bc

My Fiance is a Cyborg

book_age16+
241
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Pero naging mahirap ang pagtatago sa sekreto niya nang mapilitan siyang lumipat sa university na pinapasukan ni Seth. From there, things started to change fast. The supposedly insensitive robot started to show her his human side. Naging mabait ito sa kanya, maalaga at kahit nagsusungit, ramdam niya ang pag-aalala nito.

She finally allowed Seth back into her life, and even inside her heart. Pero kung kailan akala niya ay maayos na ang lahat, saka naman parang nag-"malfunction" si Seth.

The cyborg was suddenly back, breaking her heart once again.

chap-preview
Free preview
Chapter One
"MOMMY! You can't do this to me!" reklamo ni Misha sa kanyang ina habang hinahabol ito palabas ng kanilang malaking bahay. "Watch me, my daughter," nakangising sabi ng kanyang ina saka pinasok sa van ang maleta nito. "Mommy, paano na kami ni Mitto kung iiwan mo kami nang walang kasama sa bahay? Hindi ko kayang asikasuhin ang lahat nang nag-iisa!" naiiyak na sabi niya. Hinarap siya ng kanyang ina at tinanggal ang malaki at itim na sunglasses na suot nito. "Really now. Hindi ba't nagawa mo nga kaming lokohin ng Daddy mo sa loob ng ilang taon? Inilihim mo sa amin ang pagkuha mo sa kursong hindi namin gusto para sa'yo. You did that because you wanna prove to us that you're old enough to decide for yourself. You want to be independent now? Fine! I'm giving you all the freedom you want!" "Mommy, that's not true!" kaila niya. "Hindi ko kayo sinuway para lang patunayang kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. It's just that... I want to live my life the way I want to. Pero hindi naman ibig sabihin no'n ay binabale-wala ko na kayo ni Daddy. I really want to be a writer kaya Creative Writing ang kinuha kong course." Matagal na niyang pangarap ang makapagsulat ng isang libro na fanstasy and adventure ang genre. "Hija naman! Ikaw ang panganay na anak namin. Ikaw ang inaasahan naming magmamana sa kompanya natin." Iyon nga lang ang problema. "Pero Mommy! Ito po talaga ang gusto ko." Buong-giting siyang nakipagtitigan sa kanyang ina– hoping that her mother could see the gravity and determination in her eyes. Bumuntong-hininga ang kanyang ina. "Bakit sa dinami-daming magagandang genes namin ng Daddy mo, 'yang katigasan pa ng ulo ang namana mo?" iiling-iling na bulong nito. Nabuhayan siya nang pag-asa nang hindi na niya narinig sa boses ng kanyang ina ang galit. "Mommy, ibig bang sabihin, hahayaan niyo na akong–" "Hahayaan ko nang si Seth ang magdesisyon kung papayagan ka ba naming ipagpatuloy ang kurso mong 'yan o hindi," deklara ng kanyang ina. Sa tass ng tirik ng araw ay nagawa niyang pagpawisan ng malamig nang marinig ang pangalan ni Seth– ang kanyang half Filipino-half Japanese fiancé. Hindi pa yata siya ipinapanganak ay itinalaga na ng mga magulang niya si Seth Sawada bilang kanyang future husband. Best friend kasi ng kanyang ina si Tita Monta, ang ina naman ng lalaki. Malayung-malayo sa magandang samahan ng kanilang mga magulang ang pakikitungo nila ni Seth sa isa't isa. He was cruel to her. She hated him. And what she hated most was, her parents would always let him control her life. Si Seth ang gumagawa ng lahat ng desisyon na siya lang dapat ang gumagawa. "B-bakit naman nasama s-si S-Seth s-sa usapan?" At ang masaklap pa, kahit ano'ng galit niya rito, her whole system couldn't deny the fact that she was still afraid of him. After all, she couldn't forget what she had to go through during her high school days because of him. "Because he knows what's best for you." Sumimangot siya. "I have to go, Misha." Sumakay na ang kanyang ina sa van. "Magkikita kami ng Tita Monta mo sa Paris. Magbabakasyon muna kami doon so behave, ha? Kayo na ang bahala ni Seth sa mga bata." "Ano'ng ibig niyong sabihin, Mommy?" Parang hindi niya gusto ang matamis na ngiting iyon ng kanyang ina. "Iniwan ko na kay Seth ang budget at allowance niyo ni Mitto habang wala ako," anito na ang tinutukoy ay ang walong-taong gulang niyang baby brother. "And my daughter, makukuha mo lang ang pera kung sa mansyon ng mga Sawada kayo titira." "What?" bulalas niya. "Bye-bye!" Mabilis na sinara ng kanyang ina ang pinto ng van at pagkatapos ay humarurot na palayo ang sasakyan. She let out a frustrated sigh. Hindi siya makapaniwala sa kayang gawin ng kanyang ina para lang sa kagustuhan nitong magkalapit sila ni Seth. Hindi ba nakikita ng kanilang mga magulang na wala nang pag-asang magkaayos pa sila? "I really hate you, Seth!" Pinihit niya ang doorknob ng kanilang bahay pero ayaw no'n bumukas. Nagtungo siya sa back door, sa garahe pero naka-lock na ang lahat ng pinto sa bahay nila! Pati ang mga bintana! "Ate, what's happening?" Nalingunan niya si Mitto, ang kanyang nakababatang kapatid. "Mitto?" Lumingon siya sa labas ng gate. "Nasaan ang kotse natin? Pa'no ka nakauwi?" "Sinundo ako ni Mang Karyo sa school 'tapos umalis agad siya pagkahatid sa'kin. Ang sabi niya, pinagbakasyon daw sila ni Mommy." "What?" bulalas niya. "Pati ang driver natin, pinaalis ni Mommy?" Tinuro ni Mitto ang mga luggage bag na nakasandal sa gate. "Nakahanda na raw ang mga gamit natin sa paglipat natin. Kila Kuya Seth na tayo titira, Ate?" Biglang nanghina ang mga tuhod niya kaya napaluhod siya sa sementadong lapag. "I can't believe this is happening to us..." Si Seth. Si Seth ang may kasalanan ng lahat ng ito! Tumayo siya at hinila si Mitto sa kamay. "Let's go, Mitto. Kailangan kong kausapin ang Seth na 'yan!" Binitbit niya sa kabilang kamay ang mga luggage bag nila. Tinapunan niya ng masamang tingin ang katapat nilang malaking bahay. Oo. Ang pinakamalaking mansyon na iyon sa buong village nila ay pag-aari ng mga Sawada. At oo uli, magkatapat lang sila ng tinitirhan! Pagpasok nilang magkapatid sa mansyon ng mga Sawada ay sinalubong agad sila ng mga kasambahay at kinuha ang mga gamit nila. Sinalubong din sila ni Jirou, ang nakababatang kapatid ni Seth na sing edad ni Mitto. "Hello, Ate Misha at Mitto-kun!" masiglang bati ni Jirou. Ginulo niya ang buhok nito. "Hello rin, Jirou. Maglaro muna kayo ni Mitto, ha? Kakausapin ko lang ang kuya mo." "Hai! Maglaro tayo ng computer game, Mitto-kun!" "Basta huwag ka lang iiyak uli 'pag natalo na naman kita." Napailing na lang siya sa narinig niyang pagyayabang ng kanyang kapatid habang paakyat siya ng hagdan. Pagdating sa ikalawang palapag ay dumiretso siya sa study room na ginawa nang opisina ni Seth. Tumayo siya sa harap ng pinto niyon habang nag-iipon ng lakas ng loob. Seth was intimidating and sarcastic. Malalamig ang mga mata nito, matalim ang dila, mainitin ang ulo at minsan ay bayolente. He was also a genius kaya sa edad nitong twenty-two ay ito na ang presidente ng kompanya ng pamilya nito– ang Moon Corporation. Iyon ang pinakamalaking game company sa bansa ngayon. And because of that, he was already a millionaire at a young age. Sa kabila ng pagiging genius nito at presidente ng sarili nitong kompanya, naisasabay pa rin nito ang pagiging graduating student sa kursong Business Managemet kahit na tapos na ito ng Software Engineering at crash-course ng Game Console Designing sa game developing school na pag-aari ng Moon. Huminga muna siya ng malalim at umangat na ang kamay para sana kumatok nang marinig niya ang malamig na boses ni Seth mula sa loob ng silid. "Don't just stand like an idiot in front of somebody else's door." Pakialam mo? Hindi na siya nag-abalang kumatok at sa halip ay binuksan na lang niya ang pinto at dire-diretsong pumasok sa loob ng "opisina" nito. Abala si Seth sa pagtitipa sa kaharap nitong laptop computer. His straight brown hair looked messy but it complimented the shape of his face. May kahabaan ang buhok nito at umabot na sa mga mata nito ang bangs nito. Pero kahit gano'n ka-complicted ang status ng hairstyle nito, bumagay iyon ng husto sa guwapong mukha nito. No matter how much she hated to admit it, Seth was good-looking– with an angelic face, arrogant nose, rosy lips and beautiful almond-shaped eyes. Kung hindi lang sana masama ang ugali nito, baka sakaling... Tumikhim siya. "Puwede ba tayong mag-usap?" Huminto ito sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa kanya. His almond-shaped eyes were cold as usual. "Nagpahanda na ko ng isang kama para kay Mitto sa kuwarto ni Jirou para magkasama ang mga bata. You'll be using the guest room." The guest room that was designed by her Tita Monta specifically for her. And it was damn suspicious. "Hindi iyon ang gusto kong pag-usapan." Lumapit siya sa mesa nito. "Seth, ibigay mo sa'kin ang susi ng bahay. Siguradong sa'yo iniwan ni Mommy 'yon." "Hindi ibinigay sa'kin ni Tita Sam ang susi." "Hindi ako naniniwala–" Naningkit ang singkit na nitong mga mata kaya napaatras siya. "Okay. Okay. Wala na kung wala. Ibigay mo na lang sa'kin 'yong perang iniwan ni Mommy para sa'min ni Mitto. Ako na ang bahalang humawak niyon." "Pera niyo ni Mitto?" Sumandal ito sa swivel chair nito. "Nag-iwan ng pera si Tita Sam for Mitto. Pero wala siyang iniwan para sa'yo." "What?" bulalas niya kasabay ng pagbagsak ng mga kamay niya sa mesa nito. "What do you mean na walang iniwan si Mommy para sa'kin?" Bumakas ang inis sa guwapong mukha nito at maingat na nilipat ang laptop computer nito sa ibabaw ng kabilang mesa. "I'll be supporting you financially from now on," deklara nito. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi nito? "Don't overreact, stupid. Gano'n din naman ang mangyayari kapag ikinasal–" "Lalalalala!" sigaw niya habang nakatakip ang mga kamay niya sa kanyang mga tenga. Ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. "No! No! No! Hindi ako papayag na umarte tayong parang tunay na mag-asawa sa ilalim ng iisang bubong!" Parang gusto niyang iumpog ang sarili niya sa pader nang sa bibig din niya nanggaling ang bagay na iniwasan niyang marinig mula kay Seth. Impit na tumili siya sa frustration. "Shut up," inis na saway ni Seth sa kanya. Itinikom niya ang kanyang bibig at sumimangot na lang. Ng mga two seconds. "Hindi. Hindi ako papayag na ikaw ang magpapa-aral sa'kin!" Dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa niya at tinawagan ang kanyang ama. Pero hindi niya ito ma-contact. "It's useless. Alam ni Tito Marco ang nangyayari kaya hindi ka niya tutulungan," anito na ang tinutukoy ay ang kanyang ama. "Ah. Isa pa nga pala. Lilipat ka na sa Marusen University." Napasinghap siya. "Hindi ba't doon ka nag-aaral?" Tumango ito. Tuluyan nang bumigay ang mga tuhod niya kaya padausdos na napaupo siya sa sahig. Umupo si Seth sa gilid ng mahogany table at humalukipkip. He literally looked down at her. Tumingala naman siya rito habang nakasimangot. Masama talaga ang loob niya sa kanyang mga magulang. Gano'n ba talaga kasama ang ginawa niya sa mga ito? Pakiramdam tuloy niya, isa siyang masamang anak na ipinaubaya na lamang ng mga magulang sa asawa nito. "Hindi ko rin gusto ang nangyayari. But I have no choice. Gusto kong manatili ang magandang relasyon ng mga pamilya natin. After all, your father is one of the biggest investors in my company." Tinapunan niya ito ng masamang tingin. Noon pa ma ay alam na niyang ginagamit lang nito ang engagement nila para sa kapakanan ng kompanya nito. Business ang dahilan kung bakit ayos lang dito ang makasal sila balang-araw. "Hindi ko tatanggapin ang pera mo bilang fiance ko," deklara niya. "Pero kailangan ko ng pera kaya pagta-trabahuan ko ang ibibigay mo sa'kin." "Marami na kong kasambahay dito sa mansyon." Ikinuyom niya ang kanyang mga kamay sa galit. "Wala rin akong balak pagsilbihan ka." "So how do you plan to pay me?" "Magbe-babysitter ako ni Jirou!" Alam niyang matagal nang namomroblema si Tita Monta sa paghahanap ng puwedeng mag-alaga kay Jirou. Hindi naman gusto ni Seth ang ideyang iyon dahil wala itong tiwala sa ibang tao. Pero kung siya ang magiging babysitter ni Jirou, makakatiyak ito na wala siyang gagawing masama sa paslit na parang kapatid na rin ang turing niya. "Do whatever you want," pasya nito mayamaya at saka bumalik sa kinauupuan kanina. "Now, out," pagtataboy nito sa kanya. Tumayo na siya at pumihit patungo sa pinto. Hindi na niya kailangang magpaalam dito pagkatapos siya nitong palayasin. Bwisit ka talaga, Seth!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
230.2K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
244.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
3.0M
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
260.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook