga gulay.” Lumapit naman ako sa kanya. Hindi pa rin ako nagsasalita. “Kahit na maalwan ang buhay nya dun sa siyudad hindi ako nyang kinalimutan. Kahit na ganito lang buhay ko di nya ako pinabayaan.” Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya naman nakinig na lang ako. “Yung lolo nya kasi ang may pera at ako wala kaya ayun nagpakasal din sya sa kapwa mayaman pero dito naman kami tumirang dalawa pero sandal lang din naman. Pati ang buhay ni Kesher pinakialaman.Nung bata pa yan lagi nyang sinasabing kapag nakita na nya ang babaeng papakasalan nya dito sya magpapakasal.”   Bigla akong nasamid sa sinabi nya. Dito daw magpapakasal?   “Bakit? May problema ka ba dun?” I shook my head. “Mabuti naman. Alam ko namang tutuparin ni Zak ang pangako nya.” Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi nya. I mean, dito kami magpapakasal? Hindi naman sa ayaw ko kaya lang – kaya lang kasi baka gumawa ng paraan ang lola nya para lang hindi matuloy ang kasal namin. Sa mga pinapagawa nya sa’kin at mga sinasabi nya sa’kin at paano nya ko itrato halatang ayaw nya sa’kin para kay Zak. “Ikaw, ano bang plano mo? Ke babata nyo pa kasal agad yang nasa utak nyo. Hindi ko gusto ang tulad mo para kay Zak.”   At ayun na nga. Para akong sinaksak, pero dahil ako ang may hawak ng knife parang sya ang gusto kong saksakin. Pasalamat na lang sya matanda na sya at lola sya ni Zak. “Uhmm.” Naiiyak na ko. “Hindi ko naman po kayo mapipilit na magustuhan ako.” Pero wala po kayong choice. “Madami na po kaming pinagdaanan ni Zak at hindi na po kami papayag na magkahiwalay pa po kami.” Tumayo ako sa harapan nya. “Kahit po pahirapan nyo po ako, kahit po manghuli pa ako ng maraming manok at magluto at magsibak gagawin ko pa yang lahat para lang kay Zak. Kung gusto nya po ditong magpakasal sige po, wala pong problema sa’kin. Kahit saang simbahan po kami ikasal ayos lang. Kahit ilang beses pa. Mahal na mahal ko po ang apo nyo. Pasensya na po pero di po ako papayag na pigilan nyo kaming dalawa sa pagmamahalan namin.” Buo ang loob ko na kahit anong ipagawa nya sa’kin di ako natatakot. Mahal ko talaga si goon at maisip ko palang na di kami ang magkakatuluyan naiiyak na ko. Hindi na ako makahinga parang di ko kakayanin. Pero sana din wag syang maniwala na gagawin ko talaga lahat yun. Grabe naman, dami na nga naming pinagdaanan papahirapan nya pa ko.   “Mang, tinatakot mo ba ang mahal ko?” biglang pumasok si goon na may hawak na mga sinibak na kahoy.   Nakangiti lang ang lola nya at tsaka umalis ng kusina. TIningnan ako ni goon. “Oh wala akong ginawa sa kanya ha. Promise.” Nagsmile sya at hinalikan nya ako sa ulo.   “Magluto ka lang dito. Kakausapin ko lang si mang.” At lumabas na din sya. Oh no, ito na ata yung part na kakausapin na nya ang lola nya tapos kakausapin din sya ng lola nya tapos mag-uusap sila. Hindi pwede. Nooooooo! Anong gagawin ko?   ZAK’S POV   “Mang!” sinundan ko si mang sa labas dahil nagdiretso sya dun. Kinuha nya ang mga patuka ng manok at nagdiretso sa manukan ng hindi lumilingon sa’kin. Nagwoworry na ako kung ano ba ang nangyari sa loob kanina. “Mang sandali.” Hinawakan ko sya sa braso at iniharap ko sa’kin at nagulat ako sa nakita ko. Si mang umiiyak. “Mang bakit ka naiyak?” pinunasan ko ang mga luha nya.   “Kasi – kasi yung nobya mo.” Tapos umiwas ulit sya ng tingin sa’kin.   “Mang sabihin nyo na po ang totoo.” Sinundan ko sya papunta sa manukan.   “Masyado lang akong natutuwa na nalulungkot kasi – kasi nakahanap ka na ng babaeng mamahalin.” Naramdaman kong mas lalong naiyak si mang. “Mukhang sosyal yung nobya mo pero hindi sya nagrereklamo kung anong ipagawa ko. Sinubukan ko nga sya pero habang nagsasalita sya kanina nakita kong nagsasabi sya ng totoo. Na mahal na mahal ka talaga nya.” Napangiti naman ako sa narinig ko. Gusto ko tuloy halikan ngayon si aswang. “Masaya ako sa’yo apo, nakita ko yung ngiti at titgan nyong dalawa at nakita kong masaya kayo. Yun lang naman ang gusto ko para sa’yo ang maging masaya kayong dalawa habang buhay.”   “Salamat mang.” Niyakap ko si mang.   *BUGSH*   Nagulat kaming dalawa ni mang sa isang malakas na tunog kaya napalingon kaming dalawa at nakita naming na ang pintuan sa may manukan ay nakatumba na sa lupa kasama ang isang nakapang aswang.   “Hi.” Bati nya na nakangiti pero halatang nahihiya. Dahan-dahan syang tumayo at kunyari may hinahanap. “Saan kaya napunta yun?”   “Nakikinig ka ba sa usapan naming?” napaatras si aswang at hindi alam ang gagawin. Tumingin pa sya sa’kin na parang nahingi ng tulong pero hinayaan ko lang sya. Ang cute nyang tingnan kapag natataranta sya.   “Ano po – hindi po – ano lang po – kasi ano po ah – may hinahanap po ako – ah hinahanap ko po yung nanay nung manok na niluto natin hihingi po ako ng sorry tapos po napansin kong may tao tapos po nadulas po ako at hindi ko po nahanap yung inahing manok.” Natataranta sya magsalita at natatawa ako. Pinipigilan ko lang tumawa. Saan naman nya napulot yun? Magsorry sa inahing manok?   “Ako ba’y niloloko mo? Paano mo naman malalaman kung sinong ina nung manok na yun? Tsaka anong hinahanap mo dyan?” ang dalawang babaeng mahal ko nagkakainitan ata.   “Ano po – yung balahibo po nung niluto natin – baka po kasi makilala yun nung nanay nya.” Namumula ang mukha nya. Alam ko namang nakikinig talaga sya at di nya alam na parang tindahan lang ang pintuan ng manukan na natatanggal. “Sige po aalis na po ako. Yung niluluto ko po kasi.” Tumalikod na sya at halatang kinakabahan.   “Ako na ang bahala dun.” Naglakad si mang papalapit kay aswang. “Hanapin mo na lang yung inahing manok at ihingi mo rin ako ng sorry.” Gulat na gulat si aswang sa sinabi ni mang at hindi sya agad nakagalaw. Sa itsura nya parang gusto na nyang umiyak.   “Bakit ka nakikinig sa usapan namin?” nilapitan ko sya at hinawakan sa waist. Namumula pa rin sya until now.   “Hindi nga ako nakikinig!” nagdedeny pa nga sya. Hindi ako nagsalita at tiningnan ko lang sya. “Fine! Sinundan ko kayo kasi natatakot ako na baka palayuin ka ng lola mo sa’kin. Sumunod ako para pigilan yun. Sabi nya kasi sa’kin ayaw nya daw sa’kin pero pinaglaban kita. Kaya natakot ako na baka kung anong ipagawa nya sa’yo.” At naiiyak na nga sya.   Hinawakan ko sya sa chin para magtama ang dalawa naming mata. “Hindi gagawin ni mang yun. Tanggap nya kahit sino pang babae ang mahalin ko at hindi nya sasabihin sa’king layuan ka. Hindi nya yun magagawa dahil alam nyang mamamatay ako.” Inayos ko ang buhok nya. “Nandito tayo para ipakilala ka sa kanya. Importante sya sa buhay ko at gusto ko lahat ng mga mahal ko sa buhay magkakakilala at magkakasundo. Dinala kita dito dahil alam kong ikaw na ang babaeng gusto kong pakasalan at sigurado na ko dun.” Nakatingin pa din sya sa’kin. “Alam mo bang ikaw palang ang babaeng pinakilala ko kay mang?” at dun na sya napangiti. “Ayan, dapat lagi kang nakangiti para lagi kang maganda.” Pinisil ko ang nose nya and she wraps her arms around my neck. “D*mn! Bakit mas hot ka kapag haggard?”   “Literal na hot ba? Galing kasi ako sa tapat ng lutuan nyo.” Hindi ko mapigilang titigan sya. Ang mahal kong aswang.   “Alam mo bang naiimagine ko kanina na mag-asawa na tayo at pinagluluto mo ako ng pagkain. Na gumagawa ka sa bahay at mag-asawa na tayo. Ang sarap sa pakiramdam. Gusto nga kitang hatakin at papakin pero dahil nandyan si mang hindi ko magawa.” Habang tumatagal mas lalo kong minamahal si aswang. Wala na akong maisip na dahilan para ipagpalit pa sya. “Please promise me na hindi ka na magkakaamnesia ha. Baka di ko na kayanin kapag hindi mo na ko naalala.”   “Hindi na yun mangyayari. Gusto mo magpakasal na tayo ngayon dito sa inyo. ANo?” gusto ko yung ganitong side nya. Mas lalong ang hot ng dating.   “Pwedeng unahin na lang muna natin yung honeymoon?” hinawakan ko sya sa likod habang nasa waist nya ang isakong kamay. Hindi naman sya naangal at halata kong kinakabahan sya. Nakikita kong napapalunok na lang sya ng ibaba ko sa hips nya ang kamay kong nasa likuran nya.   “Goon – uhm – ” alam kong papatigilin nya ako sa ginagawa ko sa ganyang tono nya ng pagsasalita. “ – sigurado ka bang dito natin gagawin? Sa manukan?” seryoso pa ang mukha nya sa pagsasabi.   Hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtawa. Kung kanina sa kanya ako nakahawak ngayon nakahawak na ang dalawa kong kamay sa tyan ko. Akala ko pipigilan nya ko yun pala worried sya sa place kung san namin gagawin.“I really love you aswang. Ikaw lang ang may kayang gumawa nyan.” Pulang-pula ang mukha nya at alam kong napahiya sya pero hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagtawa. Kasi hindi ko inaasahang yun ang isasagot nya sa’kin.   “Funny huh?!! Sige pagtawanan mo ko. Tumawa ka hanggang gusto mo! Ugh!!!!!!!! Nakakainis ka talagang goon ka!!! AHhhhhh!!!” tumalikod sya para magwalkout kaya naman hinawakan ko sya at niyakap.   “Sorry na. Kasi naman ikaw akala ko pipigilan mo ko – akala ko concern ka na hindi pa tayo kasal at ayaw mo pang gawin – pe –pero mas concern ka pala dun sa place.” At hindi ko na naman napigilang tumawa ng malakas.   “Sige pa ipaalala mo pa. Nakakainis ka talaga. Alam mo namang ano – alam mo naman kasing – ang hirap pigilan TAPOS NANGAASAR KA PANG SIRAULO KA TALAGA WALA KA TALAGANG KWENTA!! TANDAAN MO HINDI KA NA MAKAKALAPIT SA’KIN NG GANUN HANGGA’T HINDI PA TAYO KASAL!!!”   Napatigil naman ako ng marinig ko yung sinabi nya. “Sino ba kasing may sabing pinagtatawanan kita? SObrang saya ko lang dahil tanggap ka na ni lola. Ikaw talaga. Halika na nga dito.” Pero ayaw nyang magpayakap. “Sorry na nga. Hindi ko naman talaga gagawin yun kung ayaw mo pa lalo na’t hindi pa tayo kasal.” Natatawa ako pero pinipigilan ko. “D*mn! Ikaw lang ang makakagawa nun aswang ko. I love you more and more each day.” At nauna pa syang humalik sa’kin. Lagi nya talaga akong sinusurprise. I really love this girl – so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD