Chapter Seventeen

741 Words
SETH watched his committee as they shifted uncomfortably under his sharp gaze. Tinipon niya ang mga ito sa student council office para "pag-usapan" ang kaparusahan ng mga ito sa kapabayaan ng mga ito – ang pagkakatama ng bola sa ulo ni Misha. Parang gusto niyang bigyan ng tag-iisang sapak ang mga ito kapag naaalala niya ang nangyaring iyon. "Tumakbo kayo," aniya sa malamig na boses. Nakita niyang nakahinga ang mga ito ng maluwag kahit hindi pa siya tapos magsalita. "Three laps around the Philippines." Sabay-sabay na napasinghap ng malakas ang mga ito. Kapansin-pasin din ang biglaang pamumutla ng mga ito dahil kahit kailan naman, hindi niya biniro ang mga ito. Ngangaling ngumisi siya nang parang maghanda na ang mga ito para tumakbo paikot ng bansa. Isa lang naman ang hindi sumeseryoso sa kanya sa mga gano'ng pagkakataon. "People, nagbibiro lang si Seth." Hinawakan pa ni Shiro ang balikat. "Huwag niyo namang seryosohin ang lahat ng pagbabanta ng presidente natin." Tinapunan niya ng masamang tingin si Shiro. "Stop meddling with my decisions, Shiro." Ngumiti lang ito. Iiling-iling na hinarap niyang muli ang mga kasamahan niya. "Sa susunod, mag-iingat kayo. You are the council's executive committee. Malaki ang responsibilidad niyo sa Marusen University. Iwasan niyo ang pagiging masyadong isip-bata." "Tsk. Hindi naman malala ang tinamong pinsala no'ng babae –" Hindi na naituloy ni Enji ang reklamo nito nang tapunan niya ito ng masamang tingin. Itinaas nito ang mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "Geez. You're being overprotective, President." He cursed Enji and his big mouth inwardly. Ngayon ay nasa kanya na ang nanunuksong mga tingin at ngiti ng mga kasamahan niya. Nawala na nang tuluyan ang takot ng mga ito sa kanya. Sa pangunguna siyempre ni Shiro. "Misha is cute, isn't she?" nakangising sabi ni Shiro. "And sweet, too." "Hindi na ko makapaghintay sa interview session natin mamaya." Parang gusto niyang bumuntong-hininga. Dahil nga natalo siya sa pustahan nila ng aso – ni Sean Chua, ay kailangang magpa-interview ng buong Marusen Wolves Executive Committee sa FM. Hinayaan na lang niya. He was too happy to get angry. At iyon ay dahil sa pagkakasundo nila ni Misha. Akala niya ay kinamumuhian siya nito dahil sa kanilang pangit na nakaraan. He was very happy when she said she didn't hate him and she wanted to start all over again with him. And damn. He was more than willing to do that. If only she could see how important she was to him. "President," untag muli ni Enji sa kanya. Tiningnan lang niya ito. "Sino ba ang Misha na 'yon sa buhay mo? Nakapagtataka kasi ang ikinilos mo no'ng tamaan siya ng bola." Hindi na siya nagtataka kung napansin iyon ng mga kasamahan niya. Nang makita niyang tinamaan ng bola si Misha, walang isip-isip na iniwan niya ang laban. Binitawan niya ang raketa niya at agad na tumakbo, just in time to catch Misha before she fell on the ground. He didn't care about the rumours that he knew would eventually spread – Misha was the most precious person in his life after all. But he wasn't about to admit that to anyone. Bumuntong-hininga siya. "Hindi ko kilala ang babaeng 'yon. Inako ko lang ang responsibilidad sa aksidenteng ginawa niyo bilang presidente ng council. Kahit sino pa ang naging biktima, gano'n din ang gagawin ko." Of course it was a lie. Hindi niya puwedeng ipagtapat sa mga ito ang ugnayan nila ni Misha dahil na rin sa pakiusap ng babae. "Ah. I see!" Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita. It was Kia with the rest of the FM Editorial Staff. Kapapasok lang ng mga ito sa opisina ng SC. Agad na dumako ang tingin niya kay Misha. She was smiling knowingly at him. "Kanina lang ay kinukulit namin itong si Misha sa kung ano ba talaga ang relasyon niyo dahil sa pinakita mong concern sa kanya," kuwento ni Kia. "Ayun naman pala ay talagang responsible lang ang aming student council president." "What are you doing here, Kia?" iritadong tanong ni Gelo. Hindi pinansin ni Kia ang lalaki at dumiretso lang ito sa kanya. "Well, simulan na natin ang interview, Sawada." Kumunot ang noo niya. "Lahat kayo? Anong akala niyo sa committee ko –" He stopped when he saw Misha's expectant eyes. Bumuga siya ng hangin. "Doon tayo sa opisina namin." "Sean, halika rito. Tayo ang mag-interview kay Sawada," tawag ni Kia dito. Lumapit si Sean sa kanila na kakaiba ang pagkaseryoso habang nakatingin sa kanya. He scoffed. "As if I would understand your launguage, dog–" Natigilan siya nang lingunin siya ni Misha. Bumalik sa kanyang ala-ala ang pangako nila sa isa't isa. "I mean... Chua."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD