Chapter Nineteen

823 Words
NAKASIMANGOT si Misha habang naghihintay kay Seth sa loob ng sasakyan. Hindi pa ito bumabalik simula nang ihatid nito si Mami sa klase nito. Dahil sa injury ng babae ay hindi ito makalakad ng maayos at dahil inako ni Seth ang responsibilidad, ito na ang nagbabantay sa kaibigan niya. Kaibigan niya si Mami kaya gusto niyang mapabuti na ang kalagayan nito pero hindi niya maintindihan kung bakit masama ang loob niya sa tuwing nakikita niyang inaalalayan ito ni Seth. Ang sakit sa puso. Kasi po mahal mo si Seth. Napabuntong-hininga siya. Ngayong tinanggap na niyang mahal niya ang lalaki, malinaw na rin sa kanya kung ano ang emosyong nararamdaman niya ngayon. Nagseselos siya dahil may ibang babae itong inaasikaso. "Nakatali si Seth Sawada sa engagement na 'yon. Meaning wala siyang kalayaan makahanap ng babaeng puwede niyang mahalin. Pa'no siya magpapakasal niyan sa sarili niyang kagustuhan?" Iyon pa ang isa niyang pinoproblema. Tanggap na niya ang engagement nila ni Seth at gano'n din naman ito, pero may punto si Mami. Paano kung may mahal na pala itong iba pero hindi lang nito maipaglaban iyon dahil may responsibilidad itong pakasalan siya? Isang katok sa bintana ang pumutol sa pag-iisip niya. Alam niyang si Seth iyon kaya in-unlock na niya ang mga pinto. Pumuwesto agad ito sa driver's seat at inabot naman niya rito ang susi ng kotse nito na iniwan nito sa kanya kanina. Kunot-noong nilingon siya ni Seth. "Bakit nakasimangot ka?" Imbis na sumagot at nanatili lang siyang nakatitig kay Seth. Hindi gaya noon, mas maluwag na sa kalooban niya ang pagtanggap na mahal niya ito dahil nagkaayos na sila na magsisimula uli. Pero may namuo namang takot sa puso niya na baka napipilitan lang itong pakisamahan siya dahil sa kasunduan ng mga magulang nila. "Misha?" naiinip na untag ni Seth sa kanya. Umiling siya. "Salamat nga pala, Seth dahil nagiging mabait ka na sa mga kaibigan ko. Pero... kung napipilitan ka lang, puwede ka namang tumigil na." Marahang pinitik nito ang noo niya. "Silly. Ako ba 'yong tipo ng tao na mapipilit mong gumawa ng bagay na ayokong gawin?" Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. "Okay. Sunduin na natin ang mga bata. Manonood pa tayo ng sine." Tumango lang si Seth, pagkatapos ay binuhay na nito ang makina, pero agad din nito iyong pinatay uli. "Bakit, Seth?" "Si Mami. Nakalimutan kong i-excuse siya sa mga professor niya." Akmang bababa uli ito ng kotse nang yakapin niya ito sa braso. "Misha?" Sumimangot siya. "Kaya na ni Mami ang sarili niya. Marami siyang kaibigan na tutulong sa kanya. Sapat na 'yong pagtulong mo sa kanya. Umalis na tayo, please?" Tinitigan siya nito. His eyes softened somehow. "May problema ba, Misha?" She felt guilty. Pinakawalan na niya ito, saka siya pilit ngumiti. "Wala naman. Excited lang akong mapanood ang movie na 'yon." "All right. Aalis na tayo kaya 'wag ka nang sumimangot." Yumuko siya para itago rito ang tiyak na pamumula ng mga pisngi niya. Hindi siya makapaniwalang umarte siya na parang spoiled brat kay Seth. *** HINDI makapag-concentrate si Misha sa pinapanood nila na pelikula nina Seth at ng mga bata. Paano, hindi siya komportable sa posisyon nila sa loob ng sinehan. Nasa pagitan nila ni Seth sina Mitto at Jirou kaya magkalayo sila ng lalaki. Alam naman niyang iyon ang tamang puwesto para mabantayan nila ang mga bata, pero may mali pa rin. Nilingon niya si Seth. Nasa screen ang atenisyon nito pero nang maramdaman marahil nito na nakatingin siya rito ay lumingon ito sa direksyon niya. Tinaasan siya nito ng kilay. Mabilis naman siyang umiling at nag-iwas ng tingin dito. Nakakahiya mang aminin, pero gusto niyang si Seth ang katabi niya. Simula nang aminin niya sa sarili niyang mahal niya ang lalaki, nawala na ang lahat ng pagkokontrol at pagpipigil niya sa sarili. She wanted to be near him so bad. Naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Kunot-noong nilingon niya ito at nagulat siya nang makitang si Seth iyon. Nakipagpalit ito ng puwesto kay Jirou. "Seth, bakit lumipat ka ng upuan?" "Kanina ko pa kasi napapansing tingin ka ng tingin sa'kin. May gusto ka bang sabihin sa'kin?" Pinatong ni Seth ang braso nito sa armrest at dahil nakapatong din do'n ang braso niya, nagkadikit sila. The feel of his skin against hers made her smile. 'Yon ang kanina pa niya gustong maramdaman... ang makatabi si Seth. Napangiti na siya. "Chine-check ko lang kung nakatulog ka na dahil sa movie." He huffed. "Buti naman alam mong boring 'yang napili mong panuorin. Despicable Me? Seriously?" Lumabi siya. "Nag-e-enjoy naman sina Mitto at Jirou, ah." "Because they are kids. Eh ikaw?" Pabirong siniko niya ito. "Pero pumayag ka naman na ito ang panuorin natin." Naghikab lang ito. At sa kanyang pagkagulat, inihilig nito ang ulo nito sa balikat niya. "Matutulog muna ko. Gisingin mo na lang ako kapag tapos mo na." Natural lang siguro na bumilis ang t***k ng puso niya. Alam niyang hiniling niyang makatabi si Seth, pero sobra-sobra pa ang binigay na blessing ni Lord sa kanya. Hindi na niya sinayang ang pagkakataon kaya hinawakan na rin niya ang kamay ni Seth. Tsansing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD