SABAY napalingon sina Seth at Mami kay Misha. "Ang sabi ko, pakawalan mo si Mami!" galit na utos niya kay Seth. Tumalima si Seth. But his face was once again void of emotions. Agad namang tumakbo ang lumuluhang si Mami. Sinubukan niya itong pigilan pero natigilan siya sa mga sinabi nito nang mapadaan sa kanyang harapan. "I hate you, Misha." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Muling bumalik sa kanyang ala-ala si Jury. Naulit na naman ang nangyari noon – at muli ay kagagawan iyon ni Seth. "Misha –" "Ano'ng nangyari Seth? Akala ko ba nagbago ka na?" sansala niya sa sinasabi nito. "Naniwala ako na kaya mong magbago. Pinatawad na nga kita sa mga kasalanan mo noon kahit na hindi ka pa humihingi ng tawad. Pero ano'ng ginawa mo? Niloko mo lang ba ko?" Nanatili lang itong walang imi

