CHAPTER 21 “The Bridal Shower” ALEXA’S POV “Sis, we’re throwing you a Bridal Shower.” Nakangiting sabi ni Jezhi. “Bridal shower?” tanong ko sa kanya. “No way!” “This is the most thrilling part bago ka magpakasal!” Humarang sya sa harapan ko. Gumagala lang naman kami dito sa mall. Naguunwind after ng mga nangyari. “Paano naman naging thrilling yun? Tsaka isa pa tayong dalawa lang ang nasa bridal shower? As if naman may iba pa akong mga kaibigan.” “That’s not a problem. May mga kasama kasi ako sa office, dun kung san ako nago-OJT, sobrang cool nila. Tsaka yung iba nating classmates na girls na nakakausap naman natin, magsisipuntahan yun. Wag ka ng magworry. Ako na ang bahala sa lahat.” Sobrang saya nya at halatang excited sya habang nagsasalita.

