"MILKSHAKE and cookies, right?"
Nag-angat ng tingin si Misha sa naglapag ng kanilang milkshake at cookies ni Mami sa mesa. Kasalukuyan silang nasa KopeeBook – ang nag-iisang coffee shop sa loob ng Marusen University kung saan bookshop ang second floor kaya hindi na kataka-takang nagbabasa ng libro habang nagkakape ang ilan sa mga customers. It was the students' haven.
"President, you're strange today. You seemed to be in a good mood! Pa-kiss nga."
Sabay silang napatingin ni Mami sa entrance ng KopeeBook. Kapapasok lang ng tatlong miyembro ng Marusen Wolves – bansag sa mga miyembro ng Marusen Student Council Executive Committee. Si Seth iyon, kasama ang dalawang matangkad at guwapong lalaki na magkamukha.
Twins.
"Leave me alone, Rash," singhal ni Seth sa kambal na nagsalita kanina. "Bago pa kita sakalin d'yan."
Then, the three occupied the table across them. Nagtama ang mga mata nila ni Seth dahil magkaharap sila. Naramdaman niya ang biglang pagbilis ng t***k ng kanyang puso nang maalala niya ang kanilang "Kissing Incident" kaya bigla siyang napayuko sa kanyang milkshake.
"Rash and Vash Menhiz – the twin executive committee members of Marusen Wolves. The one with the eyeglasses is Vash and that cheerful guy who seemed to be immuned to Seth Sawada's icy glare is Rash," kuwento ni Mami. "Ang kyu-cute nila 'no?"
Tumango na lang siya. "O-oo."
"And of course, there's Seth Sawada. The president," natatawang sabi ni Mami.
Napaangat siya ng tingin kay Mami. Ayun na naman ang kakaibang kislap ng mga mata ng babae habang nakatingin kay Seth. "Mami... do you like Se – I mean, Sawada?"
Mami blushed. "I-impossible. I heard from a friend who went in the same high school as him that he's already engaged."
She froze. Nakalimutan na niya ang napansin niyang pamumula ng mga pisngi nito dahil sa mga sinabi nito. Did she know...? "K-kilala mo ba kung sino ang fiancee ni Seth Sawada?"
Umiling ito. "Pero sa pagkakaalam ko, na-engage lang sila dahil sa kagustuhan ng mga pamilya nila. That's why I feel sorry for him."
"Why?"
"Nakatali si Seth Sawada sa engagement na 'yon. Meaning wala siyang kalayaan makahanap ng babaeng puwede niyang mahalin. Pa'no siya magpapakasal niyan sa sarili niyang kagustuhan?"
Natigilan siya. The idea of Seth falling in love with another girl never crossed her mind. Not that she cared but it didn't seem right... but why? Hindi naman niya pag-aari si Seth. Tulad niya, napilitan lang din itong sumunod sa kagustuhan ng ina nito na ma-engage sa kanya. Pero bakit kahit kailan, hindi niya naisip ang posibilidad na may babaeng haharap sa altar sa tabi ni Seth na hindi siya?
At higit sa lahat, bakit ba siya naapektuhan?
"He doesn't love her," pagpapatuloy ni Mami. "Sana naman ay pakawalan na siya no'ng babae."
She froze as she felt a twinge in her stomach and a strange prick in her heart. Now that hurts.
Pero bakit?
***
NAKATITIG lang si Misha sa plato niya habang naghahapunan sila. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang naging usapan nila ni Mami. Partikular na sa dapat niyang pagkansela sa engagement nila ni Seth –hindi man sa kanya direktang sinabi iyon. May punto ang kanyang kaibigan. Kung ayaw na niya talagang patuloy pa rin patakbuhin ni Seth ang buhay niya, bakit hindi niya putulin ang engagement niya sa lalaki?
Madi-disappoint mo ang parents mo at si Tita Monta na walang ibang ipinakita sa'yo kundi kabutihan, bulong ng isang bahagi ng isipan niya.
Tumango-tango siya. tama. Iyon nga ang pinakamabigat na dahilan kung bakit hindi niya puwedeng gawin 'yon.
'Yun nga lang ba ang dahilan? saad naman ng kabilang bahagi ng isip niya. Eh bakit parang hindi mo matanggap na may ibang babaeng puwedeng mahalin si Seth?
Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kanyang kutsara't tinidor.
Higit sa lahat, bakit ka nasaktan nang sabihin ni Mami na hindi ka mahal ni Seth? pagpapatuloy ng maliit na boses sa isipan niya. Hindi naman kayo engaged dahil mahal niyo ang isa't isa – ginagamit lang iyon ni Seth para sa kompanya niya. Ginagamit ka lang niya! Eh ikaw?
"Napipilitan lang ako!" bulalas niya.
Sabay-sabay napatingin sa kanya sina Seth, Mitto at Jirou na tinignan siya na parang nababaliw na siya.
Ngumiti siya nang pilit. "Huwag niyo 'kong intindihin. May naisip lang ako."
"Ang weird mo talaga, Ate," naiiling na komento ni Mitto.
"That's her charm, Mitto-kun," nakangiting saad naman ni Jirou.
Nagkibit-balikat lang si Mitto at nagpatuloy na sa pagkain at gano'n din si Jirou. Nilipat niya ang tingin kay Seth na nasa katapat niyang dulo ng mesa at kunot-noong nakatingin sa kanya.
Pinag-aralan niya ang guwapong mukha ni Seth para lang madismaya. Habang tinititigan niya kasi ito, mas lalo lang siyang naaakit sa lalaki. Those thick eyebrows, almond-shaped eyes, arrogant nose, nice rosy lips, messy brown hair... She sighed. She really felt stupid for being attracted to a human iceberg.
"What?" angal ni Seth.
"What what?"
"You've been staring at me for the last..." Tumingin ito sa mamahalin nitong relong pambisig. "Three minutes."
Nagulat siya sa sinabi nito. Three minutes? Three minutes talaga? Hindi man lang niya namalayang gano'n katagal na siyang nakatitig sa mukha nito. Sabagay, she wouldn't get tired of staring at his annoyingly handsome face.
Inusad niya ang kanyang plato at sinubsob niya ang mukha niya sa mesa.
Is it really possible for a cyborg to be this good-looking?
"'Oy."
Nag-angat siya ng tingin kay Seth habang nakapatong ang baba niya sa mesa.
Posible nga.
"Bakit?" tamad na tanong niya.
"Kung ayaw mo ng pagkain, magpaluto ka ng iba."
Umayos siya ng upo. "Wala akong problema sa pagkain. May iniisip lang ako."
Para wala na itong masabi, nagsimula na siyang kumain. Hindi na niya muling kinibo si Seth.
And that night, she dreamt of their bitter past...
"Hello, classmate. I'm Jace. Ikaw?" nakangiting pagpapakilala ng isang binatilyo sa kanya
Yumuko siya. "You... shouldn't talk to me. Si Seth...."
"Wala akong pakialam sa lalaking 'yon. Basta ako, gusto kitang maging kaibigan."
She was shocked. Ngayon lang may taong hindi natakot at lumayo sa kanya dahil sa kaugnayan niya kay Seth.
"Sigurado ka bang gusto mo kong maging kaibigan?" nag-aalangang tanong niya.
Jace grinned. "Oo naman."
Naging maganda ang pagkakaibigan nila ni Jace. Sa katunayan nga, unti-unting nahulog ang batang puso niya sa binatilyo dahil sa kabutihang pinapakita nito sa kanya. Alam niyang mga bata pa sila no'n, pero ramdam niyang espesyal din siya kay Jace. Walang araw na malungkot kapag si Jace ang kasama niya. Hanggang sa dumating ang araw na sinira iyon ni Seth.
"Ayoko nang makita ka, Misha," buong pait na sambit ni Jace.
Kasalukuyan silang nasa sala ng mansiyon ng pamilya niya dahil sabay sana silang nag-aaral ni Jace para sa darating nilang exam. Pabalik na sana siya dala ang inihanda niyang merienda nang naabutan niya itong palabas ng bahay. Sinundan niya ito at tinanong kung ano ang problema.
"Jace? May nagawa ba kong mali?" kinakabahang tanong niya.
"Nagsisisi na ko na naging malapit pa ko sa'yo. Kung hindi dahil sa'yo, hindi sana ako mapapahamak kay Seth Sawada!" galit na sigaw nito saka tumakbo paalis.
Naiwan naman siyang naguguluhan sa nangyari. Lalo na at binanggit nito ang pangalan ni Seth.
"What a good for nothing jerk."
Napatingala siya sa pinanggalingan ng boses. Nasa second floor si Seth. Nakapatong ang mga braso nito sa railing ng hagdan. He was looking down at her with a disapproving look.
"Hindi ka dapat nagpapasok ng basura sa bahay niyo," anito sa malamig na boses.
"Ano'ng ginawa mo kay Jace?" galit na tanong niya kay Seth.
"Nilagay ko lang siya sa dapat niyang kalagyan." Bumaba ito ng hagdan at tumayo sa harap niya. "Sa susunod, pumili ka ng tatawagin mong kaibigan. At sa susunod na subukan mong palitan ako sa buhay mo, siguraduhin mo namang higit sa'kin ang lalaking 'yon."