CHAPTER 22 “STAG PARTY” ALEXA’S POV Kung may araw na pinakaayoko sa buong buhay ko, iyun ang araw na pumapasok ako sa company namin ng si Umo ang president. Ang dami nya kasing pinapagawa sa’kin. Dahil dito ba ako nago-OJT sinasamantala na nya? Wow, lang sa kapal ng make up sa mukha nya. “Ms. Andrade I want these on my table tomorrow, 8:00am.” Sabi ng Umongoloid na ‘to at ipinatong nya sa table ko ang maraming papers. “Bakit di mo pa kuhanin ngayon? Ipapatanong mo pa sa table ko tapos bukas mo na kailangan.” Bulong ko sa sarili. “So hindi mo ‘to gagawin?” tanong nya at napatingin ako sa kanya. “I didn’t say anything.” Sagot ko at tiningnan ang papers. “Are you crazy? Kahit ikaw ang pagawin nito ngayong gabi hindi mo matatapos agad ng ilang araw

